Lumipas ang isang buwan ay naganap ang kasal nina Tanya at Harvey. Gaya ng kanilang plano, naging abay sa kasal si Glydel. Tuwang tuwa ang dalaga dahil ang nakapareha Niya ay ang gwapong doktor na katrabaho ni Tanya Hindi naman maipinta ang mukha ni Herald habang nakatingin sa dalawa na masayang nag-uusap at karga ang anak nila. Naging ring bearer ang anak nina Harvey na naging partner ni Baby Samira. Si Cym naman ang tumayong bride's maid na kapartner ng kapatid ni Tanya. Madilim ang tingin ni Aiden na nakaupo pa rin sa kanyang wheelchair. Kasama kasi itong dumalo ni Cym sa kasal nina Harvey. Nakatuon ang tingin ni Aiden sa Best man na kapatid ni Tanya. Malapad ang ngiti nito habang nakakawit ang kamay ni Cym sa braso ng lalaki. "Chillax, bro!" Siko ni Herald kay Aiden. "Tell that

