- Aris -
Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa pinapanood namin ni Akeera. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong genre lalo na at puro lovestory it's gonna be boring for me. I prepared mostly fantasy and action. Pero dahil kay Akeera ay hindi na ako tumanggi. I'm not even familiar of those any Korean dramas or something. But I never expected it turns out a very good drama. At nasa episode 8 pa lang kami.
Napalingon ako kay Akeera. Bahagya akong nagulat nang makitang nakayuko na ito habang yakap ang throw pillow. Nakatulog na pala. Its already pass 11 in the evening. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Inabot ko ang remote control para patayin ang tv. Tumayo ako at tinanggal ang pagkakayakap nito sa throw pillow. Maingat ko itong binuhat para hindi ito magising. Why this woman is easy to carry. Kayang kaya ng isang kamay ko ang buhatin ang babaeng ito sa sobrang gaan at may kaliitan pa. Napapailing na lamang ako. Dahil kung anu ang kinaliit nito ay ganun naman ito katapang dahil para itong tigre kung magalit. Mabilis kong nabuksan ang pintuan ng kwarto nito, alam ko kung saan ang kwarto nito dahil palagi ko itong sinusundan ng tingin kung saan ito papasok.
Maingat ko itong nilapag, kinuha ko ang kumot para kumutan ito. Mukhang tulog mantika ito dahil hindi nagigising. Napangiti ako at tinabihan ito sa pagkakahiga. Hinayaan ko lamang ang madilim na kwarto. May kunting liwanag naman sa bintana dahil nakabukas ang ilaw sa labas. Humarap ako dito para matitigan ito ng husto habang mahimbing na natutulog.
I can't believe right this moment. She is beside me. I always been seen her far away from me and fantasize her every f**king minute, especially at night. When I first saw her beautiful face, I knew she is the one for me. So I decided to comeback here for her. Iniwan ko muna ang pagiging CEO ko na sarili kong airlines at isa rin akong piloto. Ang Schagger Airlines na nakabase sa California. Only my few trusted people knows about this. Not my family. After our last mission, inayos ko lang ang dapat kong aayusin bago magtagal dito. I'm planning to buy a new house and property like my friends here in philippines, for this beautiful girl. My baby girl.
I knew she is living alone all her life after her parents died. Habang nasa ibang bansa ako ay pinag-imbestigahan ko ang buhay ni Akeera. Lahat ng detalye ay wala akong pinalampas. Daig ko pa ang baliw na stalker but I didn't mind that. All i want is her. And even my parents against my will, they can't control me.
~~~~~~~~~~~~
- Akeera -
Napaunat ang aking mga kamay nang magising at kasabay niyon ang pagdilat ng aking mga mata. Napatitig muna ako sa kawalan. Ilang minuto akong ganun nang biglang mag- sink in sa aking utak ang nangyari sa kahapon. Mabilis na kumunot ang aking noo ng ma-realize ang mga iyon. Ang pagkakatanda ko kagabi ay nanood kami ni Aris ng korean drama, hindi ko na nalamayang nakatulog na ako. Pero andito ako ngayon sa aking kwarto. Bigla akong napabalikwas. Agad na kinapa ko ang aking sarili, at baka may kakaibang nangyari ng hindi ko na namamalayan. Pero ganun pa rin naman, walang kakaibang nangyari sa akin. Napatingin ako sa aking cellphone ng umilaw iyon. Agad kong kinuha at binuksan iyon, its already nine in the morning. Napailing na lamang ako. Kunot noo pa ako nang mabasa ko ang sunod-sunod na pasok ng notification. Maraming misscalls at text messages. At pamilyar sa akin ang numerong iyon. Walang iba kundi si Aris.
“Goodmorning baby"
“Goodmorning, how's your sleep?"
*Are you awake now?*
*Answer me baby*
*You already missed your breakfast baby.*
*Go down here*
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis dahil pakiramdam ko ay kinukulit ako ni Aris. Pero sa kasuluk-sulukan ng aking puso ay kinilig ang aking maharot na puso. Pati ata lahat ng organs ko sa katawan ay kinilig. Napahawak ang kanang kamay ko sa isang pisngi ko at napangiti.
“Lord, Tama po bang kiligin ako?" napatingala pa ako.
Ilang minuto ako sa ganung posisyon bago tuluyang tumayo sa aking kama. Kinuha ko muna ang aking tuwalya para maligo, Ewan ko ba bigla akong nahiya, ayoko maging mukhang nirape na manananggal sa harapan ni Aris. Kaya kailangan kong maligo. Gusto ko maging mabangobat fresh sa harapan nito.
Nang matapos ay nagsuot lamang ako nang t-shirt at short. Pero inayos ko muna ang aking sarili, naglagay ako ng light make up para kunwari hindi halatang nagpaganda sa harapan ni Aris. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit kailangan ko magpaganda sa harapan ng lalaking iyon, nung nakaraan lang ay galit na galit ako sa lalaking iyon, ngayon naman ay parang crush ko na. Jusmiyo marimar! Daig ko pa teenager!
Pagbaba ko ay tahimik lamang ang sala, dumiretso ako ng kusina. Nakita ko ang nakatakip sa lamesa. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pagkain na maayos na nakalagay sa plato. Ako na lang pala ang kulang dahil naka-ready na ang breakfast ko. Kahit ba parang pina-deliver lamang ni Aris ang pagkain. Sobra akong na-touch. Pati ang aking kape ay nakahanda na, ititimpla ko na lamang. Bago ako kumain ay ay napagdesisyunan kong lumabas muna ng bahay. Baka sakaling Makita ko si Aris. Nang makalabas ay ilang hakbang lamang ang aking ginawa at kumatok sa bahay ng lalaki.
“Knock knock!" pagkatok ko.
Ngunit walang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob. Nakalock iyon. Mukhang walang tao. Ilang minuto muna akong nakatayo bago ako bumalik ng bahay. Baka may pinuntahan. Mamaya na lamang. Pero nakaramdam naman ako ng kunting lungkot. Kung maaga pala akong nagising ay maaabutan ko siya.
Malungkot na bumalik ako sa loob ng bahay. Kumain na rin ako ng aking breakfast. Nang matapos ay nilagay ko lang muna ang mga iyon sa lababo. Maglilinis nalang muna siguro ako ng bahay. Lilinisan ko na rin siguro ang mga kwarto ng aking mga kaibigan . Nanghihinayang kasi ako sa oras na ikakatunganga ko lamang. Siguro mamayang hapon o gabi ay nagsimula na lamang ulit akong magsulat.
Inabot ako ng tatlong oras mahigit sa paglilinis at pagpupunas. Sobrang tagaktak ang pawis sa aking katawan kahit ba may electric fan. Napatingin ako sa wall clock, ala una na pala ng hapon. Hindi ko napansin dahil masyado akong nag-focus sa paglilinis. Napatingin ako sa aking cellphone. Wala nang message na mula kay Aris. Baka bumalik na sa trabaho nito. Ilang araw na ba iyong nakatambay sa bahay niya. Nagluto lamang ako ng ramen para sa aking lunch. Nang makakain ay nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago muli akong naligo dahil ibang klase ang init ngayong araw. Masiyadong maalinsangan ang hapon na ito. Magpapahinga nakang siguro muna ako bago magsulat muli.
Nagising ako sa malakas na kulog at ulan. Mukhang may bagyo ata dahil hindi pangkaraniwan ang lakas ng ulan. Nagulat pa ako dahil màg-aala sais na pala ng gabi. Nasobrahan na ako sa tulog. Kaya bumaba na lamang ako para maghanda ng aking hapunan. Habang nagluluto ay nagta-type na ako para sa panibago kong manuscript.
Kumakain na ako at nakatutok ang aking mga mata sa screen ng laptop ng mapapitlag ako sa tunog ng aking cellphone. Napatikwas ang aking kilay ng mapag-sino ito. Si Aris. Parang bigla akong na-excite ng makitang si Aris pala ang caller. Tumikhim muna ako.
“Hello?"
“B-baby?" mahina nitong boses na para bang may sakit.
Napatigil ako at tinignan muli ang aking cellphone at binasa ang numero na kahit hindi naka-save sa aking contacts ay alam kong siya iyon.
“Anung nangyare sa iyo? Bakit parang may sakit ka?"
“Y-yeah" mahinang sagot nito.
“Huh? Teka nasaan ka ba?"
“Im on my bed now. Can you come here" nakikiusap ang boses nito sa akin. Parang lumambot naman ang aking puso.
“Nag-dinner ka na ba?" muli kong tanong.
“Not yet"
“Tsk! Wait pupunta ako diyan at dadalhan kita ng pagkain at gamot." mabilis kong pinatay ang tawag at hindi na hinintay ang sagot nito.
Para akong si the flash na mabilis kumilos. Kisap mata lamang at nandito na ako sa harap ng bahay ni Aris na may bitbit na pagkain at gamot. Bagaman malakas pa rin ang buhok ng ulan. Bago pa ako kumatok ay mabilis kong nakapa ang aking cellphone dahil sa text message na galing kay Aris.
*Hindi naka-lock ang pinto. Diretso ka na dito baby*
Agad ko namang nabuksan ang pintuan. Nakapatay pa ang ilaw ng buong kabahaya alas-otso palang naman ng gabi. Umakyat na ako sa itaas ng kwarto. Nakita ko ang isang kwarto na bahagyang nakabukas ng pinto. May kunting liwanag mula roon na tiyak sa lampshade galing. Nang makapasok ay sinalubong ako ng malakas na lamig mula sa aircon, nakita ko ang nakatalukbong na kumot na si Aris. Malaking tao ito kaya kitang-kita agad ang pigura ng katawan. Binaba ko sa sidetable ang dala kong mangkok na may takip ng pagkain. Mabuti na lamang na nilagang baboy ang niluto kong ulam. Sakto at may sabaw para mainitin ang sikmura nito.
Binuksan ko ang ilaw ng kwarto nito at pinatay ko ang lampshade. Lumipat ako sa kama ni Aris.
“Aris" mahina kong gising dito ngunit walang imik.
“Aris, kumain kana" muli kong tawag dito.
“Mmm" ungol lamang nito.
Kaya tinanggal ko ang kumot nito sa kaniyang mukha. Napaawang ako ng makita kong nanginginig ito sa lamig. Medyo maputla din ang labi nito. Mabilis kong dinampi ang kanang kamay ko sa noo at leeg nito.
“My Gosshh! Inaapoy ka ng lagnat!" bulalas ko.
Kaya dali-dali akong pumasok sa banyo ng kwarto nito. Naghanap ako ng malinis na face towel at maliit na palanggana. Kailangan ko itong punasan para bumaba ang lagnat nito. Tinungo ko ang aircon at pinatay muna. Nakakadagdag kasi ng lamig sa katawan ang nanginginig na katawan ni Aris. Bubuksan ko na lamang iyon kapag medyo umayos na ang pakiramdam nito.
Agad ko naman itong pinunasan, maingat kong dinadampi sa balat nito ang pamunas para hindi ito maistorbo sa pagtulog. Tinanggal ko ng tuluyan ang kumot nito sa katawan. Nagtaka pa ako dahil ang suot nito ay naka-formal attire. Saan kaya galing ang lalaking ito, ang aga nitong umalis at bumalik dito ng may sakit na. Kaya paisa isa kong hinubad ang suot nitong damit. Hirap na hirap akong tanggalin ang suot nito sa laki at bigat ba naman ng katawan nito. Ako tuloy ang pawis na pawis ngayon dahil sa paghuhubad ko ng kasuotan sa lalaking ito. Kahit na hirap na hirap ay tagumpay ko naman itong nahubaran sa taas. Tumayo ako para pumunta sa closet nito. Nakita ang sobrang dami ng damit nito na para bang iisa lang ang kulay. Mula sa color white, gray at puro dark na ang mga damit nito. Maski ang short at pants nito. Ang hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ay ang mga boxers at briefs nito. Dahil baka biglang pasukan ng masamang espirito ang aking kaisipan. Kumuha lamang ako ng tshirt at short. Maingat at mabagal kong naisuot ang damit nito, ngayon naman ay ang kaniyang pantalon ay kailangan kong hubarin. Tagaktak na ng tuluyan ang aking pawis ng maibaba ko ang pantalon ni Aris, Kaya sinuot ko na ang short nito.
“Hays jusko po" nakahawak ako sa aking magkabilang pisngi ng mabihisan ng maayos ang lalaking may sakit na ito. Muli ay bumalik ako sa harapan ng aircon para buksan iyon, na may katamtamang lamig.
“Aris, Kain ka muna." marahan kong tinapik ito sa kaniyang pisngi, kailangan na nitong kumain para lumakas, dahil iinom pa ito ng gamot.
“Baby?" paos na boses ni Aris.
“Its me. Bangon ka. Papakainin kita para uminom kana din ng gamot." maingat ko itong tinulungan bumangon.
Mapungay ang mga mata nito na nakatingin lamang sa akin. Ngumiti ito sa akin. Iningusan ko ito. Ayoko ipakita ditong kinikilig ako. Lintik!
Kinuha ko ang mangkok at isang maliit na tupperware na nilagyan ko ng kanin. Kumuha ako ng maraming sabaw at ulam.
“Here. Open your mouth" utos ko dito. Agad naman itong sumunod sa akin.
Nakangiti itong ngumunguya sa akin. Pati mga mata nito ay kumikislap. Tahimik lamang akong nagpapasubo sa malaking taong ito. Maski ito naman ay tahimik lamang din. Napansin ko na lamang na ubos na pala ang pagkain na hawak ko.
“Gusto mo pa ba?" tanong ko dito.
Umiling ito.
“Im already full baby. Can you help me to my water.".
“Ah mmm" tumango na lamang ako.
Pinainum ko ito ng tubig, ilang sandali pa ay pinainumk ko din sa kaniya ang gamot.
“Pahinga ka muna diyan, bago ka matulog" mataman ko itong tinitigan. Pero nakakunot ang aking noo.
“Thank you Baby" kumindat pa ito sa akin. Napairap na lamang ako bilang ganti, pero sa katunayan nyan ay halos magwala ang aking mga eggcells sa kalandian.
“Iiwan na kita, may gamot ka sa table at tubig."
“No, don't leave me baby" pakikiusap nito sa akin.
“What?!"
Bago pa ito magsalita muli ay nahila na ako ng mahaba at malaki nitong braso sa aking bewang.
“Hey Anu ba? Hindi ba may sakit ka pa"
“I need some cuddle baby" halos napatili na lamang ako nang ihiga nito ako kama nito at mabilis na kumababaw sa akin.
“Arghhh!!" malakas kong tili. Jusko baka maisuko ko bigla ang aking bataan sa Aris na ito.
“Shhhh baby, I just need some cuddle. So I can sleep easier." malambing niyong boses sa akin.
“Bakit ka kasi nasa ibabaw ko?!". singhal ko dito.
“Tssk!" tumabi ito sa akin ngunit nakayakap naman sa aking katawan. Naramdaman ko ang paghalik nito sa aking leeg.
Bigla kong nakapa ang aking panty, baka biglang lumuwag lintik na Kurimaw na ito.
“Let me sleep here baby" mahina nitong salita.
Hindi na ako sumagot at pinakiramdaman ko na lamang ito. Wala pa atang limang minuto ay naramdam ko ang mabigat na nitong paghinga. Mukhang nakatulog na. Pero parang ayaw ko munang bumangon dahil parang nagugustuhan ko rin naman ang ginagawa nito sa akin.
Napayakap na lamang ako dito bilang ganti. Hanggang sa hilain na rin ako ng antok.
~~~~~~~~~
Naanlipungatan ako ng maramdam ko na may humahalik sa aking leeg. Napaungol ako.
“Mmmmm." dahil parang nagtayuan ang mga buhok ko sa katawan.
“Baby" malamyos na boses ng walang iba na si Aris.
“W-what you doing? Why you kissing me?" tanong ko dito na pakiramdam ko ay bigla akong nang-iinit sa katawan.
“Can I?" tumigil ito sa paghalik sa akin at tinitigan ang aking mga mata.
Naguguluhang sumalubong ako ng tingin sa kaniya.
“What?"
Umungol lamang ito at sinunggaban ang aking labi. Jusko po parang ambilis nito Lord. ... Bakit biglang nakaramdam ako ng pamamasa sa aking flower?