Cym's POV Habang kumakain ay nagkwento ito habang ako ay nakikinig lamang. Napakagaan ng pakiramdam ko kapag kasama siya, hindi ko maiintindihan Pero may kung ano sa aking puso na parang nabuhay. "Mahal na mahal ko ang asawa ko Pero dahil sa Kat**ngahan ko, ilang beses ko siyang nasaktan Pati ang magiging anak Sana namin idinamay ko pa, hindi ko siya pinakinggan. Nakikiusap siya, umiiyak Pero ano ginawa ko? Hindi ko siya pinakinggan. Mas nakinig ako sa sinabi ng ibang tao kaysa magtiwala sa asawa ko." May pait sa bawat salitang binitiwan nito habang malalim ang titig nito sa akin na parang sa akin Niya ito sinasabi o masyado lang ako nadadala sa mga sinasabi nito. "Nasaan na ba ang asawa at anak mo ngayon?" Itinype ko iyon sa cellphone ko at ipinakita rito "Masaya na siya sa iba at

