Akeera's POV
Ilang beses na ako nagpagulong- gulong sa pagkakahiga. Pasado alas- dose na nang hating gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Hindi pa rin kasi ako maka- move on sa nangyari kaninang tanghali sa akin. Ang walang hiyang kurimaw na si Aris! Ninakaw niya ang aking first kiss.
Hindi lamang iyon dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang malambot at masarap nitong halik sa akin. Pero dapat ay magalit ako dito. Pero anung gayuma ang ginawa nito sa akin. Bagong kakilala ko pa lamang sa kurimaw na iyon pero nàkahalik na agad sa akin. Ako naman itong si gaga imbes na pigilan at sampalin ito ay para bang nagustuhan ko pa. Baka ang akala nito sa akin easy girl. Napatalukbong ako nang wala sa oras.
“Ang shunga shunga mo Akeera! Wag ka na lang magpakita sa kurimaw na iyon." kausap ko sa aking sarili.
Hindi ko nga namalayang umalis na sa bahay si Aris nang matapos nitong ubusin ang tinimpla kong kape. Hanggang sa dumating na lang nang late si Honey ay para pa rin akong tulala. Mabuti na lamang at hindi na nagparamdam ang lalaking iyon nung dinner na at baka makita pa iyon ni Honey at asarin pa ako. At baka hindi ko na kayang harapin ang kurimaw na iyon.
“Susko po! Ayaw ko na siyang makita."
Ilang minuto pa akong tulala hanggang sa diko na nalamayang nakatulog na ako. Haggang sa naanlipungatan na lamang ako nang mag- alarm ang aking phone. Sunday ngayon at routine na mag- jogging kahit pa puyat na puyat ako ay pinilit ko pa ding bumangon. Tuwing sunday kasi ang aming pagjo-jogging kasama ng aking mga kaibigan dito sa bahay. Pero dahil kaniya-kaniya silang busy sa buhay ay tiyak kaming dalawa ni Honey na lang. Naligo muna ako nang mabilisan hanggang sa nagbihis lamang ako nang short sports wear at fitted sando na kulay puti. Habang naka nike white shoes. Hindi na ako nag-ayos nang mukha dahil papawisan lang naman din. Nakalagay lang sa kaliwang braso ko ang aking panali sa buhok para mamaya ay hindi sagabal. Sinuksuk ko ang aking cellphone sa arm band holder sa aking kaliwang braso. Nang matapos ay lumabas ako para katukin si Honey.
“Honey" marahang katok ko sa pinto ni Honey.
Ilang segundo lang ay nagbukas ito ng pinto at naka ready na rin. Napangisi ako dahil same outfit pa kami magkaiba lang ng kulay, sa akin ay all white sa kaniya ay all black.
“Tara na!" yaya ko dito.
Noong kompleto pa kami ay madalas 4am palang ay nag- uumpisa na kaming mag-jogging sa umaga at napakalayo nang aming nararating. Pero ngayon mag-ala singko pa lamang ng umaga.
“So sad naman ‘te at dalawa lang tayo." saad ni Honey.
“Kaya nga eh. Anyways makakatakbo pa rin naman tayo nang sabay sabay." ngisi ko habang patakbo nang marahan .
Palabas pa lang kami ng village. At may mga kasabayan rin kaming nagjo-jogging. Ang palagi naming pinupuntahan ay sa Mcbreez Park. Isang kilalang park iyon at ang nagma-may ari ay isa daw bilyonaryo. Masyadong malaki at malawak ang park na iyon daig pa ang circle sa QC . Sa tinagal-tagal na naming nagjo- jogging doon ay never pa namin nakita, kung sino mang mayamang tao na iyon. Ang nagkwento lang naman sa amin ay si Max.
Matapos ang isang oras at kinse minutos na pagtakbo ay maliwanag na ang kapaligiran. Saktong nakarating kami sa Mcbreez Park. Kapag ganitong weekends talaga ay napakadaming mga tao para mag-jogging. Mayroon ding mga nagzu-zumba, minsan pa nga nakisabay kami ni Lily sa mga nanay. Marami ding mga criminologist na dito nage- exercise. At mga batang naglakad.
Hingal na hingal kami ni Honey habang napaupo sa isang bench.
“Grabe kapoy!" tagaktak ang aking pawis habang pinupunasan ko ng aking palad ang aking noo.
“Bili muna ako ng tubig natin teh." tumayo si Honey.
Tumango ako at dumukot ng 100 sa aking bulsa para ibigay dito.
“Wag na teh, ako na lang." nakangiti ito sa akin at umalis na.
Napatingin ako sa papalayong pigura ni Honey, nagagandahan talaga ako dito sa aming bunso. Masyadong mahinhin magsalita at gumalaw, parehas silang tatlo ni Cassey at Gail. Kami lamang ni Lily ang medyo kakaiba ang takbo ng utak. Pero mas malala nga lang itong si Lily, dahil parang hindi anak ng bilyonaryo kung umasta ay para bang laking kalsada. Habang si Max naman ay tinuturing namin na leader dahil bukod sya ang may-ari ng bahay ay sadyang magaling talaga ito. Pwede na nga siyang tumakbo bilang next President ng bansa.
Naramdam ko ang biglang paghangin ng malamig, bigla nagtayuan ang aking mga buhok sa katawan. Nagpalinga-linga ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Ngunit wala naman akong napansin, dahil bukod sa maraming tumatakbo ay sobrang busy ng ibang tao sa kanilang morning exercise.
“Jusmiyo, may multo pa ba sa panahong ito." mahina kong salita.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nakita ko si Honey na papalapit, umiinom dlito ng mineral water habang may hawak na isang bottle na para sa akin. Inabot nito iyon sa akin.
“Thanks bunso"
Halos maubos ko ang tubig sa sobrang uhaw. Kaya lalong nagsilabasan ang aking pawis sa katawan.
“Anu teh, saan tayo magbe- breakfast?" tanong ni Honey, napansin ko ding paubos na ang tubig nito at pawis na pawis ding katulad ko. Nag- moist pa nga ang eyeglasses nito na mabilis din nitong pinunasan.
“Maya- maya na tayo mag isip. Pahinga muna tayo grabe sobrang pagod."
Tumango lamang ito. At ilang sandali lang ay masaya kaming nagtatawanang dalawa.
“Alam mo teh, kanina ko pa napapansin ang lalaking iyon. Type ka ata Ate Akee" nguso ni Honey sa aking likuran.
Napakunot noo ako sa sinabi nito kaya mabilis akong napalingon. Ngunit wala naman akong ibang napansin. Bukod sa maraming tao ay parang wala naman ibang nilalang na kahina- hinala.
“Wala naman" balik kong lingon kay Honey.
“Ay nawala nga. Ang bilis naman. Mukhang gwapo pa naman Ate Akee." kandahaba haba nitong leeg sa kakatanaw sa aking likuran.
“Wag mo nang pansinin iyon baka namalik-mata Ka lang."
Natawa naman ito sa akin.
“Parang hindi Ate! Kasi kanina ko pa nga iyon nakikita na nakatingin sa direksyon natin. Lalo na sayo."
“Tsk! Gutom lang yan. Tara na" tumayo na ako at hinila ko sa braso si Honey.
Naglakad lamang kami nang ilang minuto. Marami rin kasing naka-install na mga food cart dito sa gilid ng Park. Mayroon din namang mamahaling restaurant at minsan na kaming nakakain doon dahil sa libre ni Lily o ni Max.
“Mukhang masarap dito Ate Akee!" nakanguso nitong turo sa isang restaurant. Kung dati ay ginagawa pa lamang ang building na iyon, ngayon ay naka- open na pala. Maganda at mukhang high class ang restaurant na iyon.
“Mukha nga, Kaso mukhang mahal naman. Krisis tayo ngayon Honey, dun lang tayo sa tig-benteng lugaw." sagot ko dito.
“Ay sabagay. Wala pala tayong tagalibre nang yayamaning pagkain teh."
“Sinabi mo pa. Anyways balik tayo doon kila Aling Nena."
Si Aling Nena ay ang aming kinakainan nang lugaw. Masarap kasi ang lugaw na iyon at suki na kami. Lalo na at mura pa yun lang ang kaya naming mga hampas lupa.
Ilang minuto pa kaming naglalakad ay nakarating din kami. May napapatingin sa aming ibang kumakain ngunit balewala na iyon sa amin ni Honey. Dahil mas lalo kaming agaw pansin kapag kompleto kaming anim. Lalo na kapag kasama namin si Lily, gusto pa naman nun lagi ay siya ang star sa amin. Umupo kami sa dati naming pwesto.
“Oh kayong dalawa lang mga Ganda?" lumapit sa amin si Aling Nena.
“Opo, busy sa work ang iba." nakangiti kong sagot.
“Ah ganun ba sayang naman. Ganun ulit ba?" tanong ni Aling Nena.
“Ganun pa din po, pa add nalang po ako nang dalawang egg. At Hot chocolate"
“Sa akin din po dalawang egg at 3 in 1 na coffee" singit ni Honey.
“Okay mga Ganda!"
Natawa na lamang kami pareho ni Honey, pawisan na nga kami ay hihigop pa nang kape.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming pagkain. Magkatabi kami ni Honey at nakaharap sa labas na maraming tao. Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang may marinig kaming nagbulungang mga tao.
“Oh my God! Ang ga- gwapo nila."
“Totoo ba ito? Para silang artista!"
Napatigil kami ni Honey. At nagtaasan ng kilay. Ngunit binalewala na lamang namin iyon at pinagpatuloy ang pagkain.
“Can we join?" boses ng isang pamilyar na lalaki.
Nabitin ako sa aking pagsubo at napaangat ng tingin. Nanlaki at napanganga ako nang mapag-sino ang nasa aming harapan. Si Aris!
Mukhang nag- jogging din ito dahil bakas din ang pawis sa damit nito at noo. Ang gwapo nitong tingnan, para itong nang aakit ng babae sa sobrang hot. Ngunit napatigil ako nang makita ako isa nitong kasama. Sobrang laking tao din nito tulad ni Aris, mukhang mas matured ito dahil balbas sarado ang mukha nito ngunit sobrang gwapo, nakapusod ang buhok nitong mukhang mahaba. Mas lalo akong nagulat nang makita kong nakatingin lamang ito kay Honey na ngayon ay para bang namaligno.
“Can we join?" ulit na tanong ni Aris na ngayon ay seryoso ang mukha.
Binaba ko ang hawak na kutsara. Pakiramdam ko ay nawalan na ako nang ganang kumain dahil sa dalawang gwapo na ito lalo na kay Aris, ayaw ko pa naman itong makita simula nang halikan niya ako kahapon.
Hindi pa man ako nakakasagot ay nauna nang umupo ang kasama ni Aris sa tapat ni Honey, na hindi hinihiwalayan ang paningin ang aking kaibigan.
“Okay" mahina kong sagot.
Umupo naman sa aking tapat si Aris. Nakatitig lamang ito sa akin. Bigla tuloy akong pinagpawisan. Napainom tuloy ako ng aking hot chocolate na mas lalong nakakadagdag ng aking pawis.
Mabuti na lamang ay dumating si Aling Nena para kunin ang order ng dalawa. Nagulat pa ako sa sagot ni Aris dahil ganun din daw sa aming kinakain. Wala kaming imik ni dalawa ni Honey.
Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil ni Honey sa aking kaliwang hita. Mukhang pati ito ay nate- tense sa dalawang lalaki. Bahagya tuloy akong napatingin sa aking kaibigan na ngayon ay umiinom na rin ng kape. Mukhang nawalan na rin ito ng ganang ubusin ang lugaw.
Ilang sandali lang ay nag- uusap ang dalawang lalaki. Para tuloy kaming na out of place ni Honey, dahil nag uusap sila ng ibang language. Pero ang mga mata ay panaka-nakang napapatingin sa amin. Siguro ay may lahing foreigners ang mga ito, sa itsura pa lang naman kasi ni Aris at sa pangalan nito.
“Anu tara na ba?" pasimple akong bumulong sa tenga ni Honey.
“Oo teh please uwi na tayo" sagot din nitong sobrang hina.
Sabay kaming tumayo ni Honey, kaya napatigil ang dalawa sa pagsasalita sa aming harapan.
“Mauna na kami." Sabi ko at mabilis kong hinila si Honey na hindi sila nililingon.
Kulang nalang ay liparin na namin ang aming nilalakaran. Jusmiyo para silang nakakatakot.
“Ate Akeera. Sakay na tayo!" parang mas takot pa itong si Honey kaya nagtaka ako.
“Kilala mo ba ang mga iyon?" tanong ko dito.
Napatingin ito sa akin habang malalaki ang mga hakbang naming dalawa.
“Yung lalaking nasa harapan mo teh, ay yun yung nakita ko kaninang panay tingin sa iyo. Kilala ka pala nun?"
“Huh? si Aris ? " takang tanong ko.
“Oo nga teh. Siya ang tinutukoy ko. Kilala mo ba ?"
Bahagya akong natigilan.
“Siya yung bagong kapitbahay natin."
“Ah huh! Siya pala iyon? Wow ang liit ng mundo. Magkakilala pala sila ni Xander."
“Sinong Xander? Ah wait yung kasama ni Aris kanina?" kunot noo kong tanong.
“Oo Ate Akee, siya si Xander ang uncle ni Misty na aking estudyante."
Napahinto ako sa aking paghakbang at humarap dito.
“Ang gwapo niya Honey. Kaso mukhang tatay mo nalang iyon"
Napatigil din ito at napatanga na lamang sa aking sinabi.
“Anu teh? Anung kinalaman nun? " bakas sa mukha nito ang pagkalito.
“Para kasing may gusto sa iyo yung Xander. Ibang klase kasi makatingin sa iyo." panunukso ko dito.
Nangamatis ang mukha ni Honey sa aking sinabi. Parang gusto ko tuloy matawa dito.
“Ako ng bahala sa akin. At ikaw na ang sa iyo."
Mabilis akong napalingon sa boses na iyon. Ang walang iba kundi si Aris kasunod nito si Xander. Mga mukhang maton ang mga ito sa sobrang laking tao at laki ng katawan. Napansin kong andaming napapatingin sa kanilang gawi.
Pero ba kami nakahumang dalawa ni Honey ay kasing bilis ng kidlat na hawak ako ngayon ni Aris. Sa sobrang gulat ko ay napatingin ako sa gawi ni Honey. Nakita ko din na halos maestatwa ang aking kaibigan.
“T-teka sandali. Anu ito Aris!" sigaw ko kay kurimaw . Pero parang wala itong narinig at mabilis akong nahila. Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malabakal ang kamay nito.
Hanggang sa makarating kami sa parking. Nakita ko ang pulang sports car na mukhang milyones pa ang halaga. Nakita ko ang kamay ni Aris na may hawak at may pinindot doon. Nakita ko ang pag ilaw ng sasakyan.
Binuksan nito ang pinto ang sasakyan at pwersahan akong pinapasok.
“Hoy ano ito! Hindi ako Sasama sa iyo.!"
Ngunit wala akong narinig na mula dito. Nang makapasok ay umikot ito para pumasok sa loob at umupo sa drivers seat. Napanganga na lamang ako sa loob ng kotse nito. Hindi ko akalaing yayamanin pala ang lalaking kapitbahay ko na mahilig makikain.
“Ang kaibigan ko, si Honey. Baka mapahamak iyon!"
Napalingon ito sa akin nang magsimula itong magmaneho.
“Dont worry Baby, she is safe to my friend."
Napanganga na lamang ako.
“P-paano mo nalaman kung na saan kami?"
“Nag- jogging din kami Baby."
Medyo ako napahiya . Tama nga naman, halatang nag jogging din naman ang mga ito dahil sa basang t-shirt.
“Sa iyo ba itong sasakyan?" tanong ko.
Lumingon ito sa akin.
“Yeah"
“May sasakyan ka pala, pero bakit nakikikain ka sa bahay."
Tinignan ko ang mukha nito dahil mukha itong natatawa.
“I love eating your cooks Baby"
“Bakit kaba panay tawag sa akin ng baby? Hindi kita tatay no!" asik ko dito at napako ang paningin sa labas ng bintana.
Humalakhak lamang ito sa akin. Ngunit hindi ko nililingon. Ilang minuto lamang ay napansin ko ang pag iba ng daan ng aming pupuntahan.
“Saan tayo pupunta? Wag mo akong kikidnapin sinasabi ko sayo. Mahirap pa ako sa daga at wala kang mahihita sa akin!" babala ko dito .
“Relax baby, I never do that to a beautiful person like you." tumingin ito sa akin sabay kindat. Pakiramdam ko tuloy ay lumuwag ang aking panty. Susko po!
Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang hypermarket.
“We finally here baby, Para hindi kana magalit sa akin. Mamimili tayo."
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na kasama ito habang pumipili ng ilang mga Karne. Ako pa ang inatasan nitong mamili habang ito ay may hawak na cart. Kaya ang ginawa ko ay kuha na lang ng kuha. Bahala sya sa buhay niya magbayad.
Wala pang tanghali ay nakauwi kami. Pero hindi nito ako pinayagan pumasok sa aming bahay kundi sa bahay nito mismo.
“Can you cook to our lunch?"
Napakunot noo na lamang ako dito. Grabe pala ang taong ito. Ang daming request sa buhay.
“Hindi kaba marunong magluto?"
“Its a f**king sad. No" pinalungkot pa nito ang boses.
Napaawang na lamang ang aking bibig.
“Dapat kumuha ka ng tagaluto mo."
“I don't need it of you already here."
Marahas akong napalingon dito.
“Anu gagawin mo akong tagaluto?! "
“Please baby, I'm so hungry na." lumapit ito sa akin at nagulat na lamang ako nang hinapit nito ako sa aking bewang.
“I'll ba back" sabay halik nito sa aking labi.
Bago pa ako natauhan ay nawala na ito sa aking paningin. Animal!