Chapter 1
Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang oras sa side table ko . 3:30 na pala ng hapon . Halos isang araw na pala akong tulog kaya halos manakit na ang buong katawan ko . Bumangon ako at parang zombie na dumiretso sa loob ng banyo para maligo . Nang matapos ay nagtapis lang ako ng towel sa katawan at binalot ko lang ng isa pang towel ang basang buhok ko. At lumabas para pumunta ng kusina para kumain . Ayus lang sakin ganito ang itsura ko dahil ako lang naman mag-isa rito at lahat Ng mga kasama ko ay mamayang gabi pa magsisiuwi. Halos wala na palang stock sa cabinet, pati sa ref ay puro tubig nalang . Kelangan ko na pala talagang lumabas ng bahay at baka kalbuhin na ako ng mga kasama ko dito sa bahay sila pa naman nagbibigay ng budget dito at ako ang taga grocery at namamahala dito sa loob ng bahay dahil katwiran naman nila ako lang lagi naiiwan rito at kelangan ko rin masikatan ng araw . Taong-multo pa tawag sakin ng mga pasaway dahil mukha na raw akong papel sa kaputlaan . Lang hiya ! Pero ayos lang kasi di ako naglalabas ng pera. Natatawa na lamang ako sa aking isipan.
Magkakape at tinapay nalang muna ako para magkalaman ang sikmura ko bago ako pumunta sa hypermarket.
Habang ngumunguya ng tinapay ay napaisip ako sa aking buhay .
Sa edad kong 27, ako lang nagbuhay sa sarili ko. Sa edad na sampu ay maaga akong naulila, dahil sa isang aksidente ay nawalan ako ng magulang , parehas silang teacher at nag-iisang anak lang ako. Ang pension ng aking mga magulang ang tumulong sa akin kaya ako nabuhay hanggang sa mag bente uno ako. Merun akong mga kamag-anak na sakim sa pera . Kaya halos wala rin akong ituring na kamag-anak . Kahit mag isa akong tumira sa bahay namin ay kinaya ko ang lahat at magpakatatag . Pinilit ko din makapagtapos ng pag aaral kahit mag isa lang ako. Binenta ko nalang ang bahay at lupa ng magulang ko dahil ayoko na tumira sa lugar na iyon, dahil sa mga kamag anak kong mga mukhang pera na makakapal ang mukha na kahit kelan ay walang naitulong sa akin pero kung umasta ay akala mo kung sino. Dahil sa kanila kaya naging matapang at palaban ako . Wala akong pakelam kung mga matatanda sila sakin at nagmumukha akong walang pag-galang sa kanila.
Nagtapos ako sa kursong Journalism dahil na rin sa pagiging scholarship ko kaya napagaan sakin ang pag aaral .
Nagtatrabaho ako bilang crew sa isang fast food chain, kahit pa monthly ako nakakatanggap ng pension , natutunan ko ang mag tipid . Sa awa ng Diyos , nairaos ko lahat lahat . Kaya matapos ko mag aral ay ibinentà ko na ang bahay at lupa . Matapos nun ay nagdesisyon ako lumuwas ng Maynila para sa panibagong buhay ko .
Kung saan-saan ako nangupahan nun at medyo nahirapan din ako mag-adjust sa mga bagay bagay. Sa unang trabaho ay naging Secretary ako sa maliit na kompanya . Inabot din ako ng tatlong taon hanggang sa magsawa ako, dahil pakiramdam ko hindi ito para sakin , Nung panahon na yun ay nag susulat na ako . Mahilig ako magsulat ng mga romance kahit di ko pa nararanasan magka - jowa man lang . Inspired lang ako sa mga movies at nababasa kong books .
Hanggang sa nag-apply ako sa isang company bilang Writer , diko aasahan na mabilis akong matanggap at ang mga gawang sulat ko ay nai-publish din. Kaya hanggang ngayon ay pagiging Writer ng mga Romance Novels ako ay nabubuhay .
Napunta ako sa bahay na ito sa tulong ni Maxine in short Max. Siya ang nag-yaya sakin tumira para may makasama siya, nung panahong naghahanap ako ng bagong mauupahan . Siya ang may-ari nito, hanggang sa madagdagan kami at naging anim sa bahay na ito.
Si Max na miyembro ng NBI, di mo aakalain na taga NBI ito sa taglay nitong kagandahan , pwede na nga itong maging model at artista .
Si Cassandra, isang napakagandang single mother. Isa siyang nurse at di mo din aakalaing may anak na ito dahil napaka seksi nito kahit simple lang manamit.
Si Lily na isang waiter, anak mayaman ito katulad ni Max pero pinili pa mamasukan, gustong magpakahirap sa buhay kahit may sarili silang kompanya . Sobrang tapang nito at palaban, halos madalas napapaaway. Madalas sila ang partner sa mga kalokohan . Ako si Max at Lily ang matatanda sa bahay.
Maganda ito at OOTD lang kung manamit sa ganda ah .... wag lang sa ugali .
Si Gail, na isang business woman . Isang maganda at mahinhin na may landi ding taglay sa katawan. Isang tao lang naman ang matagal na nitong pinapangarap , Si Lance na kuya ni Max.
Si Honey , ang pinaka bunso sa grupo sa edad na 22 . Para itong maria clara sa pananamit nung panahon makilala namin ito dagdag pa ang sobrang malaki at makapal nitong antipara sa mukha na halos sumakop na sa maliit nitong mukha. Inayusan namin ito at nagmukhang diwata sa kagandahan .
At syempre akoo ! Sobrang ganda alangan naman magpatalo ako! Yun lang !
~~~~~~~~~~
Umikot pa akong muli sa harap ng salamin para tignan ang itsura ko,
White plain t-shirt at maong short ang suot ko at naka slipper na black. Naglagay lang ako ng kunting polbos , eyebrows at liptint para mag mukhang tao naman ako. Sinukbit ko na din ang maliit na shoulder bag na may laman na wallet at cellphone.
Nang makalabas ng bahay ay naglakad pako dahil wala naman sakayan sa village nato pwera nalang kung may sarili kang sasakyan. Nang makalabas ay mabilis agad akong nakakita ng taxi at pinara Ito. Bumaba nako sa isang sikat na Mall. Habang naglalakad ako ay napapansin ko may mga napapalingong mga tao banda sakin kaya agad ako lumingon sa likuran ko pero wala namang kakaibang napansin kaya dinedma ko nalang at magliliwaliw muna ako dahil ilang linggo na ata akong hindi lumalabas ng bahay .
Pumasok ako sa isang botique store at tumingin tingin ng magagandang dress, napapalaki ang mga mata ko sa mga price tag at napapailing nalang, hanggang tingin lang talaga ako dahil di naman ako bumibili ng ganun kamahal . Trip ko lang talaga tumingin. Lumabas ako at nakita ko naman ang mga jewelry. Trip ko ulit pumasok.
"Wow ang ganda naman nito!" mahina kong sambit .
Isa iyong necklace na may pendant na letter *A* sa gitna . Kumikinang pa Ito dahil sa blue na kulay nito .
Pagtingin ko sa presyo ay halos mapamura ako .
*Two hundred and Fifty nine thousand pesos*
Napapailing nalang ako sa aking pagkakayuko at nang tumayo ako ng tuwid ay may matigas akong naramdanan sa aking likuran ramdam ko pa ang hininga nito sa aking batok . Pakiramdam ko nag slow motion ang lahat.
Agad din akong nakabawi kaya mabilis akong napalingon sa kung sino man ang mapangahas na nasa likuran ko. Isa lamang malaking tao ang naglalakad papunta sa counter at kinakausap ng dalawang staff na para pa ngang kilig na kilig ang dalawang babae . Napatingin ako sa itsura ng malahiganteng tao. Naka brown leather jacket ito at black pants at white nike shoes. Diko makita ang mukha nito dahil nakatalikod sakin. Kaya inismiran ko nalang, at baka tamang hinala lang ako na may umamoy sa batok ko.
Lumabas nako at naglakad para pumunta sa Hypermarket . Napapansin ko ulit ang mga tao na napapalingon sa likuran ko kadalasan pa mga babaeng kilig na kilig kala mo nakakita ng artista , Napapalingon tuloy ako pero wala naman .
*Mga haliparot lang ata* bulong ko sa sarili at pumasok na sa loob ng Hypermarket at kumuha ng malaking cart . Una akong pumunta sa mga fresh meat, sunod naman ang isda , mga gulay at marami pang iba. Halos mapuno na nga cart ko kakadampot ng mga junk food. Di bale 'di Naman sakin ang pera .
Napangisi pako .
Nag-ikot pako para sa mga personal needs ko.
Nakita ko ang mga Sanitary Napkin , ang malas lang dahil sa pinakatuktok pa naka-display . Balak ko pa Naman kumuha ng tatlong pack. Nagpalinga-linga pako kung merun mga staff , pero wala talaga . Kaya no choice ako kundi tumingkayad nalang, habang nakataas ang kanang kamay ay napapataas din ang damit ko at nakikita ang tiyan ko. Hirap talaga maging maliit.
May isang malaking braso ang biglang sumulpot sa ulohan ko at ramdam ko din ang mainit na katawan sa likuran ko. Walang habas itong kumuha ng limang pack ng napkin gamit ang isang kamay nito at nilagay sa cart ko.
Napanganga nalang ako sa gulat at tangkang lilinungin sya pero mabilis pa sa kidlat itong naglakad at dumiretso ng lakad. Para akong natutulala sa mga pangyayari . Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kabutihang taglay nito.
Dumiretso nako sa counter at mabilis naman akong natapos. Iniwan ko rin muna sa mga staff ang pinamili ko dahil marami-rami din yun at kelangan ko ng kumain dahil nagwawala na mga bulate ko sa tiyan.
Pumasok ako sa medyo mamahaling restaurant, minsan ko lang naman i-treat ang sarili ko kaya gorah na !
Sa pinakadulo ako umupo at humarap sa may dingding . Kaya talagang wala akong makikitang tao sa harap ko dahil nakatalikod ako sa kanila . Naramdaman ko din na may umupo sa likuran ko pero di nako nag-aksaya ng panahon para lumingon rito. Agad naman lumapit sakin ang Waiter at kinuha ang order ko. Narinig ko rin ang inorder ng nasa likuran ko, parang gusto ko tuloy lumingon dito dahil sa barito nitong boses. Napaka-manly. Pero pinigilan ko ang aking sarili.
Kaya kinuha ko nalang ang phone ko at napangisi ako sa sunod-sunod na tunog mula sa messenger. May chismis pala nahuli pako, Sa GC namin to sa bahay. Pinindot ko ang video call para makita silang lahat, pero si Lily lang ang sumagot.
"Oh anung nangyare sayo?" bungad ko.
"Kaasar talaga! No-choice ako kundi pirmahan nalang ang kontrata" . busangot na sabi nito.
"Anung kontrata yan?"
"Lintik kasing lalaki yun eh, dahil sa kanya muntik pako mawalan ng trabaho , ang worst pa pinapirma nya ako ng diko agad binabasa !" sabay tampal sa noo nito.
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Lily.
"Paki elaborate mo nga lahat di kita gets"
Magsasalita pa sana ito ng dumating ang order ko . Nginitian ko nalang ang waiter at umalis na.
"Nasapak ko kasi sa mukha ang costumer namin, pano ba naman mukhang manyak panay kindat"
Nagulat ako dahil may narinig akong tumawa sa likuran ko pero dedma ako.
"Oh tapos" halos ayoko muna galawin ang pagkain ko dahil chismis is life.
"Yun pala kakilala ng boss namin si Manyak, aba ang ending ako pa naging masama! Ngayon may pinapapirma sakin na kontrata ang Boss ko para daw wala ng alitan, halos gusto ko na magsuper sayans nun , pag diko daw yun pipirmahan ay tatanggalin niya ako. Edi pumirma nalang ako. Kanina ko lang nalaman na yung pinirmahan ko ay di makatarungan!"
"Anu ba nakalagay?"
"Gagawin niya akong Maid ng three months at sasahod ako ng isang milyon".
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Pero pag di ko tinapos ang kontrata, ako naman ang magbabayad ng Five Million sa kanya." Masama ang loob na sabi nito.
“May ganyan palang kontrata kakaiba sya ahhh" . Lalo tuloy nagdilim ang mukha ni Lily.
“Alam mo Lily, grab mo na yan! Mabilis nalang ang takbo ng araw ngayon atlis in three months magkaka 1 million kana !" napangisi pako.
“Pasabi nga diyan sa Boss mo baka pwede pang mag-apply ng katulong, kahit tagalaba ng brief nya ng isang taon basta isang milyon ang sahod ! " abnormal kong sabi dito.
“FF***kk!!! " malakas na mura sa likuran ko na kinagulat ko ng husto.
“Sino naman kasama mo na nagmura Akeera?" pati pala si Lily ay narinig iyon.
“Huh? wala, wala akong kasama tignan mo naman ako ohh kakain palang." sabay subo ng pagkain.
“Himala ata at lumabas ka ng lungga mo Akeera ! Ganyan dapat, paaraw din minsan para ka ng white lady sa kaputian."
“Oh bat sakin naman napunta ang usapan ikaw itong problemado diba?" ngumunguya pako na nagsasalita.
Parang nilamukos ulit ang mukha nito .
“Mamaya na nga lang pag uwi ko."
“Oh sige sige na , para makakain na mga bulate ko sa tiyan " natatawa kong sagot at pinatay na ang video call.
Tinuon ko nalang ang pansin sa kinakain ko at naramdaman ko sa likuran ko na tumayo ito, tiyak tapos na itong kumain.
Mabilis akong natapos kumain dahil na rin sa gutom . Tinawag ko na rin ang waiter para magbayad. Lumapit naman ito.
“Yes po Mam?"
“Ung bills po?"
“Eh Mam bayad na po kanina pa ng Boyfriend mo" sagot nito.
“What?!" naguguluhang tanong ko dito.
“Sinong boyfriend ako lang naman mag isa pumunta dito at kumain"
Nagtataka at nalito naman ang Waiter sakin.
“Pero ma'am sabi niya ay Girlfriend ka niya , kala ko nga po magkaaway kayo dahil magkatalikod po kayo habang kumakain" magalang na sabi nito.
“Huh teka lang! ”
“Sige po Mam at marami pa po akong gagawin". at bigla itong tumalikod para bang takot na magsalita.
Naguguluhan man ay bumalik nako sa pinag iwanan ko ng mga pinamili ko. Tinulungan naman ako ng isang staff na lalaki panay ngisi na napapatingin sakin.
Diko nalang ito pinansin dahil gusto ko ng sumakay at umuwi.
Sakto naman na may taxi na nakaparada at agad kami lumapit, nilagay na din ng staff ang pinamili ko sa likuran ng taxi at binigyan ko siya ng tip pero tinanggihan nito at nagpasalamat na lamang ako. Mabilis rin akong nakauwi at bumaba sa harap ng bahay namin.