Chapter 2

1644 Words
Nagising ako ng medyo masakit ang ulo. Paano ba naman ay halos alas dos na ng madaling araw na matapos kami sa kwentuhan at inuman ng mga kaibigan ko. Si Lily ay magsisimula na magtrabaho bilang kasambahay sa pangalang Draco. Si Cassey naman na isang nurse ay kinuhang personal nurse ng isang mayamang lumpo, ang nagrekomenda ay ang kaniyang boss na si Lance na kapatid ni Max. Kaya apat na lamang kami dito sa bahay. Si Max naman ay sobrang busy sa pagiging alagad ng batas, uuwi lang dito pag matutulog o kung minsan ay sa mansyon ng pamilya nito. Ganun din naman si Gail uuwi lang ito ng weekend sa kaniyang tiyuhin sa Cavite, malapit kasi dito ang coffee shop na business nito. Si Honey naman ay umaga umalis at hapon na rin kung umuwi dahil teacher ito sa preschool. Kaya ito ako ngayon lulugo-lugong bumangon para pumasok sa banyo at maligo. Nang makalabas ay pumunta ako ng kitchen at naghanda gumawa ng sandwich at nagtimpla ng kape. Habang ngumunguya ay may narinig akong malakas na kalabog sa labas bahay. Nagtataka ako kaya mabilis ko na inubos ang pagkain at nilagay sa lababo ang hugasin ko. Agad akong lumabas nang pinto at nilibot ang mga mata, ganun nalang ang gulat ko nang may mga taong nagbubuhat ng mga kahon at kagamitan papasok sa tabi ng bahay namin. “May bago na pala kaming kapitbahay" bulong ko sa sarili. Dahil sa pagiging tsismosa ko ay naglakad pako gusto ko kasi makita kung sinu-sinong pamilya sila. Ganun na lamang ang gulat ko nang may isang lalaking nakahubad ang damit at may tattoo sa likod nito. May buhat itong malaking kahon habang binababa sa harap ng pintuan nito. Napatitig at napanganga ako sa kalakihan ng katawan nito, bawat galaw nito ay natutulala ako. Ang mga muscle nito ay pumuputok sa laki para bang kay sarap lumambitin. Ano kaya ang pakiramdam ang mahawakan ang isang mala adonis na katawan nito. Mas lalo pa ako napanganga nang bigla itong humarap sakin. “shocks! Lord totoo ba to?!" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kagwapuhan nito. Mukha kasi itong pang Hollywood Star sabayan pa ng abs nitong kay sarap kagatin. Para itong nagulat sakin at maya maya pa ay biglang ngumiti. Naglakad din ito palapit sakin kaya bigla akong naestatwa. Habang lumalapit kasi ito ay hindi na ngiti kundi nakangisi na. Bigla ako nangilabot kaya agad agad akong nagtatakbo papasok sana sa loob ng bahay. Pero huli na dahil humawak ito sa aking braso. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nakuryente. “Sandali Miss!" tawag nito sakin na kinatigas ng katawan ko. Pati pala boses nito ay kay sarap pakinggan. Marahan akong napalingon dito at halos mapatalon ang puso ko sa paraan ng pagkakatitig nito. “B-baket?" nauutal pako. “Gusto ko magpakilala bilang bagong kapitbahay mo" parang mapang akit nitong pagkakasabi. “H-huh?" anu Akeera bingi lang? sigaw ng aking isipan.. Bumitaw muna ito sakin kaya napahinga ako ng maluwag. “Im Aristotle Schagger but you can call me ‘Aris' . 34 years old. Handsome, Single and ready to mingle" sabay kindat sakin. *Shocks! ibang klase pala ang kayabangan nito. * “Im Akeera-" nabitin ang pagpapakilala ko ng sumabat ito. “I know baby" nakatitig nitong sabi sakin na kinanganga ko. “Teka, kilala mo ako?" takang tanong ko , pero mas nagtaka ako nang tawagin niya akong baby. Pakiramdam ko nagwala mga eggcell ko sa katawan. “Sa kagandahan mo na iyan, makikilala ka talaga Akeera" parang musika sa pandinig ang pagkakasambit nito sa aking pangalan. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. “A-ahh ganun ba" napayuko ako dahil diko na nakakayanan ang paraan ng pagtitig nito sakin. “Are you okay baby?" Nabigla ako sa tanong nito kaya agad nakaisip ng pagsibat sa harap nito. “Ah may gagawin pa kasi ako. Busy kasi akong tao. Kaya mauna na ako sayo. Nice to meet you!" sabay talikod at walang lingun lingon akong dumiretso sa harap ng aming pintuan at agad binuksan ko iyon. Nang makapasok ay napasandal ako sa pintuan at huminga ng malalim. “My goshhhhhh! Ibang klaseng kagwapuhan naman ang taong iyon" bulalas ko habang napahawak sa aking dibdib na halos nagtatambulan na. ~~~~~~~~~~~ Matapos akong maligo ay nagbihis lamang ako ng sobrang iksi ng short na halos makita na ang singit at sandong puti. Sanay ako sa ganitong suot lalo na at di naman ako lumalabas ng bahay. Nagpunta ako sa kusina at magsisimula na akong magluto para sa tanghalian. Nagsaing muna ako gamit ang rice cooker. Ang naisip ko naman na uulamin ay sinigang na baboy. Dadamihan ko na lang pagkakaluto para umabot pa hanggang dinner. Habang nagpapalambot ng karne ng baboy ay nagsisimula na akong mag ready para hiwain ang mga gulay. Napatingin ako sa aking niluluto at ganun nalang ang gulat ko nang wala na palang apoy. Ubos na ang gasul. “Minamalas ka naman" salita ko sa hangin. Agad ko kinuha ang cellphone ko at tinext ang nagdedeliver ng gasul. Nagreply naman agad ito sakin ng 'OK'. Kaya habang naghihintay ay tinapos ko na lamang ang paghihiwa para sa lulutuin ko. Makalipas ng sampung minuto ay may nag doorbell. Tiyak si Baldo na iyon ang delivery boy ng gasul. Pagbukas ko ng pintuan ay malaking katawan ang nakita ko na ipinagtaka ko. Kaya nang mapatingala ako sa kung sino man iyon ay ganun nalang ang gulat ko. Si Aris ang bagong kapitbahay ko. Nakatingin ito sa akin na salubong ang mga kilay. Bumaba ang tingin nito mula sa aking dibdib hanggang sa aking mga hita pabalik sa aking dibdib at napatagal ang pagtitig nito na aking ikinasiwa. “A-anung ginagawa mo dito" kabadong tanong. Diko kinakaya ang tinginan nito sa aking katawan. “Ganyan kaba humarap sa tao halos ipakita mo na katawan mo" prangka nitong pagkakasabi na aking kinapula ng mukha. “Abat! anu bang ginagawa mo dito?!" sighal ko dito. “Tabi at ipapasok ko ito" sabi nito na nakabusangot pa rin ang pagmumukha. Halos manlaki ang mata ko dahil buhat na nito ang tangke ng gasul. Kaya binuksan ko na malaki ang pintuan at pinapasok ko ito. Dire-diretso naman itong pumasok sa kusina na para bang feel at home. Napalingon naman ako sa labas at nakita ko sa may gate si Baldo na para bang nahihiya at nakatungo. Pumasok nalang ako sa kusina para tignan ang ginagawa ni Aris. Mabilis naman nito nakabit ang tangke na para bang sanay na. Tumayo ito at bitbit ang walang laman na tangke at tumingin sakin. Tingin na mula ulo hanggang paa. Lumabas naman agad ito at sumunod ako para magbayad kay Baldo. “Bayad ko Baldo" nakangiti ako dito habang inaabot ang bayad dito. “Binayaran na ni Bossing" sabay tingin kay Aris. “Huh?" “Bayad na nga diba? Kaya sige alis na!" sigaw nito kay Baldo na agad ay pinaandar ang sidecar nito. Ako naman ay napanganga nalang sa pagsigaw kay Baldo. “Baket mo naman binayaran" kunot noo kung tanong. “Tsk! pwede ba pumasok kana, alam mo naman na ganyan ang suot mo gusto mo pa tumambay dito sa labas!" galit na sagot nito na kinawindang ko. “Anu bang problema mo?" Wala itong sagot bagkus ay hinawakan ako sa braso at pumasok sa loob ng bahay. Kahit naiinis nako sa taong ito ay pinilit ko pa rin ang kumalma. Agad ako napapiksi sa pagkakahawak nito sa aking braso. “Oh ito pera para sa bayad ko" inabot ko sa kanya ang hawak kung pera. Pero ito ay tinitigan lang. “No need" sabay tingin sakin. At eto na naman ang pagkakatitig nitong nakakatunaw. “Pero pera mo iyan" pamimilit ko dito . “Okay dahil mapilit ka. Makikikain nalang ako. Iyon ang gusto kong bayad. Sakto nagluluto ka naman ata." “Okay" sagot ko nalang kahit nakakabigla ito. Pumasok na ako sa kusina para masimulan na ang pagkakaluto . Nakita ko naman si Aris na pumunta ng sala at nanood ng tv. Feel at home talaga si kumag. Makalipas ang isang oras ay natapos din ako. Kaya hinanda ko na ang mga plato at baso para sa aming lunch. Tinawag ko na ito dahil mukhang enjoy sa pinapanood. “Kain na tayo Aris" Pinatay nito ang tv at tumayo na. Habang lumalapit ito ay nakatitig sa akin. Parang gusto tuloy mag rambulan ng aking dibdib. Habang kumakain kami ay napapansin ko na malakas itong kumain. Maganang magana ito na para bang nasarapan sa niluto ko. Halos masimot ang kanin dahil sa lakas nitong kumain. Wala naman kaming imikan habang kumakain. Nang matapos ay napadighay pa ito sabay ngisi sa akin. “I can't believe this, sobrang sarap mo palang magluto. Pwedeng pwede na" nakangiti itong pagkakasabi sakin. Ako naman na halos mabulunan sa iniinom kung tubig. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para di ma gets ang tinutukoy nito. Ngumiti nalang ako dito. “Dahil nakakain kana, baka gusto mo nang umuwi" pagtataboy ko dito . Diko na kasi kinakaya ang prisensya nito. “Pinapaalis mo naba ako" tanong nito na nakakunot ang noo. “Ah hindi naman, kuwan kasi baka busy kang tao at baka may gagawin kapa. Ganun din kasi ako marami pa gagawin" palusot kung tugon. “Okay, sige mauuna nako. Pero make sure na wag ka magsusuot ng ganyang kasuotan na halos labas na lahat. " Seryso nitong sabi na kinanguso ko. “Wag ka nakanguso at baka mahalikan kita diyan." Halos pulahan ang buong mukha ko sa pagkakasabi nito. Mabuti na lamang ay tumayo na ito at palabas na ng pinto ng tumigil ito at nagsalita. “Be a good girl baby" sabay kindat sakin at lumabas na ng tuluyan. Ako naman na halos panawan ng ulirat sa kilig. Sabayan pa ng malakas na kabog ng aking dibdib. *Sheetee na malagkit! pag ibig ba ito?*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD