Chapter 10

1329 Words
"Bakit mo pinost" hampas ko sa braso nito ng may panggigigil " Bakit, ang cute kaya, patingin nga ko ulit" sabi nito sabay silip sa cellphone ko. "Siraulo ka talaga" wala na kong maggawa doon dahil nakita na ito ni Aiden, Bakit ka naman matatakot na makita niya, bakit siya laging nagpopost si Alessia na lagi silang magkasama. Wala ka ginagawang masama. Sugsog ng kanyang konsensya. Hinayaan ko na lamang ito. After ilang minuto ay nakarating na rin kami sa La Majeste. Hindi na ako hinarang ng gwardya at nagderetso na kami sa elevator patungong 15th floor kung nasaan ang CEO'S office. "Chubs, may kopya ako nung mga pictures natin, gusto mo makita?" sabi nito habang nasa loob ng elevator, pinindot ko ito sa 15th floor. "Ayoko," isnob na sabi ko "Baka magsisi ka kapag hindi mo nakita, ipopost ko pa naman to mamaya" natatawang sabi nito "Oo na, patingin." Ipinakita nito anv cellphone nito at nagulat ako sa ibang pictures na pinakita nito, puro stolen shots, may nagkakamot ako sa ilong na animo nangungulangot, may parang tirik ang mata "Burahin mo nga yun, ampangit ko dun. Akina" agaw ko sa cellphone nito. Tawa ito ng tawa. habang nakataas ang cellphone nito habang pilit ko iyong inaabot. Nakahawak na ako sa balikat nito para gamiting pantukod upang maabot ko yung cellphone. Nasa ganoon kaming pwesto ng magbukas ang pinto ng elevator sa 10th floor. Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang nasa labas. Madilim ang pagtingin ni Aiden at pumasok sa loob. Pinindot nito ang 13th floor. Mabilis kong inayos ang aking sarili at nanahimik sa gilid. "Chubs" tawag sa akin ni Harvey sabay sundot sa tagiliran. Siniko ko na lamang ito habang nakikiramdam kay Aiden na hindi man lang lumingon. Nang tumapat sa 13th floor ay lumabas rin ito aga ng walang lingon likod ngunit may bigat za bawat hakbang nito dahil maririnig mo ang tunog ng sapatos nito at napansin ko rin ang pagpanting ng bibig nito. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ito. Kahit na anong pangungulit ni Harvey ay hindi ko na ito pinansin pa hanggang sa makarating kami sa opisina ni dad. -------- Kumatok muna ako bago ko pihitin ang doorknob ngunit pagpasok namin ay walang tao sa opisina kaya naghintay muna kami ni Harvey. After 10minutes ay dumating si mom. "O honey, kanina ka pa ba? Sorry we have an emergency meeting regarding sa isang project" bungad nito ng makita akong nakaupo. Agad naman akong humalik sa pisngi nito. Ibinaba ng mommy niya ang mga folders na hawak nito sa lamesa. "It's ok mom, hindi pa naman kami ganun katagal na naghintay." Bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang ama na nagluluwag ng necktie. "O Cym anak, why are you here?" Lumapit ako dito at humalik rin sa pisngi nito "Actually dad, sinamahan ko lang tong kaibigan ko. Si Harvey po. Harvey, dad ko" pakilala ko Nagkamayan ang dalawa "Nice to meet you po. By the way I have something for you po" saka iniabot ang kape na binili namin kanina " Thank you, hindi ka na sana nag abala pa. Please seat down." Tinanggap ni dad ang ibinigay nito Parehas kaming nakaupo ni Harvey sa pang isahang upuan na nasa magkabilang gilid samantalang si dad ay nasa mahabang sofa. Lumabas si mom mula sa comfort room at tumabi kay dad. "Ikaw ba yung Harvey na sinasabi ni Cym, Hijo?" Sabi ni mom pagkaupo nito "Yes po, maam." "Don't call me ma'am just call me tita" nakangiting sabi ni mom "I already read your letter and napirmahan ko na rin. You can start on monday." Ani dad bago humigop sa kape na dala namin napatigil ito sa pagsimsim ng may maalala "By the way hijo, are you related to Henry Carter of Carter Development Co.?" tanong ni dad " yes po sir, Dad ko po." Matipid na ngiti nito "Oh, I see. Kaya pala parang familiar ang mukha mo. We are good friends since marami na kaming napagsamahan na projects, actually may isa kaming project na trinatrabaho and it is a new subdivision somewhere in Rizal" ani dad " Nabanggit nga po ni dad sa akin kaya nung sinabi ko po sa kanya na sa company niyo po ako mag ojt. He was very happy." madami pa silang pinag usapan ni dad pero ng tumayo si mom para imisin ang lamesa at kumuha ng pamunas mula sa kusina ay sinundan ko ito. " Mom, ano po ginagawa ni Aiden dito?" tanong ko "Dito siya nag ojt" maikling sagot ni mom. "I did not tell you kasi akala ko alam mo na. Hindi pa ba nasasabi ng asawa mo sayo?" Tingin ni mom sa akin bago bumalik sa kinaroroonan nila dad. Nagkwentuhan pa kami sandali ni mom.Hindi na rin kami nagtagal at inaya ko na si Harvey umuwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para magpahinga. Naligo muna ako bago humiga.Andito naman yung isang katulong na tagaluto kaya hindi ko na kailangan magluto. Dahil sa sobrang pagod ay nakaidlip ako pasado alas otso na ng ako'y magising. Bumaba ako para maghapunan. "Manang, nakauwi na po ba si Aiden? Tanong ko kay manang habang hinahain ang mga pagkain sa lamesa. "Wala pa po maam, pero nagbilin po siya kaninang umaga na mauna na daw po kayo kumain, malalate nga daw po ng uwi" napatango na lang ako Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa sala, binuksan ko ang tv. Balak kong hintayin si Aiden. Tiningnan ko ang wall clock at quarter to nine na kaya naisipan ko itong itext. To: Aiden Anong oras ka uuwi? Hinintay ko pa na magreply ito ngunit wala ako natanggap. Alas nuebe Pasado ng marinig ko ang pagdating ng sasakyan nito. Agad akong tumungo sa pinto para ito ay salubungin ngunit parang wala itong nakita at nilagpasan niya lamang ako. Napabuntong hininga na lamang ako saka pinatay ang tv at bumalik na sa aking kwarto. Nagising ako ng madaling araw na parang ambigat ng katawan ko at tila nilalamig kaya tumayo ako para patayin ang ac saka ko binuksan ang electric fan saka ako ulit bumalik sa aking kama at ibinalot ang aking katawan sa makapal na kumot. Siguro dala lang ito ng sobrang pagod dahil sa sobrang daming ginawa nitong mga nakaraang araw at hindi ako masyadong nakakakain. Mapaparami lang kapag nagyayaya si Harvey. Kinabukasan, nagpasya akong huwag na muna pumasok dahil masama pa rin ang aking pakiramdam. Nagkulong ako sa aking kwarto, ni hindinna akong nagtangkang bumaba para mag agahan dahil pakiramdam ko ang nanlalambot ang aking mga tuhod. Tinawag ko na lamang si Manang Fely para dalhan ako ng pagkain. Pagkatapos kumain ay binigyan niya ako ng paracetamol at muling bumalik sa pagtulog. Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa aking noo. " Mainit ka pa rin. I think we need to go to the doctor" anito habang hawak pa rin ang aking noo. "huwag na, medyo ok na ko tska nakainom na rin naman ako ng gamot, itutulog ko na lang ito." Sabi ko saka inabot ang aking cellphone para tingnan sana kung anong oras na ngunit nakita ko ang pagdilim ng tingin nito panandalian na para akong namalikmata. Alas-dos na pala ng hapon "Bakit umuwi ka ng maaga?" "Manang Fely called me, hindi ka raw pumasok at may sakit ka kaya I ask for permission if I can go home early." Sabi nito "Do you need anything else? Wait, I get you fruits and water. Huwag kang tatayo" saka lumabas ng kwarto ko Napangiti ako dahil sa inaakto nitong pagiging caring. Kinuha ko ang aking phone ng tumunog ito. " Hello, chubs. Bakit Hindi ka pumasok? Ok ka lang ba?" Bungad nito kaagad sa akin "Masama pakiramdam ko." " Ganun ba, gusto mo dalawin kita?" "Huwag na, ok na ko. Salamat na lang " pagtanggi ko "Pero, baka wala kang kasama " "Huwag na nga, andito naman si manang fely kaya wag ka na mag abala pa" " ok., sige.pagaling ka chubs, bye"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD