Aiden's POV "Rosa, kaclose mo ba sina Lilia at Rita? Yung mga kasambahay sa bahay na may puting gate?" tanong ko sa aking kasambahay habang hinahain nito ang mga pagkain sa lamesa. "Ah, yung sa Pamilya Mejia po sir? Yung may Afam na pogi? Ay, oo sir, Mas close ko po si Rita" anito Nagsandok na ko ng kanin bago muling nagsalita " May nakkwento ba siya tungkol sa mga amo niya?" curious kong tanong "Ay, marami po sir. Kaya lang secret po yun sabi ni Rita." " Lagi ko naman nakakausap si Rita sa clubhouse kada umaga, nahihiya lang akong magtanong." pangungumbinsi ko rito dahil mukhang kahit may pagkamaretis ang kasambahay ay marunong rin palang magtago ng sekreto. "Ganun po ba sir,. May nakwento po si Rita sa akin tungkol sa amo niyang babae yung nanay nung baby na cute. Kawawa po pala

