Kinagabihan ay nag-ready na ako sa sala para sa aking pagsusulat. Nakapatong ang aking laptop sa glass table habang ako ay nakasalampak na nakaupo sa mabalahibong carpet na binili pa ni Lily sa Germany. Paborito ko ang ganitong pwesto. Sa kanang bahagi, tabi ng laptop ay ang notebook at ballpen, kailangan ko iyon para sa notes ko. Sa kaliwa naman ang cellphone ko. Nasa unahan ang kapeng barako na kailangan ng sistema ko.
Narinig ko ang pagkaluskus sa pintuan, tiyak ay parating na ang iba kong mga kaibigan. Hindi ko na kailangan silang lingunan kung sino sila dahil kabisado ko na ang oras ng kanilang pag-uwi.
“Goodevening Ate Akee!" boses ni Honey.
“Kumain kana diyan Honey" sabi ko na abala sa pagtipa ng keyboard.
“Anung ulam natin?"
“Tortang talong"
“Ay, di ka nagsabaw te. Friday ngayon"
Napahinto ako sa aking ginagawa at umangat ang paningin kay Honey na ngayon ay nakatapat sa akin. Sa boses nito ay halatang nagtataka.
“Naubos kasi kanina kaya iyan nalang ang niluto ko"
“Umuwi ba si Ate Max? Si Gail?"
“Hindi uuwi si Max, si Gail tiyak dadaanan pa ang kaniyang prince charming"
“Ayy di mo ako tinirhan ng ulam"
“Bukas nalang ipagluluto ko kayo ng masarap. May nakikain kasi nagulat nalang ako taob ang kaldero" sabi ko at humarap muli sa aking laptop.
Hindi ito nagsalita at lumakad palayo sa akin. Kaya nakafocus ako ngayon magtitipa sa aking keyboard. Naramdaman ko na lamang ng may umupo sa aking tabi.
“Masarap pa din ang luto mo" napakunot ang aking noo nang magsalita sa tabi ko si Honey na ngayon ay kumakain. Pinatong nito ang dalang Plato at baso sa glass table.
“Bakit ka dito kumain?"
“Wala lang gusto ko lang may kasama." Sabi nito na punong puno ng kanin ang bibig. Nilapag pa nito sa table ang pinakamalaki nitong eyeglasses na umabot sa kalahating mukha nito.
Hindi na ako umimik at tinuon na lamang ang pansin sa aking ginagawa. Narinig ko pang kinuha ni Honey ang remote control ng TV at nagsimulang manood ito. Ako naman ay natutuwa dahil isang chapter na lamang ang aking gagawin at patapos na ako sa aking sinusulat. Excited na ako para i-publise ang aking libro. Pinasok ko na rin sa ilang application ang gawang mga stories ko. Nakakatuwa nga at mas marami ang nagbabasa sa apps. Kahit na pay to read ang mga iyon ay marami pa ring nakasubaybay. Kailangan ko ng kumayod ng husto dahil marami pa akong pangarap na di ko pa masimulang makuha. Kahit single at sarili lang ang iniisip ay kailangan ko pa ng maraming pera. Dahil money is life nga.
“Yes!" masayang napapaunat ang aking likuran dahil tapos na rin ang dalawang buwan kong paghihirap ko sa paggawa ng kwento.
“Tapos ka na te?"
Napalingon ako kay Honey na ngayon ay tapos na palang kumain at nakatingin sa akin.
“Oo, pwede na akong hindi magpuyat ngayon!" napangisi ako.
“Excited na ako mabasa yan. Kakatapos ko lang basahin yung huling books mo eh" masayang sabi nito habang inaayos ang salamin sa mukha.
“Ay salamat Honey! Sa lahat ng mga kaibigan natin ikaw lang ang pinakamatiyaga kong fan" sabay hagikhik ko. Oo tama kayo, si Honey lang ang mahilig magbasa ng mga fiction. Teacher ito pero mahilig magbasa. Ang ibang mga kaibigan namin ay tamad sa mga ganito. Pinipwersa ko pang mag-download ng application para lang may supportive ako. Si Max na di talaga maaasahan sa ganito hilig. Mas gusto nito ang manood ng mga action film. Si Lily naman naman na puro kaartehan sa katawan ang gusto nito. Gusto nito manood ng mga make ups kaya nadadamay na rin ako sa kaartehan nito at kakikayan. Di ko lang masundan pagwindow-shopping na. Pass ako sa ganiyan. Pwera nalang kung libre nya na madalas naman talaga siyang libre nito. Si Gail naman ay masiyadong nahihibang kay Lance, ayaw daw niyang magambala ang pagmamahal sa iba kundi sa lalaking iyon lang na para namang timang sa pagkamanhid.
“Ah Ate Akeera may sasabihin ako." parang nag-aalangan nitong sabi.
“Anu yun?"
“Gusto kasi akong kunin bilang magbabantay sa isa kong estudyante"
“Magbabantay? Teacher ka hindi baby sitter" nagtataka kong tanong dito.
“Si Misty, yung paboritong kong estudyante. Nakikiusap sa akin na kung pwede ako na lamang daw ang mag-alaga sa kaniya. Bago kunin ito ng kaniyang magulang na nasa ibang bansa."
“Siya ba yung tumatawag sa iyo ng ‘Mama' ?"
“Oo siya nga"
“Magkano ba?"
“Anung magkano ba?" nakatingin ito ng may pagtataka.
“Aba'y mag-aalaga ka ng bata. Natural babayaran ka. Ikaw naman. Wag mo sabihing libre" tinaasan ko ito ng kilay.
“H-huh? Hindi ko pa alam. Hindi ko kasi naisip yun. Sa akin lang gusto ko siyang
makasama bago siya umuwi ng England"
“Talaga lang ahhh" tinitigan ko si Honey. Bigla itong napayuko at namula. Naningkit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay mayroon pang ibang dahilan.
“May gwapo ba dun?"
“H-huh?" napaangat ito ng tingin sa akin at mas lalo pang namula ang maganda nitong mukha.
“Oyy nagba-blush ka. So may gwapo dun . Crush mo ba" panunudyo ko. Gusto ko itong umamin sa akin. Kung andito lang si Max ay baka mabilis itong mapaamin. Magaling kasi ang babaeng iyon kala mo manghuhula.
“H-hindi wala!" Mabilis itong tumayo at kinuha ang pinagkainan nito. Kumaripas ito ng takbo papunta sa kusina. Napahalakhak na lamang ako. Tama nga ang hula ko.
~~~~~~~~~~~~~
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi kasi ako nagpuyat dahil mabilis ko na lamang natapos ang sinulat ko kagabi. Naghilamos lamang ako at nag-toothbrush. Basta ko pinuyod na lamang din ang aking mahabang buhok na hindi gumagamit ng suklay. Dumiretso ako ng kusina at nagsimulang maghanda para sa almusal. Kumuha ako ng apat na itlog para gawin itong sunny side-up. Nagprito ng tuyo at meatloaf. Nagsaing na rin ako sa rice cooker. Heavy breakfast. Nagpakulo na rin ako ng mainit na tubig. Saktong patapos na ako ng bumaba si Honey na ngayon ay papasok na sa school. Kasunod nito si Gail na mukhang aalis na rin.
“Oh mga madam. Eksaktong pagbaba ninyo kakain na tayo"
Napangisi si Honey. Si Gail naman ay mahinhin na tumatawa. Sabay kaming umupo at kumain. Nagkwentuhan ng kung anu-ano.
“Sa bahay nila Tito ako uuwi mamaya Akee. Kaya wag mo na damihan ang pagluto mo ng dinner." si Gail.
“Gail, sino ang naghatid sayo kagabi" tumingin si Honey kay Gail.
Napataas ang kilay ko.
“May naghatid sayo? Si Lance?" tanong ko.
Umiling si Gail matapos uminom ng tubig.
“Si Ken" matipid nitong sagot.
“Sino naman iyon?" Curious kong tanong.
“Manliligaw mo ba?" si Honey.
Umiling ulit ito. At parang nalungkot ang mukha nito.
“Isa siyang lawyer. Kinukulit niya ako na umuwi ng China" mahina nitong sagot.
Parehas kaming gulat na gulat ni Honey.
“What did you mean?"
“Hinahanap ako ng biological father ko na isang Chinese. Sa katunayan nga niyan ay last year pa ako kinukulit ni Ken. Noong nakaraan linggo ay nagpunta siya sa bahay ni Tito. Nalaman ko na lang kay tita na muntik ng suntukin ni Tito si Ken. Alam mo na may galit pa rin si Tito sa pamilya ng totoo kong tatay, dahil sa pananakit nito kay Mama." sa mga mata ni Gail ay nababanaag ang malungkot at galit na emosyon.
“Anung plano mo ngayon?" tanong ko.
“Kailangan ko umuwi. Hindi muna ako pupunta sa pwesto ko."
Nang matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan. Lumabas ako ng pintuan ng makita kong may kausap na lalaki si Gail. Napatingin sila sa akin. Si Honey naman ay nasa tabi ni Gail. Nagulat ako sa lalaki ng humarap. Sheet na malagkit. Ang gwapo naman ng chinitong ito.
“Ah Akeera si Ken, ung kiniwento ko. Ken si Akeera kaibigan ko" pagpapakilala ni Gail sa akin.
Lumapit at ngumiti ang gwapong si Ken. Wow ang bango-bango pa.
“Nice to meet you Akeera." sabay lahad ng kamay nito sa akin.
“Nice to meet you din" nginitian ko ito ng matamis.
Nang matapos mag-kamay ay nakita ko pang napapatingin si Honey sa lalaki. Para bang sinusuri nito ang tao. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang mga ito. Sinabay na rin si Honey sa lakad ng dalawa at sumakay sa itim na kotse na halatang mamahalin. Kumaway na lamang ako sa kanila at sinundan ng paningin ang papalayong sasakyan.
Nang wala na sila ay tumalikod ako at ganun na lamang ang tili ko sa gulat ng may mabunggo akong malapad na dibdib.
“Ayy anu ba!" singhal ko sa lalaki na walang iba kundi ang bagong kapitbahay na umubos ng aming ulam.
Napatingala ako dito. Nakita ko sa itsura nito ang napakadilim na mukha.
“Who's that bastard" halata sa boses nito ang pagpipigil ng galit.
“Anu?" napakunot ang aking noo sa sinabi nito. Anung problema kaya nito kay aga-aga.
“Masaya kapang pang nakikipag-usap sa gagong yun. May pa-shake hands pa kayong nalalaman"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng ma-realize ang pinagsasabi nito. Si Ken ba ang tinutukoy nito?
“Anung problema mo?" nakapamewang kong tanong dito habang nakataas ang isang kilay ko.
“Ikaw. Ikaw ang problema ko" sabay hila nito sa aking kaliwang braso at walang anu-ano ay pinasok ako sa loob ng bahay namin.
“Ayyyyyyyy!!!" hiyaw ko dito at piniksi ang braso kong hawak nito. Namula ang mukha ko sa pagka-inis sa taong ito. Gwapong gwapo pa naman sana ako dito sa suot nitong white t-shirt at six-pocket short na bumagay sa gandang katawan nito.
“Umuwi kana!" singhal ko dito.
Nakatitig lamang ito sa akin, bumaba ang paningin nito sa buo kong katawan. Nahinto lamang sa aking dibdib at dumilim na naman ang mukha.
“T****na!* mura nito at mabilis na hinawakan ang magkabilang braso ko ng mahigpit.
Takang taka ako sa ginagawa nito.
“Teka masakit ang braso ko" napangiwi ako.
“Lumabas ka na naman ng bahay na ganiyan ang suot mo!"
“Anung problema mo sa suot ko? Naka pajama naman ako at malaking damit." inis ko dito.
“Really? Nakipagngitian ka sa gagong iyon na walang suot na bra!" kulang nalang ay sakmalin ako nito sa galit na pagsasalita nito.
Namilog ang aking mga mata ng ma-realize ang sinasabi nito. Napababa ang aking paningin at tumingin sa bandang dibdib ko. Halos lumuwa ang aking mga mata ng bumabakat pala ang dalawa kong n***ples.
.