bc

Sebastian’s Cruelty

book_age18+
5.7K
FOLLOW
22.7K
READ
revenge
possessive
kidnap
forced
dominant
drama
bxg
cruel
punishment
lusty
like
intro-logo
Blurb

SEBASTIAN DEL ROSARIO is the man behind the most powerful and feared organization in the world. His physique screams nothing but danger, authority and dominance. Isa lang ang mahalaga sa kanya, iyon ay ang hanapin ang marka ng itinakdang babae na makakasama niya sa pamumuno ng organisasyon, and he found her. Christina Villareal, a traitors daughter, the marks bearer.

"As long as you have the mark, hindi ka masasaktan nino man."

He promised to protect her, but he failed.

chap-preview
Free preview
SIMULA
SEBASTIAN : His love, His cruelty. SIMULA Nakatali ang aking mga kamay at nakatakip naman ang aking mga mata. Libo libong pawis ang tumulo mula sa aking noo pababa sa aking leeg dahil sa takot at kaba. Lulan kami nina mama at papa sa isang itim na van. Kalalabas lang namin mula sa dinaluhang kasiyahan nang biglang tumigil ang isang sasakyan sa aming harapan. Mula roon ay lumabas ang apat na lalaking hindi namin kilala. Pinalo ng mga ito si papa sa likod habang kami naman ni mama ay pwersahang isinakay sa van.  Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa'min ngayon ang akala ko'y sa mga palabas lamang. Hindi ako naniniwalang may mga ganoon kasamang tao, not until now. We are being kidnapped at hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sakin, kay papa at kay mama na rinig kong pilit na nagpupumiglas.  Isang hikbi ang lumabas sa aking bibig nang maramdaman ang presensya ng lalaking nasa aking gilid. Mahigpit ang hawak nito sa braso ko't animo'y gustong baliin. Ilang oras kami sa ganoong posisyon. Kahit nangangalay na ang aking mga braso ay hindi ko magawang umalma sapagkat sobra sobra ang takot ko na ni ultimo isang salita ay ayaw kumawala sa aking bibig. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin ngunit alam kong isinakay nila kami sa isang bangka base narin sa tunog ng mga alon at sa ugong ng makina. Sa tansya ko'y mahigit anim na oras rin kami sa karagatan bago muling bumiyahe sa isang panibagong sasakyan. Tumigil kami sa hindi ko alam kung saan. Bumukas ang pinto at marahas akong hinaklit palabas. Nagiging malakas narin ang paghikbi ko at nanginginig na sa takot. Mga yabag ng paa ang sunod kong narinig. Tumigil iyon malapit sakin. Tinanggal nito ang takip sa mata ko at bumungad sakin ang isang may katandaan na lalaki, a few wrinkles on his face, wearing an expensive Armani suit. Shrewd and ruthless. "Maligayang pagdating sa mansyon ko, Melfina." sarkastikong saad nito kay ina ngunit ang atensyon ay sa'kin nakadirekta. Buong buo ang kanyang pananalita at sa tindig pa lamang ay alam mong katatakutan na. "A-anong kailangan nyo sa pamilya namin?"  He put his index finger over his lips. "Ssh. Hindi ikaw ang gusto kong kausapin tungkol sa bagay na iyan, Melfina. Si Florencio ang may atraso sakin at ang sino mang may koneksyon sa kanya ay mananagot sa batas ng organisasyon." nakakatakot na saad nito bago ako binalingan.  "Walang kasalanan ang anak ko sa anumang katiwaliang namamagitan sa inyo ni Florencio. Ibalik niyo na lamang siya sa syudad. Nakikiusap ako."  Tila walang narinig ang lalaki. Imbes na sumagot ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni ina kaya napasigaw ako nang malakas. Mas lalo akong napaiyak ng makita ang pulang marka sa mukha nito. "Don't beg to me. Hindi ako nadadala sa pakiusap." saad nito sa matigas na boses. "---ipasok na ang mga iyan." utos niya at sumunod naman ang mga tauhan nito. Nanlamig ako nang makita ang baril na dala ng mga kalalakihan. Binuhat nila si papa na wala pa ring malay at marahas kaming hinila. "Don!" Isang baritonong boses ang umalingaw-ngaw sa buong lugar. Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig at nanlaki ang mga mata sa nakita. He stood there, Sebastian Del Rosario, wearing a three-button Yves Saint Laurent suit that was tailored to precisely matched the contours of his body, giving him a dominant air of an alpha male, dark and dangerous. Hindi ko inaasahang makita sya sa pagkakataong ito. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Inilang hakbang nya lamang ang distansya sa pagitan namin at inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak ng isa sa kanilang mga tauhan. Nagbaba naman ng paningin ang lahat ng nandoon bukod na lamang sa lalaking palagay ko ay ama ni Sebastian. "Leave this girl to me, father. Let me keep her. " He said firmly. Hindi nya ako ginawaran ng kahit kaunting sulyap ngunit nakapulupot naman sa bewang ko ang mga braso nito, wari'y pinoprotektahan ako. "Keep your hands off on this matter, Sebastian! You know my rules!" puno ng pagbabantang saad ng kanyang ama. Mas lalong humigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sakin. Nagbaba ako ng tingin at napapikit. "I know the rules but please father, let me handle her." Hindi ko sya makitaan ng takot sa kanyang mukha. Tila ba ay normal na sa kanya ang makipag-usap sa kanyang ama tungkol sa mga ganitong bagay. "You don't just beg Sebastian! Begging is for weak idiots! Pero sige, I will let you keep her but she needs to follow my rules in this house." The old man said in a dangerous and terrifying manner. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani. Alam kong ang lahat ay nakikiramdam lamang. Natatakot na lumikha ng ingay. Natatakot na mapagbalingan ng atensyon. "Thank you father," He said gently. Umismid lamang ang matanda at tumikhim. "Sumunod ka kaagad sa basement. We have things to do. More important things than this." makahulugang saad nito. Tango lang ang naging tugon ni Sebastian at maingat akong inalalayan papasok sa isang malaking bahay. Nilingon ko si mama na marahas na hinihila ng mga lalaking may baril. Nagtagpo ang mga mata namin at nakita ko itong tumango, wari ay minamanduhan akong magpatuloy. Napaiyak ako sa nasaksihan.  "Please don't cry, Christina. You know how much I hate your tears. You're safe with me. No one will harm you. Not even my father.." alo nito sakin at inalalayan ako paakyat sa magarbo nitong hagdanan. Imbes na tumahan ay mas lalo lamang akong napaiyak, dahil alam ko na sa pagtuntong ko pa lamang sa lupa ng mansyong ito ay tuluyan ng magbabago ang ikot ng aking mundo. ---mimi

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.8K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.6K
bc

His Property

read
946.5K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.5K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook