Masaya akong gumising. Well, sa totoo lang apat na oras labg ata ang itinagal ng aking pagtulog dahil napuyat ako sa kaiisip ng nangyari sa amin ni Aiden. Nag iinit ang aking pisngi maisip ko lang ang nangyari kagabi. Mas nauna pa ko gumising sa alarm ko.
Naligo
at nag-ayos na muna ako ng sarili. Inayos ko rin ang mga gagamitin ko sa school.
I need to bring all those things including the OJT letter, research paper for
our project and cardboards for our diorama. I also bring my laptop for the 3d
visuals of it since in just 3 days before our OJT ay deadline na nito.
Maagang
dumadating si Manang Linda, 5am palang andito na siya para mag asikaso at
magluto since parehas kami ni Aiden na busy sa school. Si Manang ang housemaid
namin sa mansion, pumupunta punta lang siya dito sa bahay every monday dahil
yung dalawang maid namin ay 8 am pa ang dating.
Bababa
na sana ako dala lahat ng kailangan ko ng saktong lumabas na rin si Aiden sa
kwarto nito.
"Let
me help you." Sinarado muna nito ang pinto at saka kinuha ang hawak kong
laptop at File case. Hindi na ko nagpakipot pa syempre hehehe.
"Salamat."
Sabay na kami bumaba
"Good
morning Cym, Alden. Pa reni na kayo at nakahain na ang
almusal." Nakangiting bati ni Manang sa amin
"Mauna
ka na, ilalagay ko na muna sa kotse yung mga gamit natin. Akina yang backpack
mo."
Kahit
medyo na aawkwardan ako ay ibinigay ko na.
"
Anong nangyari dini at parang nahipan ng hangin yang asawa mo?" Pasimpleng
kiniliti nii Manang ang aking tagiliran ng umalis sandali si Aiden
"Wala
ho Manang.Hindi ko nga rin po alam kung anong nangyayari dyan basta bigla na
lang naging ganyan yan" natawa ako sa pagkiliti nito sa akin.
"Ngani,
mabuti na baya yan at nang sumaya saya naman itong bahay. Maga isang taon na
kayo ay pero wala pa rin ganap." Ani ni manang habang nilalagyan ng
kanin ang aking plato
Natutuwa
talaga ako sa salita ni manang kahit noon pa. Tubong Quezon kaya may tono ang
ang pagsasalita nito. Di rin nagtagal ay dumating si Aiden para sumalo sa
pagkain, pagkatapos ay sabay na kami umalis. Ipinagbukas pa ako nito ng pinto
ng kotse. Habang nasa loob ay hinawakan ni Aiden ang aking kamay.
"Bakit
malamig ang kamay mo?" Tingin nito sa akin habang nagddrive ng maramdaman
ang paglamig ng aking kamay dala ng tensyon na aking nararamdaman
"
Wala lang, nakatapat kasi sa akin yung aircon kaya nilalamig ako" palusot
ko
Tumango
naman ito bilang tanda na kumbinsido ito.
"Dito
mo na lang ako ibaba, magttaxi na lang ako." Sabi ko ng mapansin ko na
lumagpas na kami sa lugar kung saan lagi niya akong ibinababa para hindi kami
magsabay sa pagpasok, buhat dun ay nagttaxi na lang ako
"
Hindi, sabay na tayo"
"
Hindi pwde, baka may makakita sa atin, baka makita tayo ni --" pambibitin
ko na ang dapat kasunod ay Ni Alessia.
"
Ok fine. Ibaba kita pero hihintayin kita na makasakay, susunod ako sa
likod." Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at iniabot aking mga gamit.
Bago nito ay hinawakan nito ulit ang aking kamay at banayad na kinurot ang
aking pisngi. Sumakay muli ito sa sasakyan at pinaandar ang sasakyan saka
huminto sa di kalayuan na 7/11.Di rin naman nagtagal ay nakapagpara ako ng
taxi, nang dumaan ang sinasakyan ko ay saka naman ito sumunod. Kinikilig ako sa
mga inaakto nito.
Nang
huminto ang taxi sa harap ng school ay tumingin pa ito sa akin bago dumaan kahit
na nakasarado ang bintana nito, aninag naman kasi ang loob dahil hindi ito
masyadong tinted. Pagpasok sa room ay tumunog ang cp ko.
Unknown
Number:
See
you later, Ingat
Kahit
walang pangalan ay alam ko na si Aiden ang nagtext. Kasunod ko sa pagpasok ay
si Harvey.
"
Good morning chubs"
Akbay
nito sa akin pagpasok.
"Good
morning, mukhang good mood tayo ngayon ah." Bati ko rin dito
"
Syempre. Makita lang kita buo na araw ko" sabay kindat pa nito
"Sira
ka talaga"
"
Aga aga mong bumanat Harvey, baka sagutin ka na niyan." Kantyaw dito ng
isa sa mga classmate namin. Nag apiran pa ang mga siraulo
"Pano
ko sasagutin yan, e di naman nanliligaw" saka tinanggal ang pagkakaakbay
nito at umupo sa aking silya.
Kinantyawan
na naman ito. Hindi ko na sila pinansin para magreview dahil may quiz pala
kaming gagawin.
Mabilis
na lumipas ang araw, next week na start ng ojt ko and guess what, sabay pa kami
ni Harvey na papasok sa kompanya nila dad. Si Aiden naman ay parati na rin
sweet kpag nasa bahay kami, nagchchat naman siya kapag nasa school. Masakit sa
akin lalo na kapag nakikita ko silang magkasama ni Alessia, lumalayo na lang
ako. Para kaming tintwo time ni Aiden pero ako anman si tanga pumapayag..
1
week na rin simula ng on the job training ni Aiden, Hindi ko alam kung saan
dahil hindi naman nito nababanggit pero for sure sa company nila. Kaya hindi
kami masyado nagkikita.
Kakatapos
lang ng aming presentation and naging successful ang present namin dahil
nagustuhan ito ng aming prof ngayong hapon ay sasamahan ko si Harvey na
makausap si Dad para sa on the job training nito sa La Majeste. Kahit nasa
kotse walang tigil na nangungulit si Harvey, wala ring tigil sa kakadaldal.
Dumaan muna kami sa isang coffee shop na malapit sa kompanya para bumili ng
coffee para kay dad at kay mom.
"Anong
kape ba gusto ng dad at mom mo?"
"Dark
Roast kay dad, si mom mas gusto niya Caramel Mocha. Ako di mo ko
tatanungin?" Nakangisi kong tanong dito
"Huwag
ka na, di ka kasama sa budget" sabi nito habang pumipili rin ng para sa
sarili nito
Bigla
akong napasimangot at pinahaba ang aking nguso. Lumingon ito at tumawa saka
kinurot ang aking pisngi.
"Joke
lang, pumili ka na rin ng sa'yo.hahaha kyut mo talaga" Napangiti ako
sa sinabi nito at umorder na rin ng sa akin. Caramel Macchiato naman ang inorder
ko habang siya ay Americano.
Umupo
na muna kami habang hinihintay ang aming order. Kinuha ko mula sa aking bulsa
ang cellphone ko at binuksan ang aking f*******:.
"
Ano pala ginagawa ng mommy mo sa company niyo?"
"Siya
secretary ni dad" sabi ko habang nagsscroll sa f*******: ko.
"
Bakit?" Usisa pa nito
"Nagretire
na kasi yung secretary ni dad yun lang kasi pinagkakatiwalaan niya kaya siya
pumalit"
"Bakit
hindi na lang sila maghire ng iba, e di wala kang kasama sa bahay kasi laging
wala parents mo." Litanya nito
Bigla
ako napatigil sa sinabi nito.
"Actually,last
year lang nagstart si mommy kaya no big deal na sa akin yun kasi nasa college
naman na ko. Nagtry rin naman sila na maghire pero hindi pumapasa kay mommy
kasi puro mga seducer mga nahihire nila kaya si mommy na naging secretary ni
dad." sabi ko saka bumalik sa pagccelpon
"
Pero lagi ka pa rin naiiwan sa bahay niyo, sino naman nakakasama
mo?" usisa pa nito
"
Hay naku Harvey, tama na nga yang kakatanong mo, magselfie lang ako pang myday.
Dami mong tanong." saka nagpose
"Dalawa
na lang tayo" bigla nito hinablot ang cp ko saka umakbay sa akin
"Game,
1,2,3" saka kami nagpose. Syempre ayaw kong maging stolen shot ang ganap
at mukha akong parang ewan hehe. Naputol na lang ang aming ginagawa ng tinawag
na ang aming pangalan. Naiwan ko pa sa kanya ang cellphone ko dahil tinitingnan
pa nito ang mga kuha namin. Pagkatapos kunin ang aming nga inorder ay Sumakay
kami ulit sa sasakyan nito. Pagkaupo ay ibinalik nito sa akin ang cellphone ko.
Habang sumisipsip ng kape ay tiningnan ko ang f*******: ko samantalang ito ay
nagmamaneho.
Halos
malunod ako sa iniinom kong kape ng makita kong iminy day ni Harvey ang picture
naming dalawa at ng tingnan ko ang views ay isa si Aiden sa nakaviews na nito
kahit na 5minutes palang ang nakakalipas.