HIS QUEEN "S-sebastian, a-ano ang ginagawa mo rito?" Binundol ng malakas na kaba ang aking dibdib ng makita ang mga nanlilisik na mata nito. Galit niya akong tiningnan, umigting ang kanyang panga kaya hindi ko magawang makipagtitigan dito. Nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga taong nasa paligid. Nilingon ko ang lalaking namumutla na sa pagkabigla. Hawak ito ng dalawa pang lalaki sa magkabilang braso. Napatingin rin si Sebastian sa tinitingnan ko. Nilapitan niya ang lalaki. "Ang lakas ng loob mong hayop ka." Halos hindi bumuka ang bibig nito dahil sa matinding galit. Isang malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay nito sa lalaki na ngayo'y namimilipit na sa sakit. Nagkandaubo-ubo ito sa paghahabol ng hininga. Nangangatal ang mga binti ko sa nakikitang galit ni Sebastian. "H-hindi k

