Akeera's POV
Nag-daan pa ang mga araw na parang paulit ulit na lamang ang mga ginagawa ko sa buhay. Dagdag pa sa aking kunsomisyon ang panay kain ni Aris sa aming bahay. Mukhang hindi nga ito marunong magluto, dahil nangangatok ito palagi pag oras na ng kainan. Kung minsan naman ay dinadala pa nito ang ilang lulutuin para ako na ang magluto. Saludo na talaga ako sa kakapalan ng mukha ng kurimaw na iyon. Hanep talaga. Ginawa pa ako nitong kusinera.
Maaga akong gumising ngayon para magluto ng aming breakfast, sinobrahan ko na dahil alam ko namang may makikikain na naman na isang kurimaw.
Narinig ko ang mga paang pababa mula sa hagdan. Bumaba si Honey kasama nito si Gail. Napaangat ang isang kilay ko dahil may mga hawak silang maleta.
“Anu yan, mag-eevacuate na ba kayo?" takang tanong ko nang ilapag ko ang hotdog.
Lumapit ang dalawa sa akin at sabay na naupo. Kaya umupo na rin ako.
“Mamaya na ang flight ko Akee sa Shanghai China" sumagot si Gail habang nagsasandok ng pagkain sa plato nito.
“What?!" gulat kong tanong.
“Last week lang kasama mo si chinito boy ah. Ngayon pupunta ka nang China. Anung gagawin mo dun?"
“I need to go there for my sick father." mahina nitong sagot at nagsimula nang kumain.
Napatitig naman ako kay Gail. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan. Alam ko ang pinagmulan ng pamilya ni Gail sa totoong tatay nito na isang Chinese.
“Paano naman ang prince charming mong si Lance. Waleey na ba?" tanong ko para maiba naman dahil baka makalimutan nito ang lalaking iyon.
Lalong nalungkot ang mukha nito at tumigil sa pag-nguya. Bigla namula ang ilong nito at para bang maiiyak.
“Ate Gail okay ka lang?" nakatingin si Honey dito habang kumakain.
“Anu may problema pa din ba?" tanong ko.
Tuluyan na itong humikbi, kaya napatayo ako upang aluin ito. Hinagod ko ang likod nito. Mukhang mabigat ang problema ni Gail.
Umiiyak lamang ito, habang pinapakalma naming dalawa ni Honey.
“Shhhh kung may problema ka. Iiyak mo lang yan Gail para gumaan ang kalooban mo. Aalis ka pa man din mamaya."
“Si Lance ba?" biglang tanong ni Honey.
Napatigil ako sa paghagod sa likod ni Gail at sinilip ito. Napahinto naman ito sa kaniyang pag iyak.
“Bakit nakita mo na naman bang mayroong ibang babae? Sinasabi ko sa iyo Athena Gail tigilan mo na ang kahibangan mo sa lalaking iyon. Hindi ka na nga pinapansin nun eh. Dun ka na lang kay Ken. Yummy pa!"
“Ate Gail" marahang tawag ni Honey.
“I s-saw him kissing with the other girl." mahinang boses nito at yumuko. Parang gusto ulit maiyak.
“Tama na yan Gail. Tama na sa kahibangan mo sa kanya. Hindi mo siya deserve. Sa ganda mong iyan, dapat hindi ikaw ang naghahabol. Ang dami dami mong manliligaw pero hindi mo binibigyan ng pansin. Dun pa talaga sa pakboy. Nako kung hindi lang kapatid ni Max iyon baka pinakulam ko na ang doctor na yun!" asar ko sa lalaking iyon.
“Malay mo teh makakita ka nang bagong inspirasyon sa China. Pwede din si Ken. Diba single pa naman siya?" singit ni Honey.
Si Gail naman ay walang imik. Tahimik lamang at nakatitig sa kaniyang pagkain. Ilang minuto muna ito bago nagsalita.
“Siguro nga. Kailangan ko nang mag-move on."
“Ganiyan nga Gail!"
“Mag ingat ka Ate Gail sa pupuntahan mo. Mamimiss ka namin."
“Gaano kaba katagal maglalagi doon?" tanong ko.
“H-hindi ko pa alam. Depende sa aming pag uusap ng aking biological father" sagot ni Gail.
Napabuntong hininga ako. Niyakap ko ito sa kaniyang likod. Dahil alam kong malaki talaga ang problema nitong dinadala na ayaw lamang nito sabihin. Dagdagan pa ng isang pakboy na doctor.
“Iingat ka dun Gail. Umuwi kang maganda at fresh"
Sabay na natawa si Gail at Honey.
“Oo naman Akee!"
“Tara kain muna tayo."
Nagpatuloy na kami sa aming pagkain. Ngunit bigla na naman akong nagsalita.
“Ikaw Honey saan ka. Bat may maleta ka din?" takang tanong ko dito. Maski si Gail ay napatingin dito at nagtataka.
“Ngayon na ako susunduin ng driver ng aking estudyante mga teh"
“What do you mean Honey?" tanong ni Gail.
“Magiging yaya siya sa kaniyang estudyante." ako na ang sumagot.
Kaya nagkwento na lamang si Honey. Isang buwan lang naman daw ang ilalagi nito sa kaniyang aalagaan na si Misty dahil gusto nitong makasama ang kaniyang favourite teacher bago bumalik ng ibang bansa.
Natapos na kaming mag agahan at hinayaan ko na silang mag ayos ng kanilang sarili habang ako naman ay nagligpit nang aming pinagkainan. Iniwan ko na lamang ang natirang pagkain at isang plato dahil alam ko namang mamaya ay darating na si Aris na kurimaw. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa sa taong iyon, wala naman itong binibigay sa akin na kahit singkong duling.
Makalipas ang ilang sandali ay may malakas na nagbusina sa tapat ng aming bahay. Tiyak sundo na ito ni Honey. Pero wish ko lang sunduin din si Gail ni Ken. Ang gwapo kasi ng lalaking iyon, mukhang mabait at magalang. At soft spoken pa. Hindi katulad ni Aris na mukhang maangas na makapal pa ang mukha. Pero mas hot at yummy naman.
*Hays jusmiyo Akeera! Mag-tigil ka nga!*
Nakita ko ang dalawa na sabay at mabilis na bumaba nang hagdan. Si Honey na naka fitted ripped jeans at long sleeves na white. Plus ang kaniyang makapal na salamin, habang nakalugay ang buhok nito at flat shoes. Teacher na teacher talaga ang aura ni Honey. Ngunit ang inosente pa rin ng mukha. Habang si Gail naman ay naka yellow dress na hindi aabot sa kaniyang tuhod ang haba. Nilugay din nito ang mahaba at curly nitong buhok, nilagyan niya lang ng isang clip ang kaniyang one side na buhok. Nakasuot din ito nang flat sandals na pa-criss cross ang design na umabot sa kaniyang binti.
“Wow ang gaganda naman ng mga bebe ko!" nakangiti ko sa mga ito.
Nakita ko ang mga ngiti ng mga ito, habang si Gail bagaman nakangiti ay may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata. Nauna na akong lumabas ng bahay para tignan ang nasa labas. Napa wow na lamang ako nang makita ko sa harap ng aming bahay ang isang black Lamborghini.
“Wow! Sinong mayaman ito?!" namamangha kong salita. Second time ko lang kasi makakita ng ganitong sasakyan sa tanang buhay ko. Nung una ay kay Aris na isang Red Ferrari.
“Sundo mo ba yan Honey?" tanong ni Gail.
Napaharap ako sa aking dalawang kaibigan. Ngunit si Honey ay bakas ang pagkalito.
“Hindi. Baka sa iyo yan." sagot ni Honey.
Umiling naman si Gail.
“Hindi ganiyan ang kotse ni Ken."
Parehas kaming napalingon sa sasakyan ng lumabas mula doon ang isang malaking tao. Si Xander. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Honey sabay napakapit sa aking braso.
“Wow, akalain mo yun. Yan na pala ang driver mo Honey." may panunudyo kong boses.
“Sino yan?" takang tanong ni Gail.
Bago pa ako makasagot ay mabilis na nakalapit ang malahiganteng si Xander. Sobrang gwapo naman ng taong ito. Ang suot nitong long sleeves na puti na tinupi hanggang siko kaya kitang kita ang maugat nitong braso. Dagdagan pa nang kaniyang dibdib na mabalbon dahil masyadong litaw dahil bukas ang dalawang botones nito na para bang sinasadyang ipakita nito ang pumuputok nitong dibdib na mukhang matigas. Ang buhok nito ay mahaba na lagpas balikat at makulot dahil nakalugay lamang ito.
“May kamukha itong si Xander" Hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa sobrang gwapo nito.
“Si Can Yaman Ate Akeera" biglang singit ni Gail.
“Exactly!"
Pero bago pa may magsalita sa amin ay may narinig akong pamilyar na boses. Walang iba kundi ang aming kapitbahay na si Aris.
“What's up TL?" baritong boses ni Aris kay Xander.
Nagkibit balikat lamang si Xander. Sabay silang nag-fist bump.
“Sino naman ito? Bakit may mga gwapo ngayon?" si Gail na namamangha sa dalawang malalaking tao.
“Si Aris yan teh, bagong kapitbahay natin." bulong na sagot ni Honey.
Ako naman ay natameme na lamang dahil sa gwapo nang dating ni Aris. Nakashort lamang ito at hubad baro pa, pawis na pawis pa ang katawan. Napaka hot nitong tignan nakadagdag pa ang tattoo nito sa likod na hindi ko maintindihan kong anung itsura. Narinig naming tatlo ang pag-uusap ng dalawa na gamit ang ibang lenggwahe.
“Mga lahing foreigner ba tong dalawa?"
“Maybe" tipid kong sagot.
Lumapit na sa aming gawi si Xander at napaka fierce ng mukha. Para itong hari na naglakad at walang salita na kinuha nito ang dalang maleta na hawak ni Honey. Tinignan naman niya kami ay tumango lang, wala man lang karea- reaksyon ang mukha. Tumalikod na ito mabilis na nilagay ang maleta ni Honey sa likod ng luxury car nito.
Bigla kaming napatigil nang may isa pang puting kotse ang dumating sa aming harap. Nang huminto ito ay lumabas ang isang lalaking chinito na walang iba kundi si Ken. Lahat kami ay napunta sa kaniya ang atensyon. Nakita ko ang pagkunot noo ni Xander, habang si Aris naman ay nagdilim ang mukha.
“Andito na ang sundo mo" bulong ko kay Gail.
Nakangiti na humarap ang gwapong si Ken na mukhang fresh at mabango. Mala bida ng kdrama ang peg nito. Pero bago pa makalapit si Ken sa amin, ay mabilis akong nadaklot sa aking braso na walang iba kundi si Aris. Mabilis niya akong hinila palayo sa aking dalawang kaibigan. Nakabusangot ang mukha nito at napakadilim ng mukha. Bago pa ako maka-reak ay napatingin ako kay Honey na hawak na rin ngayon ni Xander at mas nakakatakot ang mukha nito. Kulang nalang ay makaladkad si Honey. Jusmiyo bakit bigla akong nangilabot sa mga mukha ng dalawang lalaking ito.
“Hey anu ba! Bitiwan mo nga ako kurimaw!" nanggigil kong singhal kay Aris.
Hindi ako nito pinansin bagkus ay nakatingin lamang sa dalawang tao na nakatayo. Si Gail at si Ken na halatang nagulat .
“Ahmm mauuna na kami ni Ken. Baka mahuli kami sa aming flight." si Gail.
Nakita ko ang pagka- gentleman ni Ken nang kunin nito ang maleta sa kamay ni Gail. Hinawakan din nito ang kaliwang kamay ni Gail para alalayan.
“Teka wait!" mabilis kong hinablot ang aking braso na hawak ni Aris kaya napabitaw ito sa akin. Patakbo akong lumapit kay Gail nang akmang papasok na ito sa loob ng sasakyan.
Mabilis kong niyakap si Gail. Niyakap din ako nito bilang ganti.
“Be safe Gail. Tawagan mo kami agad pag dating mo dun, lalo na kung may mangyaring hindi maganda sa iyo dun."
“No worry Ate Akee." nakangiti nitong sagot sa akin.
“Ingat ka Ate Gail" nakita namin ang patakbong lapit ni Honey sa amin.
Parang gusto ko maluha tuloy, dahil maiiwan akong mag isa dito sa bahay. Lahat sila ay busy na at ako na lamang maiiwan. Si Max kasi ay may misyon pa kaya hindi ko alam kung kailan pa ang balik nun. Nakakalungkot lang.
“Mag ingat kayo Gail. Ikaw Ken ingatan mo si Gail." harap ko kay Ken.
“I will." nakangiti nitong sagot sa akin.
Halos mapasigaw ako sa gulat nang may malaking braso ang yumakap sa aking bewang palayo sa aking kaibigan. Pati sila ay nagulat din.
“Anu ba Aris!" asar ko dito.
“Thats enough. Nakapagpaalam kana. Hindi mo na kailangang makipag ngitian sa gagong yun!"
Napakagat labi na lamang ako sa tindi ng pagka-bwiset ko sa kurimaw na ito. Sasagot din sana ako nang mahagip ng aking paningin si Honey na ngayon ay buhat na parang sako ng bigas ni Xander. Napanganga na lamang ako. Nakita ko din ang panglalaki ng mga mata ni Gail. At ilang sandali lang ay pinasok na ni Xander si Honey sa loob ng sasakyan nito. Nauna nang umalis ang dalawa.
Alanganing napatingin na lamang ako kay Gail at Ken. Kumaway na lamang sa akin si Gail at ngumiti si Ken. Mabilis na pinagbuksan ng kotse ni Ken si Gail bago pumasok sa loob. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang mga ito.
“Come here!" masungit na boses ni Aris sa akin.
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ni Aris. Ngunit talagang wala akong laban sa kasing tigas ng bakal na kamay nito. Ilang sandali pa ay andito na kami sa loob ng bahay kaya binitiwan na rin ako ng kurimaw na ito.
“Where is she going?" seryosong mukha na tanong nito sa akin habang nakatunghay.
“Sino? Kung si Honey na kasa-----" nabitin ang pagsasalita ko nang magsalita ito.
“Not her, The other girl."
“Si Gail?" kunot noo ko dito. Parang hindi ko nagustuhan ang pagtatanong nito sa aking kaibigan.
“Yes, where is she going?" nakita ko ang pagdukot nito ng cellphone sa kaniyang bulsa.
“Bakit mo tinatanong?" mataray kong sagot.
“Answer me, dahil hindi ako natutuwa sa kasama niyang mukhang bakla."
“Bakla?!"
“F**k that as*hole"
“Ewan ko sayo bwisit!" tinalikuran ko ito dahil mukhang nababaliw ang kurimaw na ito.
Hindi pa man ako nakakalayo sa aking paglalakad ng marinig ko itong nagsasalita. Kaya napalingon ako dito. Nakita ko ang hawak nitong cellphone sa kaniyang kaliwang tenga.
“I have a bad news. Someone kidnap your girl. Yeah. You must hurry up or you will regret it. Of course f**kers! I don't know bye!" mabilis nitong pinatay ang tawag at basta na lamang nito hinagis sa aming sofa. Tumalbog pa nga ito at napunta sa baba, mabuti na lamang ay may carpet ang sahig.
“Si Gail ba ang tinutukoy mong kinidnap? Hoy nababaliw ka na ba. Mukha bang kidnapers si Ken." asar na asar na talaga ako sa kurimaw na ito.
“I don't f**king care what's the name of that f**kers. " balewala nitong sagot at tinalikuran ako.
Nakita ko ang pagdiretso nito sa kusina. Grabe na talaga ang kakapal ng mukha ng kurimaw na ito. Walang paalam na umupo na lamang ito at binuksan ang tinakpan kong pagkain.
“Kakain na ako Baby"
Aba at nakuha pa nitong magpaalam sa akin. Hinayaan ko na lamang ito dahil tinirhan ko naman talaga ito ng pagkain. Aakyat na lamang ako para makaligo. Siguro naman ay uuwi na ito pagkatapos kumain. Tatagalan ko na lamang ang pagligo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Matapos ang isang oras ay preskong bumaba ako, suot ko lang ay sando na kakulay sa uniporme ng sundalo. Habang sobrang iksing short na kulang nalang ay makita na ang aking singit. Hindi naman ako lalabas ng bahay, at wala akong balak makipag usap sa isang kurimaw o kahit makita man lang ito.
Saktong nasa huling baitang na ako nang mapahinto ako. Anak ng tinapa! Ang walang hiyang si Aris ay komportableng nakahiga sa malaking sofa at nagbabasa ng aking gawang libro.
Binaba nito ang hawak na libro nang mapansin ako. Mabilis ang mga mata nitong humagod sa buo kong katawan. Lalo na sa aking dibdib at legs. Parang gusto ko tuloy manginig sa paraan ng pagtitig nito sa akin.
“Lovely" napakagat labi pa ito na para bang biglang natakam habang walang kurap na nakatingin sa akin.
Pinamulahan ang aking mukha. Lintik na kurimaw ito. Bakit hindi pa ito umuuwi. Parang bigla akong nagsisi kung bakit naisipan ko pang magsuot ng abot singit na short.
“Bakit andito ka pa rin? Umuwi kana!" singhal ko dito.
Bumangon ito at tinaas ng bahagya ang hawak na libro.
“I love reading your books baby. And also I love your body"
Jusmiyo! Wala talagang preno ang bibig nito. Nakakamatay na irap ang binigay ko dito.
“Hindi tamang andito ka sa bahay. Hindi naman kita gaanong kilala. Babae ako at lalaki ka. Anu na lamang ang sasabihin ng ibang tao kung panay ka punta dito." diko na napigilang sambitin ang mga salitang iyon.
“Then let them think about that. Para alam nila kung saan sila lulugar."
“Ganiyan naba kakapal ang mukha mo kurimaw?!"
“What?" mukhang hindi nito nagustuhan ang tawag ko dito.
“Kurimaw. Ikaw si Kurimaw. Kurimaw na panget." pang aasar ko.
Ngunit bigla akong nangilabot nang magdilim ang mukha nito. Tumayo ito at humakbang na lumapit sa akin. Biglang nagtayuan ang aking mga balahibo sa aking katawan. Balak ko sanang tumakbo paakyat ngunit mabilis ang mga kamay nito at hinuli ang aking maliit na bewang.
“Dont ever run of me baby, anung tawag mo sa akin kurimaw na panget. Hindi mo ba alam na maraming mga babae ang umiiyak para lang mapansin ko." Nakayuko itong nakatingin sa akin. Ngunit ang mga mata ay napako sa aking labi.
“S-so? Anu ngayon? Edi dun ka! Wala naman may paki!" Baka akala nya ay magiging isa din ako sa babae niyang naghahabol dito. Kahit pa sobrang gwapo at sobrang yummy ng katawan nito ay hinding hindi ako aamin dito.
“Really. Alam mo ba ginagalit mo ako. Ginagalit mo ang alaga ko" sobrang lapit na nang mukha nito sa akin, halos ramdam ko na ang mabangong hininga nito sa akin.
Biglang nag-init ang buong mukha ko lalo na ang aking katawan sa sinabi nito. Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang sinasabi nitong alaga. Anak ng tipaklong! Para bang inaakit pa ako ng kurimaw na ito.
“Lumayo ka nga sa akin." halos hindi na ako makapagsalita dahil ang mukha nito ay nasa mukha ko na.
Mukhang hindi na nito napigilan ang sarili at hinalikan na ako sa aking labi. Pilit kong sinasara ang aking bibig ngunit bigla niyang kinagat ang pang ibaba kong labi kaya napanganga na lamang ako. At iyon na ang simula nang pagpasok ng dila nito sa aking bibig. Halos malunod ako sa paraan ng mainit at mapusok nitong halik sa akin. Kulang nalang ay kainin ang buo kong labi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kung kaya napayakap na lamang ang dalawa kong braso sa kaniyang batok at naramdaman ko pagpulupot ng matitigas nitong braso sa aking katawan.
Hinga na hingal kaming parehas sa aming mainit na halik. Nakita ko sa mga mata ni Aris ang matinding pagnanasa at apoy. Kaya muli ay sinunggaban na naman niya ako ng masarap na halik.
“What the heck?!" malakas na boses ng kilalang kilala ko na si Max.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ng aking kaibigan. Mabilis kong nilayo ang aking sarili kay Aris. At kulang nalang ay lumubog ako sa aking kinatatayuan. Huling huli kaming nagtutukaang dalawa ni Aris.
“Akeera.... teka sino ka. Aris?!" bulalas ni Max na halata ang labis na pagkagulat.