- Akeera - Kakatapos ko lang maglista ng aking mga bibilhin sa supermarket. Paubos na kasi ang stocks ko at kailangan ko nang mamili. Nilagay ko na sa aking pouch ang listahan kasama ang wallet at cellphone. Nang matapos ay nagsuot lamang ako ng ripped jeans at t-shirt na kulay sky-blue. Slipper na brown lang ang suot ko sa paa. Paglabas ko ay natigilan ako, dahil mukhang uulan dahil madilim ang langit alas dos palang naman ng hapon. Kaya kumuha muna ako ng payong. Hawak ko ang payong at nagsimula ng umambon. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ng magulat ako sa dalawang lalaki na nakatayo sa gilid ng poste habang nakaparada ang kotseng itim. Ito yung dalawang lalaki na nàkita ko nung mga nakaraang araw. Hindi ko na lamang sila pinansin at naglakad na palabas ng village. Mabilis naman

