- Akeera -
Andito ako ngayon sa aking kwarto. Matapos ang nakakahiyang tagpo na aming ginawa ni Aris ay parang ayaw ko nang magpakita sa kahit na sinong tao. Nagkukumahog akong umakyat para lang makapasok sa aking kwarto. Iniwan ko si Aris na nakakaasar ang mukha dahil nakangisi lamang ito na para bang wala lang ang lahat. Mas nakakahiya sa aking kaibigan. Pero ang nakakapagtaka lamang ay paano niya nakilala si Aris na para bang matagal na ang mga itong magkakilala.
Nakatalukbong ako ng kumot ng marinig ko ang pagkatok sa aking pinto.
“Akeera!" tawag sa akin ni Max.
Napapikit na lamang ako dahil ayaw kong makita si Max. Nahihiya ako sa kaniya. Ngunit mukhang hindi titigil sa kakakatok itong aking kaibigan.
“Akeera"
“W-wait lang." napabangon na lamang ako. At dahan-dahan bumaba ng aking kama.
Pagbukas ko ng pintuan ay salubong ang mga kilay ni Max.
“Ang tagal mo namang magbukas." dire-diretsong pasok ito at umupo sa aking kama. Nakatayo ako sa kaniyang harapan.
“Hanep talaga itong si Aris. Masiyadong mabilis. Takot maunahan ng iba, talagang naniguradong dito na tumira. Nakatuka agad sayo." napapailing pa ito habang nagsasalita.
Kulang nalang ay lumubog ako sa aking kinatatayuan. Nakakahiya na nga ang huli sa aktong halikan namin talagang sinabi pa ni Max.
“Kilala mo siya?" tanong ko.
“I knew him for many years."
Nakatingin lamang ako sa kaniya. Nakataas ang isang kilay.
“Kaibigan siya ni Kuya Lance" pagtutuloy nito.
“Wala naman problema kung magkagustuhan kayong dalawa ni Aris my friend. Basta wag ka lang niyang sasaktan." Parang may laman ang salitang iyon ni Max.
“Huh?"
“Nothing. Anyway naparito ako para sana abutan ang dalawa ang kaso nahuli na ako ng dating kaya hindi ko naabutan sina Gail at Honey. Pero ayos lang natawagan ko naman sila sa phone. Naparito ako para magpaalam sa iyo my friend, dahil baka matagal akong hindi makakabalik dahil sa aking trabaho."
“Hindi ka dito uuwi? Wala akong kasama dito." parang gusto ko tuloy maiyak. Talagang wala akong kasama dito.
“Yeah, Baka after nito ay makapagpahinga din naman ako. Saka wag ka mag aalala may matang nakatingin sa iyo. Mas safe ka sa kaniya." Nakangising sabi nito.
“Sinong tinutukoy mo?" takang tanong ko.
“Sino pa bang katukaan mo kanina?" pang aasar nito sa akin.
Napairap tuloy ako. Tumayo ito at yumakap sa akin.
“Basta ingat ka dito my friend. If ever paiyakin ka ni Aris. Isumbong mo sa akin at papahirapan ko."
“Ang advance mo naman mag-isip."
Tumawa lamang ito sa akin.
“Ganun talaga my friend. Kaya sige mauuna na ako. Uuwi pa ako sa amin at baka magtampo na nang tuluyan si Mom at Dad." kumalas ito sa aking pag-yakap.
“Ingat ka Max."
“Ingat din Akeera."
Lumabas na ito ng aking kwarto. Kaya sumunod naman ako para ihatid ito sa labasan. Ngumiti lamang ako dito nang sumakay ito sa kaniyang big bike. Nagba-bye ito sa akin at kumaway ako para magpaalam.
Napabuntong hininga na lamang ako, dahil talagang maiiwan ako mag isa dito sa bahay. Bagamat madalas akong maiwan ay sanay naman akong umuuwi ang aking mga kaibigan sa gabi. Lalo na sa tuwing natutuwa ang mga ito pagkauwi kapag masarap ang luto kong ulam.
Halos manigas ang aking katawan nang may matigas at maugat na braso ang pumulupot sa aking maliit na bewang.
“Ahhhh!!" sigaw ko.
“Why?" mahinang boses nito na kinataas ng aking mga balahibo sa aking batok.
“Bitiwan mo nga ako! Bigla-bigla ka nalang mang-yayakap. Hindi naman tayo close!" pilit kong tinatanggal ang matigas nitong braso sa aking bewang.
“How close do you like baby? Like this?" naramdaman ko ang mainit nitong katawan sa akin. At kulang nalang ay ipitin nito ako. Naramdaman ko ang may matigas na bagay sa aking likuran.
“Bastos!" hysterical ko.
“Ang bastos nakahubad. Nakadamit pa ako baby." parang pang aasar pa nito sa akin.
“Loko ka talagang kurimaw ka!" malakas ko itong hinampas sa braso nito.
“Ouch baby." niluwagan niya ang pag-yakap sa akin. Mukhang nasaktan nga sa aking paghampas dito.
“Kasalanan mo yan! Masiyado ka kasing mahangin kurimaw." mabilis akong nakawala dito at nagmamadali pumasok sa loob ng bahay. Ang balak ko ay hindi na magpakita dito habang buhay. Marami pa namang stocks sa ref. At dahil mag-isa lamang ako ay ilo-lock ko ang buong kabahayan. At hindi ako lalabas.
Pero bago pa ako makapasok ng tuluyan sa pintuan ay may humagip na naman na braso sa aking bewang.
“Anu na naman ba?!" asar ko kay Aris na kurimaw.
“Wala kang kasama dito baby. Mabuti na lang andito ako. Kailangan mo ng hot bodyguard" mayabang na sabi nito na may kasama pang kindat na para bang nang-aakit.
Inirapan ko ito ng matindi.
“Hindi mo na kailangang gawin yan. Hindi ako bata okay? Pwede ka nang umalis. Or sa iba mo na lang yan i-offer" ayokong mapalapit dito ng husto. At baka pagsisihan ko pa kung magkagusto dito. Mukha pa naman itong pakboy na tulad ni Lance na iniiyakan ni Gail.
“My service is free and available only for you baby. Wag kana magreklamo. Dahil sa ayaw at sa gusto mo ay sasamahan kita. Kesa masalisihan pa ako." parang baliw na sabi ni Aris na kurimaw.
Napamaang na lamang ako sa kabaliwan ng lalaking ito. Gusto ko sanang kiligin kong nagkataon. Ngunit parang may mali. Hindi kaya takas sa mental itong kurimaw na ito at ako ang trip.
“Wala ako sa mood makipagtawanan sa iyo. Umuwi kana at tantanan mo ako. Busy ako."
Hindi ako nito binitiwan at lalo pang dinikit ang aking katawan sa kaniyang katawan. Yumuko ito sa akin at hinuli ang aking mga mata.
“Kahit magsungit ka sa akin baby ay wala ka nang magagawa."
Mabilis niya akong ninakawan ng halik. Para tuloy akong namaligno. Hindi ko na namalayan na andito na kami sa loob ng bahay. Binitawan naman niya ako.
“Whats our lunch baby?" makapal na mukha na tanong nito sa akin.
“Wala ako sa mood magluto. Hindi ako kakain. Kaya umuwi ka nalang." mataray kong sagot. Talagang wala ako sa mood ngayon. Naiinis kasi ako sa taong ito.
Nangunot ang noo nito sa aking sagot. Parang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi.
“Hindi pwedeng di tayo kakain baby. Lalo kana. Ang payat mo pa naman. Kailangan mo ding magkalaman ng kahit kunti para mas lalong masarap yakapin"
“Hoy hindi ako payat. Sexy ako! Baka akala mo ang dami kayang mga lalaking humahanga sa katawan kong ito!" naasar na ako dito ng tuluyan. Mukhang iba na ang tinutukoy nito kundi kabastusan na lamang.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito na para bang gusto mag-amok ng suntukan. Hindi ata nagustuhan ang aking huling sinabi.
“F**k! Sinong mga lalaki iyon?! May umaaligid ba sa iyo dito? Taga saan ang mga iyon. T*ng*na! Para hindi na sila abutan ng sikat ng araw kinabukasan.!" malakas na boses ni Aris na mukhang galit na galit.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Nako mukhang takas nga ito sa mental. Kailangan ko na atang magbalut-balot at wag ng magpakita dito habang buhay.
“Ambot!" tinalikuran ko na ito dahil baka kapag nagsalita pa ako ay mas lalo lamang ito mabaliw.
“Where the hell you are going?!"
* Bahala ka sa buhay mo. Hindi naman kita jowa para sabihin ko sa iyo. * bulong ko sa sarili.
Hindi ko ito pinansin bagkus umakyat ako ng hagdan para pumasok sa aking kwarto. Hindi ko ito papansin hanggang sa umuwi na lamang ito. Kakain na lang siguro ako kapag nagutom ako.
Nang makapasok ay mabilis akong dumapa sa aking kama. Kailangan ko munang mare-fresh ang aking kaisipan. Masiyado na akong magagalitin nitong mga nakalipas na mga araw dahil sa pagdating ng Aris na iyon.
Napabangon ako bigla. At binuksan ang aking laptop. Sa tingin ko kailangan ko nang magsulat ulit. Para hindi na ako mastress sa kurimaw na iyon. Baka bigla akong magka- wrinkles ng wala sa oras, ingat na ingat pa naman ako sa makinis kong balat. Mas magandang bumalik na lamang ako sa aking ginagawa at dito na lamang ako muli mag- focus sa panibago kong story.
Ngunit inabot na ako ng trenta minutos na nakatitig lamang sa aking laptop. Wala akong maisip, pati utak ko ay lumilipad. Sa tingin ko kailangan ko muna maglakad- lakad para makahanap ng magandang story. Pero saan naman ako pupunta. Ang panget naman mag-solo, nagkataon pang wala ang mga kaibigan ko. Kung andito lang sila, lalo na si Lily na siyang adventurous tiyak makaka-idea ako ng mga next stories ko. Nakakatulong kasi sa aking ang mag- unwind. Napabuntong hininga na lamang ako.
Napag-pasyahan ko na lamang ang bumaba. Siguro naman wala na ang Aris na iyon na wala ng ibang ginawa sa akin kundi ang asarin ako. Pagkababa ko ay tahimik na ang sala, pumunta ako sa kusina at wala ring bakas na may kalat. Siguro nga umuwi na ang Aris na iyon.
Napatingin ako sa wall clock. 12:15 na pala nang tanghali. Magno- noodles na lamang siguro ako, ako lang naman mag-isa. Hindi ko na hahayaan na makikain ang kurimaw na iyon. Hindi siya kasama sa aking budget. Mukha naman siyang yayamanin edi kumain siya mag isa niya.
Akmang kukuha na ako nang isang pack ng noodles sa taas ng cabinet ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kaya mabilis akong napahinto sa aking inaabot. Salubong ang aking mga kilay ng makita ko ang pagpasok na walang iba kundi si Aris na kurimaw. Malawak ang pagkakangiti nito sa akin, infairness talaga sobrang gwapo at hot nitong kurimaw na ito. Hindi ako pwedeng mag-sinungaling na hindi ako nagu-gwapuhan sa taong ito dahil ang lakas ng se x appeal at sobrang tangkad pa. Mabilis lumipat ang aking paningin pababa sa hawak nitong apat na plastic bags. Nagulat pa ako dahil ang laman ng plastik ay puro pagkain, alam ko ang tatak ng pinamulan ng plastic na iyon dahil galing iyon sa isang mamahaling restaurant. Malalaki ang hakbang na pumasok ito ng kusina at binaba ang hawak na mga plastik sa lamesa.
“Come here baby, let's eat our lunch"
Bago pa ako makagalaw ay nakita ko itong kumuha na ng mga pinggan at kubyertos. Nilabas na rin nito ang lahat ng nasa plastik. Bigla kumulo ang akong tiyan ng makita ko ang maraming pagkain. Bigla akong naglaway.
“Baby" tawag sa akin ni Aris.
Lumapit na ako dahil hindi na ako magpapabebe. Gutom ako , at nakakatakam ang dalang pagkain ni kurimaw. Siguro papatawarin ko na muna ito sa pagbu-bwisit nito sa akin kung ganito ba naman karami at kasarap ang nasa hapag kainan. Pinaghila pa nito ako ng upuan kaya naupo na rin ako.
Mabilis akong napatingin dito nang hilain nito ang isang upuan at itabi nito iyon sa akin. Napakunot noo tuloy ako.
“Bakit ka diyan uupo?"
Umupo muna ito sa aking tabi bago sumagot.
“Its better to sit beside you baby."
Nakatingala lamang ako sa kaniya. Ang laking tao ba naman kasi nito. Mukha tuloy akong bata na katabi ito. Kesa magsalita pa ay nanahimik na lamang ako. Akmang kukuha na ako ng kanin ng mauna na si Aris sa pagkuha at nilagay iyon sa aking pinggan. Wala akong imik ng inisa isa nitong nilagay ang mga masasarap na pagkain. Punong puno tuloy ang aking pinggan.
“Sobrang dami, baka hindi ko maubos."
“You can eat all that. Marami pang pagkain. Uubusin natin ‘tong lahat. Bawal mag-aksaya baka magalit si Lord." pangungonsensiya pa nito sa akin.
Hinayaan ko na lamang ito kaya nagsimula na rin kaming kumakain ng tahimik. Masiyadong masarap ang pagkain tingin ko nga ay mapaparami ako. Next time na lang siguro ako magda-diet.
Hindi pa man ako nakakalahati ng aking kinakain ng makita kong sumasandok na muli si Aris. Ito ang mas nakakahanga sa taong ito, malakas na kumain ay palaging malinis at simot ang kaniyang plato. Siguro nga dahil sa laking tao ba naman nito ay para itong leon kung kumain.
Nakadalawang plato nga ako, ngunit hindi na puno, ito namang aking katabi ay hindi tumigil sa kakakain hanggat hindi nauubos ang binili nitong pagkain. Hanga na talaga ako sa taong ito. Nang matapos ay tinulungan pa ako nito magligpit ng pinagkainan. Napatikwas na lamang ang aking kilay ng tulungan din ako nitong maghugas ng pinggan .
“Sigurado ka ba? Baka napipilitan ka lang. Kaya ko naman maghugas."
“Tsk! Baby naman. I can do all the house chores, the only one i hate the most is cooking. I can't cook for my self. But I'm finally relieved. You can cook for us."
Parang gusto ko tuloy maihi sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Kikiligin na ba ako? Masiyadong pa-fall ang kurimaw na ito. Hindi ko pa nga kilala ng lubusan.
Inirapan ko na lamang ito.
“Hmp! Ewan ko sayo."
Muli kong pinagpatuloy ang pagsasabon habang si Aris naman ang nagbabanlaw. Mabilis lamang kami natapos dahil hindi naman ganun karami ang aming hinugasan. Nang matapos ay nakita ko pa na umupo sa couch si Aris. Parang wala na yata itong balak umuwi. Nakabukaka pa ang malalaki nitong hita. Anu kaya ang feeling na umupo sa kandungan nito? Ay pisting animal! Ang halay mo ngayon Akeera.
Dahil wala pa naman akong ibang gagawin ay umupo ako sa single sofa. Kinuha ko ang remote at binuhay iyon.
“Anung gusto mong panoorin?" tanong ko nang lumingon ako dito. Pero parang mali yata ako ng ginawa dahil nakatitig lamang ito sa akin. Bigla tuloy tumambol ang aking dibdib sa paraan ng titig nito sa akin.
“Anything you want baby" sagot nito sa akin na hindi man lang kumukurap sa akin.
Bigla tuloy akong nailang. Lintik na kurimaw ito. Masyadong pa-fall talaga. Kaya namili na lamang ako ng Korean drama sa Netflix. Crash Landing on you na pinagbibidahan ng super gwapong Oppa na si Hyun Bin. Super crush ko talaga kasi ito. At si Seo Ye Jin na ngayon ay happily married na.
“Ito na lang, hindi lang ito lovestory baka akala mo."
“Okay" sagot nito.
“Are you familiar of any Korean dramas?" tanong ko.
“Nope." iling nito sa akin.
“Okay, hindi ka magsisisi sa series na ito. Super worth it."
Nagsimula na kaming manood. Hindi na namin namalayan na nakaapat na episodes na pala kami. Kaya nag-pause muna ako. Dahil pagabi na pala ng di namin namamalayan.
“I think we need to deliver our dinner baby, ayokong nabibitin sa pinapanood." mukhang ayaw nito paawat sa pinanood. Parang gusto tuloy pumapakpak ng aking kaluluwa.
“Okay, pero ano kakainin natin?" tanong ko.
Hindi ko nga nalamayan na magkatabi na pala kaming nakaupo ngayon. Mukha. tuloy kaming mag-jowa na nagmo-movie marathon.
“Ako ng bahala"
Kinuha nito ang phone sa kaniyang bulsa. Gusto ko sanang silipin ang pinipindot nito, pero wag lang at nakakahiya naman.
“Play that next episode baby."
“Sige." kaya kinuha ko ang remote para umpisahan na ang aming pinapanood.
“Ang ganda talaga ng view sa Switzerland. That's my dream destination " bigla kong naibulalas.
Naramdam ko ang pagpisil ni Aris sa aking kaliwang balikat. Kaya napatingala ako dito.
“Do you want to go to that place?" nakatunghay ito sa akin.
“Kahit sino naman gustong makapunta sa lugar na yan. Bukod sa magandang tanawin, mukhang matatanggal pa lahat ng stress ko sa lugar na yan."
Nakatitig lamang ito sa akin. Parang may gusto itong sabihin sa akin.
“Okay. I can handle it." sagot nito.
Naguguluhan ako sa sagot nito kaya hindi ko na lamang pinansin. At muli ay pinagpatuloy namin ang pinapanood. Narinig na lamang namin ang pag- doorbell ng pinto. Tiyak iyon na ang aming pagkain.
“Stay here." tumayo si Aris at ito na ang bumukas ng pintuan.
Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako nang isa-isa nitong dinadala ang mga pagkain dito sa sala. Kaya mabilis ko itong tinulungan. Maingat na nilapag nito ang dalawang malaking bowl sa glass table.
“Dito na tayo kakain baby, para walang sagabal." umupo ito sa aking tabi.
Namalayan ko na lamang na magana kaming kumakain ng aming dinner habang nanonood ng Netflix. Parang ang saya ng puso ko, Kung kaninang umaga ay naiinis pa ako sa taong ito. Ngayon ay naglaho na parang bula na lamang. Mukha nga itong mabait. Siguro nga judgemental lamang ako, dahil hindi naman ako nito hinahawakan na para bang may gusto itong gawing masama sa akin.
One week ko pa lamang ito nakikilala. Kaya marami pa ang panahon para makilala ko ito ng lubusan. Dahil hindi ko pa naman alam kung saan ito nagmula. Kahit ba kaibigan ito ng kapatid ni Max na si Lance.