Chapter 4

2780 Words
Akeera's POV Napasalampak ako sa pagkakaupo dito sa aming sala habang naasar pa rin. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari ngayong umaga. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako napahiya nang tudo dahil sa lintik na nippl*s ko. Kaasar talaga ang Aris na iyon. Napahilot tuloy ako sa aking namumulang braso. Walang hiya kung makagalit kala mo closed, pati ang kawawang braso ko nadamay. Makakaganti din ako sa kurimaw na iyon. Kaysa walang magawa ay napagdesisyunan ko na lamang na maglinis ng bahay habang wala pa ang tanghali. Ayoko mastress sa mga nonsense na bagay. Dahil ayokong pumangit. Nagpatugtog ako nang K-pop para naman ganahan ako at maenjoy ang paglilinis. Nilakasan ko ang volume ng speaker dahil feel ko maging next member ng Blackpink. Nagpalit ako ng sando at cycling. Habang pinuyod ko ng pataas ang aking buhok. Gusto ko magwala sumayaw habang naglilinis. “Baby echoo achuchoo na na nanayoooo" wala sa hulog ko na lyrics dahil wala naman ako alam sa korean language importante makasabay sa tunog. May pa headbang pa akong nalalaman. Matapos kung mag-mop ay pawisan akong natapos. Nagpunas na rin ako nang ilang alikabok para naman kuminang ang mga abubot dito sa bahay. Sa totoo niyan lahat naman ng aking kaibigan ay marunong sa gawaing bahay, nagkataong mga busy lang sila sa kanilang trabaho. Pero iba si Lily. Once na magwalis ng bahay ay hihilata na ito maghapon. Hindi ko alam kung dahil mabilis itong mapagod or dahil anak mayaman ito at hindi talaga sanay sa gawaing bahay o sa tamang salita ay tamad. Anu na kaya ang ginagawa nang babaeng iyon ngayon, baka nagwala na iyon sa kakalinis, napakareklamador pa naman nun. Pinatay ko na ang cellphone ko na nakakonekta sa speaker dahil nakaka- hyper ang bawat kanta na may sayaw. Nang matapos ay lumabas ako sa likod bahay para dalhin ang mop at mga basahan para aking labhan, andito kasi kami naglalaba at nagsasampay ng mga pinaglabhan. Nakatuwad ako habang nagbabanlaw ng mga basahan. Saktong pagtayo ko ng diretso ay may nabangga akong matigas na bagay sa aking likuran. Mabilis akong napalingon. “Ay animal!" malakas kong tili sa sobrang gulat. Walang hiya talaga dahil ang nakakainis na si Aris lang naman ang nandirito. “Did you enjoy it?" tanong nito sa akin, ngunit ang mga mata ay nakapako sa aking katawan. Bigla akong nag-blush dahil pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nakikita nito. Anu na naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito? At kung makatingin sa akin ay kulang nalang ay kainin ako ng buhay. Ang gwapo sana nito kaso mukhang manyakis. Pero iba kasi ang paraan ng tingin nito sa akin para bang pati ako ay maaakit. Ay lintik! “A-anung ginagawa mo dito? Paano ka nakarating dito?" kanda utal kong salita. “I have my own ways to get here." balewalang sagot nito. “Oh bakit anung kailangan mo? Sa pagkakaalam ko ay di naman tayo close para mag-usap!." mataray kong singhal dito. “Tssk!" tumaas ang sulok ng labi nito na para bang gusto matawa sa sinabi ko. “Pwede ba kung wala kang magawa sa buhay umuwi ka na sa inyo. Dahil marami pa akong gagawin." tinalikuran ko na ito at kinuha ang basahan para isampay. “Are you done?" Marahas na napalingon ako dito. Ayaw talaga nito akong iwan dito? “Anu na naman ba?!" asar ko dito. “Im hungry" Napanganga na lamang ako sa lalaking kurimaw na ito. Nagugutom ito pero sa akin pa nagpunta? Sobra pa sa sobra ang kakapalan ng mukha nito. Hindi porke pinakain ko na kahapon ay makikikain na naman. Inubos na nga nito ang aming ulam at nakakahiya dahil hindi ako nakapagtira. “Anung pakialam ko kung nagugutom ka? Mukha ba akong kaldero? Lumayas ka dito at baka magdilim ang paningin ko sayo." nakabusangot na ang aking mukha dahil sa kurimaw na ito. Diretso akong pumasok sa pintuan papasok sa aming kusina. Pero halos matumba ako dahil may biglang humawak sa aking maliit na bewang. Pinanlakihan ko ito ng mga mata. “Hanggang dito nakasunod ka pa din? Bitiwan mo ako!" mabilis kong inalis ang dambuhalang mga kamay nito sa akin. Pati kamay pang higante. “Hey easy baby! Don't get mad. I just want to eat. Do you cook now?" singkapal ng hollow blocks ang mukha nitong tanong sa akin. “Seryoso ka makikikain ka dito?" tigalgal ko dito. Grabe sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka- encounter ng taong makapal ang mukha para makikain. “Yes baby. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ako kumakain." balewala nito sa akin. Pero bago pa ako maka-reak ay nilagpasan ako nito at pumunta sa sala. Umupo ito sa couch at feel at home na nanood ng tv. Hanep talaga ang kurimaw na ito! Daig pa si satanas! Wala na akong nagawa kundi ang maghugas na lamang nang kamay para makapag- simulang magluto. Dahil mukhang wala akong magagawa para palayasin ito sa aming pamamahay. Nagsalang muna ako sa rice cooker, at kumuha ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam. Ang balak ko ay mag- sardinas at igisa ito at lalagyan ko na lamang ng talbos ng kamote. Wala akong pakialam kung magustuhan man nito o hindi ang aking lulutuin dahil once na magreklamo lamang ito ay pwedeng pwede na siyang lumayas dito habang buhay. Isa pa paborito ko ang ginisang sardinas na may talbos. After 30 minutes ay natapos din ako sa aking niluluto. Inayos ko na ang lamesa at hinanda ang plato at kubyertos. Nang matapos kong i-ready ang lahat ay naghugas ako ng kamay. Pasimple ko ding inamoy ang aking sarili. Shucks! Hindi pa pala ako nakakaligo. Baka magreklamo ang kurimaw dito sa akin if ever mangamoy pawis ako. Pero napaisip din ako dahil kung magreklamo man ito ay baka hindi na ito muling manggulo sa payapang buhay ko. “Kakain na" tawag ko dito na hindi nililingon at umupo na sa upuan. Ipaparamdam ko sa kaniyang diko siya feel. Naramdaman ko na lamang ang pagpatay nito ng tv. At ang marahang paglakad nito. Humila ito nang isang upuan at mataman niya akong tiningnan. Napalunok tuloy ako ng laway. Pero bago ako makakilos ay napaawang na lamang ang aking labi ng lagyan ni Aris ang aking plato ng kanin. Matapos nun ay nilagyan niya rin ng kanin ang kaniyang plato. Pati ba naman ang ulam ay ganun din. Hindi ko akalain na bukod sa makapal ang mukha nitong makikain ay may pagka- thoughtful din pala. Tahimik kaming kumakain, pero tinalasan ko ang aking pakiramdam sa inahain kong ulam. Pero mali pala ang inaakala ko. Dahil mukhang sarap na sarap ito sa niluto kong ginisang sardinas. Ganun pa rin ang style nang kain nito para bang sasabak sa gyera kung kumain sa lakas ng bawat pagsubo. Hindi pa ako nakakalahati pero ito ay nagsasandok na naman ng kanin sa rice cooker. “Focus on your food baby, Baka hindi ako matunawan. Ang sarap pa naman ng luto mo." sabay subo nito nang kutsara. Mabilis kong sinara ang aking bibig sa pagkakanganga dahil sa sinabi nito. Ibang klase pala talaga ang lalaking ito. Kaya inintindi ko na lamang ang sarili kong pagkain. Nang matapos kong maubos ang isang plato ng pagkain ay akma akong kukuha ng baso para uminom ng tubig, pero mabilis pa sa kidlat na naibigay nito sa akin ang isang basong tubig. “Here baby" sabay abot nito sa akin. Para akong robot na inaabot ang baso kaya para akong lutang habang umiinom ng tubig. Pero ito ay parang sanay sa ginagawa. Ilang babae na kaya ang pinagsilbihan nito? Sa tingin ko ay parang hindi ito nauubusan ng babae, base na rin sa itsura nitong mukhang playboy. Isang kisap lang ay simot at malinis ang laman ng rice cooker ganun din sa maliit na kaserola na pinaglutuan ko ng ulam. Wow hanep talaga. Hindi pala mahirap maghugas ng pinggan kung ganito kalinis. Narinig ko na lamang ito na nagdighay. “Thank you Lord!" napatingin ito sa akin sabay kindat. Ay pisting kurimaw. “Siguro naman makakauwi kana sa bahay mo dahil nakakain kana." Tumitig ito sa akin. Para bang may gusto pa sabihin sa akin. “What?" reklamo ko. Kung tumitig talaga ito ay tagusan my goshh! Baka magulat na lamang ako baka lumuwang na lamang ang aking panty. “Okay, pinapauwi mo na ako eh. Thanks for the lunch." Sabay kaming napatayo, bigla tuloy akong napatingala dito dahil sa sobrang katangkaran. Anu kaya ang height nito? * Pisti ka Akeera pati ang tangkad nito ay pinansin mo! * “I like your wearing. It's very satisfying in my eyes. Only in my eyes not the f**king others. You always makes me ..." pabitin pa nitong salita na kinapula ng aking mukha dahil parang alam ko na ang susunod na salita nito. “What?" tanong ko. “Mmmm secret" sabay kindat nito sa akin at ngumisi. Kitang kita pa ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin na para bang model ng toothpaste. Hayppp talaga itong kurimaw na ito. Mabilis na itong naglakad at bago pa makarating sa pintuan ay humarap ito sa akin. “Dont go anywhere baby, I'll be watching you." tumalikod na ito sa akin at narinig ko pa ang paglock nito ng pintuan. Napanganga na lamang ako sa kurimaw na ito. My goshh! Kailangan ko na bang mangilabot dahil para na siyang stalker? Jusmiyo marimar! Kailangan ko nang mag-ingat at baka member ito ng dugo-dugo gang! ~~~~~~~~~~~~~~ Matapos kong maligo ay napag-pasyahan kong labhan ang aking mga underwears. Kapag panloob na ay aking kinukusot na lamang ang mga ito para hindi masira sa washing machine. Lalo na sa lahat ng aking sinusuot ay tanging mga bra at panty ko lang ang mamahalin. Kaya ingat na ingat ko ang mga ito labhan. Ang iba ay regalo pa ni Lily sa amin mula sa ibang bansa kapag trip nitong mamasyal. Underwear at make ups ang laging pasalubong nito sa amin. Pitong de-ipit ang gamit ko para sa lahat kong nilabhan. Gusto kong kusa na lamang ito matutuyo ng hangin kesa ang mag- dryer. Pumunta ako sa likod bahay para magsampay. Maganda kasi ang view dito sa likod dahil mapuno at maraming halaman at mas lalong mahangin na kailangan lalo na sa mga sinampay. Nang matapos ay mabilis na akong pumasok para pumunta sa aking kwarto. Balak ko ngayong matulog. Dahil balak kong bumalik ang beauty rest ko lalo na at nagpapahinga ako ngayon dahil hindi muna ako gagawa ng story para sa panibagong books. Mabilis akong napadapa sa aking malambot na kama. Nakasuot lamang ako ng malaking t-shirt at cycling, ayos lang ang ganitong suotan ko dahil ako lang naman ang mag-isa dito. Ilang sandali lang ay nakatulog na ako. Naanlipungatan ako dahil may nagri-ring sa aking cellphone. Kinapa ng kanang kamay ko ang aking cellphone na nakapatong sa sidetable. Nawala ang antok ko sa isang caller na hindi naka- save sa aking contacts. Hinayaan ko lamang ito hanggang sa mamatay ang tawag. Nagulat pa ako dahil naka-anim na miscalls na pala ito . “Sinong herodes ito?" kunot noo kong tanong sa sarili. Napatingin ako sa notification nang lumabas ang pangalan ni Honey sa aming GC kasama ng aming kaibigan. Honey: Baka ma-late na akong makauwi Ate Akee, wag mo na akong tarhan ng ulam. Me: Okay beh. Max: Hindi ako makakauwi ngayon dahil dipa tapos misyon ko. Me: Okay Sis! Ingat! Yun lang at wala nang ibang kasunod na message. Mukhang mga busy na ang mga beshy ko. Kumusta na kaya si Cassey sa kaniyang trabaho sa Amo nitong lumpo? Si Lily kaya anung powers na naman kaya ang ilalabas nito sa Amo nitong si Draco. Sa tingin ko ay uuwi din agad itong si Lily, nunka na magtagal ito sa ganung trabaho. Si Gail kaya, kumusta na kaya yun mukhang ang laki ng problema eh. Ang gwapo pa naman ng kasama nitong chinito. Oppang- Oppa ang dating pa naman. Ganun pa naman ang mga weakness ko. Ngunit biglang nag-flash ang mukha ni Aris sa aking balintataw. Ahhhh isa pa yun. Super gwapo nga kaso mukhang manyakis . Napabangon ako nang marinig ko ang pagtunog ng kidlat. Sheet! Mukhang uulan pa pala. Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at walang pakialam sa itsurang patakbo pababa ng hagdan para lumabas sa likod bahay. Baka abutan ng ulan ang aking panloob. Dito ko na lamang isasambay sa aking kwarto at ihaharap sa electric fan. Pagpunta ko nang likod bahay ay ganun na lamang ang gulat ko nang magsimula nang umulan. Pero ang mas nakakawindang ay ang nawawala kong sinampay na underwears. “Pisti nasaan na ang mga iyon?!" hysterical ko. Iisang sampayan lang naman ang naroon dahil dalawa kami ni Max ang gumawa ng sampayan. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang mga iyon dahil medyo lumalakas na ang hangin at ang ulan. Nai-stress akong napapakamot sa aking ulo. Pero bago pa ako masiraan ng bait ay may narinig akong kumakatok sa pintuan ng aming bahay. Malakas ang bawat katok nito na kulang nalang ay wasakin ang pinto nang kung sino mang baliw. Kaya dali dali akong pumunta sa aming pintuan. Nang mapagbuksan ko ay gulat na napatingala ako sa isang taong kurimaw. Walang iba kundi si Aris na nakabusangot ang mukha. “Why you took it so long to open this f**king door?" salubong ang mga kilay nito sa akin. “Anu na naman pinuputok ng butsi mo?!" asar ko dito. Pero imbes na sagutin ako ay humagod na naman ang mga mata nitong daig pa manyakis. Ahh animal talaga! Bakit ba naabutan ako ng kurimaw na ito na ganito ang mga suot ko. Pakiramdam ko ay lagi akong hubad sa kaniyang paningin. Nakakailan na ito sa akin. “Papasukin mo ako." utos nito sa akin na akala mo kung sinong batas. “At bakit?" mataray kong singhal dito. Maya maya pa ay tinaas nito ang dalawang kamay at ipinakita sa akin ang mga de-ipit kong mga bra at panty. Halos matanggal ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. “Ahhhhhh paano napunta sa iyo yan?!" nai-eskandalo kong sigaw. Mabilis pa sa alas kwatrong nakuha ko sa mga kamay nito ang mga iyon at kulang nalang ay maglaho na lamang habang buhay sa paningin nito. “I called you several times but you didn't answer." Ilang sandali akong natigilan bago ko na-realized na ito pala ang taong panay ang tawag sa akin kanina. “Ikaw pala yun! Paano mo nalaman ang number ko?" “It doesn't matter. Ang importante ay nakuha ko na ang undies mo. It's really cute by the way." nakangisi nitong sabi habang nakatitig sa akin. Nangamatis ang buo kong mukha sa pinagsasabi nito. Hiyang- hiya na talaga. “O-okay t-thanks" mahina kong pasasalamat . “Can I have a coffee?" tanong nito sa akin. Gusto ko sanang maasar dito ngunit pinili ko na lamang ang tumango dahil siya ang kumuha ng aking panloob. Hinayaan ko na lamang ito na pumasok sa kusina habang ako naman ay umakyat sa aking kwarto para isabit sa bintana. Tinutok ko muna nang electric fan para kahit paano ay mabilis na mapatuyo. Ilang sandali lang ay bumaba na ako at dumiretso ng kusina. Ngunit ganun na lamang ang simangot ko dahil imbes na magkape na ito ay nakaupo lamang ito at para bang inip na inip sa paghihintay. “Hindi ka pa nagka-kape?" tanong ko. “Im waiting for you" kaswal na sagot nito sa akin ngunit ang mga mata ay para bang nagbabaga sa apoy. Gustuhin ko man itong tarayan ay hindi na lang, ipagtitimpla ko na lamang ng kape ng makalayas na ito. Nilagpasan ko ito at kumuha ng tasa. Nagpakulo muna ako sa heater dahil wala naman kaming coffee maker dito. “Whats your coffee?" tanong ko. “Black coffee and only just one table spoon of sugar." “Okay." Ilang sandali pa binigay ko na dito. Akmang tatalikod na ako ay nagulat ako nang hilahin nito ako sa aking braso at kisap mata lamang ay nakaupo na ako sa kandungan nito. “Mmm you really smell so sweet. " mahinang bulong nito sa akin. Lahat ata ng buhok ko sa katawan ay biglang nagtayuan dahil sa kakaibang sensation na binigay. “T-teka bitiwan mo ako!" “Not now baby, you look so beautiful" mapungay ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Gusto kong kumawala sa pagkakayakap nito sa akin ngunit kasing tigas ng bato ang mga kamay nito. “Bitiwan mo ako!" “Sure but before that. I really want to dying for your kiss." Pero bago pa ako makasalita ay nagulat na lamang ako nang bumaba ang mukha nito sa akin.. He kissing me! No no .. my first kiss !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD