Pagkatapos pumunta ng barangay hall ay inaya niya ako na mamili sa pamilihang bayan. Maliit lang ang lugar kaya halos magkakalapit lang ang mga iyon, dagdag pa na hindi ganoon kalaki ang pamilihan. Mas lalo akong namangha sa lalaking aking kasama dahil napakagaling nitong makisama. Halos lahat ng madaanang tao ay kilala siya na para bang isa siyang kandidatong nangangampanya. May mga nagbigay sa kanya ng mga prutas at gulay na pinitas pa ng mga magsasaka mula sa kanilang mga tanim. "Pumili ka na ng gusto mong bilhin," anito "w-wala akong i-ibang gustong bilhin." sabi ko "Pagod ka na ba?" tanong nito "M-medyo" sabi ko. Inaya niya ako sa isang kainan at doon na kami nananghalian pagkatapos mamili. Paakyat na kami sa bundok kung saan naroroon ang aming tinutuluyan ng kumaway si Kapitan

