KABANATA 1

2448 Words
FIRST DINNER Isang malaki at magarang silid ang pinagdalhan sakin ni Sebastian, a Victorian Era setting bedroom, ngunit dahil sa matinding takot na nararamdaman ay hindi ko na batid ang kagandahang taglay nito. Buong pag-iingat nya akong inalalayan paupo sa kulay abong kama. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Kahit na kasama ko ito ngayon ay hindi ko parin maiwaglit sa isipan ang katotohanang hindi ko lubusang kilala ang kaharap ko, at hindi ako nakakasigurong ligtas ako sa tabi nito.  "Magpahinga ka na muna, Christina. Huwag kang mag-alala, mananatili kang ligtas hangga't narito ka sa aking silid. Walang sino man ang mangangahas na pumasok dito ng walang pahintulot mula sakin." He muttered softly. Pinasadahan nya ng haplos ang aking mahaba at maalon-alon na buhok. Napapiksi ako sa haplos nyang iyon at nag-iwas ng tingin. Mas lalong dinalaw ng kaba ang aking dibdib ng maramdaman ang paninigas nito. Napatingin ako sa kanya at nahagip ng aking paningin ang saglit na pagdilim ng kanyang anyo. Muli akong nagbaba ng tingin, takot sa ipinapakita niyang anyo. "Huwag mong iwasan ang mga haplos ko, Christina. Alam mong nagagalit ako kapag umiiwas ka sa akin. Huwag kang matakot. Hangga't narito ako ay hindi ka magagalaw ni ama." He said in a frustrated tone before lifting my chin. Hindi na ako nagtangka pang umiwas sa takot kong magalit ito. Sa kabila ng sinabi niya ay hindi parin mawala-wala sa kaibuturan ko ang takot at ang pagkalito sa nangyayari. Ang malawak na lupain, ang magarbong mansyon, mga tauhang may armas, ang kanyang ama...ang lahat ng ito ay hindi ko lubos maintindihan. Dumapo sa nanginginig kong kamay ang kanyang mga kamay. Kung isang ordinaryong araw lamang ito ay tiyak na malapad akong ngingiti sa kanya at marahil ay magagawa ko pang makipagbiruan at tawanan, ngunit sa pagkakataong ito ay ni hindi ko maiunat ang aking mga labi. The man I am looking right now is different from the man I knew before. Ibang-iba. "You are silent," puna niya. Napabuntong hininga ako't nag-iwas ng tingin. "—I am not used in seeing you act like this, Christina. I already told you, hindi ka masasaktan nino man kaya't panatagin mo ang iyong kalooban. Speak up, sweetheart. " Diretsong naka direkta sakin ang kanyang paningin na wari'y nakikiusap. "Papaano naman sina ina at ama, Sebastian? Give me the assurance that they are safe. Na kagaya ko ay poprotektahan mo rin sila. Dinala sila sa basement diba? Ano ang naroon?" Sunod-sunod na tanong ko dito. Hindi ko maiwasang mag-alala. Marahas akong napabuntong hininga at muli na namang nanggilid ang mga luha. Hinagod nya ang aking braso at tinatahan ako. "Huwag na muna nating pag-usapan iyan, Christina. Gusto kong manatili ka lamang dito sa silid ko nang sa ganon ay makampante akong walang mangyayaring masama sayo. Kailangan ko munang bumaba. I will lock the door so don't try to sneak out because it's no use." He held my hand and kissed it. I started trembling...afraid of his bold advances. Natigilan kaming dalawa nang may kumatok mula sa labas. Kinakabahang napatingin ako sa pinto. Tumayo sya at walang pangambang binuksan ito. Bumungad samin ang isang lalaking marahil ay tauhan niya. Sinilip ako nang lalaki kaya mas lalo lang akong napayuko.  "State the reason on why you are here and keep your eyes on the floor if you don't want to be drag to the basement." maawtoridad sa saad ni Sebastian. Kaagad rin namang nagbaba ng tingin ang lalaki at mababakas ang takot sa mukha nito. "Pinapababa na po kayo ng Don, master at sinabi nya pong ipaabot ko sa inyo ang kanyang utos na sa halip na sa iyong silid manatili ang babae ay doon na lamang ito dalhin sa kabilang silid---" Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin nang biglang dumapo ang kamao ni Sebastian sa sikmura nito. Napasinghap ako sa nasaksihan at napatayo dahil sa gulat. "Don't try to push your luck, bastard. Sa silid ko mananatili si Christina at hindi sa kung saang kwarto na alam kong malayang mapapasok ng kung sino man. Bababa na ako at ako na mismo ang kakausap sa kanya. Umalis ka sa harapan ko ngayon din." He said in a dangerous manner. Yumukod ang lalaki at dali-daling umalis. Nag-angat ako ng paningin at nakitang nakatingin ito sakin.  "I'm sorry for the scene, sweetheart. Bababa muna ako. Magpahinga kang mabuti." Hinalikan nya muna ako sa noo bago lumabas. Narinig ko ang pag click ng siradura. Nangangahulugan lamang itong inilock nga nya ang pinto. Fear flared inside me. Kaagad akong napatayo at nagpabalik-balik sa paglalakad. Kagat kagat ko rin ang aking kuko na kadalasan kong ginagawa tuwing kinukutuban ng masama. Natigil ako sa ginagawa ng makarinig ng sasakyang paparating. Nilingon ko ang veranda at tumakbo papunta dito.  Binuksan ko ang pintuan ngunit hindi ito mabuksan kaya hinawi ko na lamang ang kurtina sa bintana upang makita ang nangyayari sa ibaba. Tatlong van ang paparating. Tumigil ito sa tapat ng mansyon at lumabas ang mga nakaitim na lalaking tauhan nina Sebastian. Mula sa bawat van ay may hila-hila silang mga nakagapos na lalaki't babae. Nakapiring rin ang mata ng mga ito. Napasinghap ako ng mamataan ang isang batang babae na isa sa mga bihag.  Naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig upang pigilan ang umaalpas na paghikbi. Nakilala ko ang ilan sa kanila. Si tito Bert na kapatid ni papa at si uncle John na kaibigan naman nito. Nakita kong sinalubong sila ni Sebastian at ng ama nya. Kagaya ng nangyari kanina ay dinala nila ito sa hindi ko alam kung saan. Napapikit ako sa biglaang pagsakit ng aking ulo at nang magbukas ng paningin ay nagtagpo ang mga mata namin ng ama ni Sebastian, kaagad kong isinara ang kurtina at nagtago sa takot na kaagad dumapo sa aking katawan. Tumakbo ako sa kama at dumapa dito. Itinaklob ko rin ang kumot sa aking katawan. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mag-isang oras. Nanatili akong nakatulala sa kawalan nang makarinig ng pagbukas ng pinto. Napabangon ako sa gulat at napabuga ng hangin ng matagpuan si Sebastian. Napapikit ako dahil sa saglit na kabang naramdaman. Kahit pa sabihin niyang ligtas ako sa loob ng silid na ito ay hindi ko pa rin magawang makampante dahil alam kong walang ligtas na lugar sa buong mansyon. Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos ang aking buhok. "Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" tanong niya. Gustuhin ko mang umiling ay nilabanan ko ang aking sarili at pilit na tumango. Simula ng tumuntong ako sa lugar na ito ay hindi na naging maayos ang pakiramdam ko. Magiging maayos lang siguro ako kung makakaalis kami nina ina at ama rito. Pati na rin sina tito Bert at uncle John.  "Mabuti naman kung ganoon. Namamaga ang ang iyong mga mata. Maligo ka na lang muna bago magbihis. Inanyayahan ka ni ama na sumalo sa tanghalian." nakangiting saad niya. His voice was low and deep. I felt a sudden fear. Umiling ako at nagpabaling-baling ng tingin. "D-dito lang ako. Hindi ako bababa atsaka hindi n-naman ako nagugutom. Dito nalang ako." kandautal-utal na saad ko. Hangga't maaari ay gusto kong umiwas sa ama niya sapagkat natatakot ako sa mga titig nito. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Pinasadahan nya ng kanyang daliri ang aking pang-ibabang labi. Seryoso ang kanyang tingin doon kaya nakagat ko ito. Sumilay ang kakarampot na ngiti sa kanyang mukha. "Kailangan mo pa ring kumain, Christina. Huwag mo namang tanggihan ang paanyaya ni ama. Baka iba ang isipin nya. Tumayo ka na." Inalalayan nya akong tumayo. Hindi na ako nanlaban pa. Kahit naman tila hindi ko na kilala si Sebastian ay hindi pa rin naman nawawala ang tiwala ko sa kanya. Sana nga lang ay maging maayos ang lahat. Iminuwestra nya sakin ang banyo. Tiningnan ko naman ito at tumango. Inabutan nya ako ng tuwalya bago naghubad sa harapan ko. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Isang marahang halakhak ang aking narinig mula sa kanya.  "So innocent," tipid na saad nito at hinalikan ako sa noo. Hinawakan nya ang aking kamay at dinala sa banyo. Siya pa mismo ang naghanda ng aking pampaligo. Nang matapos sa ginagawa ay tiningnan ako nito. Naasiwa ako sa paraan ng pagtitig niya. Kahit naman may pinagsamahan kami ay hindi pa kami umaabot doon. Hanggang halik lang ang ginagawa namin kaya hindi ako sanay na kasama ito sa iisang banyo. "Hindi mo naman siguro iniisip na maghuhubad ako sa harapan mo diba?" Nag-aalangang saad ko. May ibinulong sya sa aking hindi ko maintindihan. Iba ang lenggwaheng ginamit nito. Hinalikan nya ako sa labi bago lumabas. Minadali ko ang pagligo. Pati ang pagbibihis at pag-aayos sa sarili ay kay dali ko lang ginawa. Nagtataka man ako sa kung papaano nagkaroon ng mga damit pambabae na sakto sa sukat ko ang closet sa kwarto ni Sebastian ay hindi ko na masyadong pinagtuonan pa ng pansin. Nakapulupot sa bewang ko ang braso nito habang inaakay ako pababa sa hagdan. Namamataan ko ang mga tauhan nitong napapatingin sa gawi namin na kaagad rin namang nag-iiwas ng tingin sa tuwing napapagawi ang mga mata kay Sebastian. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga hawak nitong iba't-ibang klase ng baril. Mas humigpit ang pagkakahawak ni Sebastian sa bewang ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti ito kaya pilit rin akong ngumiti.  Ang buong akala ko ay puro lalaki lamang ang mga tauhan nina Sebastian kaya laking gulat ko nang makita ang kumpol ng mga babaeng may hawak na sandata. Napalingon silang lahat samin at nagtaas ng kilay. Hinagod pa ako ng kanilang mga mata mula ulo hanggang papa bago yumukod.  Pumasok kami sa isang silid at sinalubong kami ng katahimikan. Kakaiba ang aura dito sa loob. Inakay naman ako nito palapit sa kanyang ama. Bahagya syang yumukod bilang pagbati. Tiningnan naman ako nito kaya maging ako ay bumati narin. Tumikhim lang ang matanda bago nagsalita. "Umupo na kayo at nang makapagsimula na tayo."  Umikot kami sa kabilang banda at ipinaghila ako nito ng bangko. Umupo naman din ako kaagad. Ilang ulit akong napapalunok, mahigpit ko ring hawak ang laylayan ng aking damit sa ilalim ng mesa. Nagmartsa ang mga katiwalang may dalang mga pagkain. Maingat nila itong inilagay sa lamesa bago sabay-sabay na yumukod at nagsihanay sa gilid. "Let's pray," saad ng Don. Iyon ang tawag sa kanya ng lalaki kanina. Halos mapairap ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwalang naaatim pa nilang magdasal sa ginagawa nila. Hinawakan ako ni Sebastian. Napatingin ako sa kanya bago napatingin sa ama nitong nakatingin rin sakin. Pinagpawisan ang kamay ko sa pangamba.  "Close your eyes, Christina. It's time for the prayer." He hissed softly. Muli akong napatingin sa kanyang ama na madilim ang mukha. Kaagad akong pumikit. Mabilis na natapos ang dasal. Pinagsilbihan ako nito sa pagkain at ipinaghiwa ng karne. Tatlo lamang kami sa mahabang lamesa. Ang mga tauhan ay nasa gilid lang at nakayuko. Nanginginig ang mga kamay ko kaya di ko magawang hawakan ang kutsara. "Mukhang hindi yata alam ng ating bisita ang tamang asal sa hapagkainan, Sebastian. Naituro mo na ba sa kanya ang dapat nyang maging asta sa loob ng mansyon? Turuan mong mabuti ang ating bisita Sebastian dahil kung hindi ay mapipilitan akong ituro sa kanya ang tamang asal sa harap ng hapagkainan." saad ng Don habang seryosong kumakain. I started to tremble. My blood seemed to pound against my veins, my stomach muscles contracting in deep fear. "Ako na ang magtuturo sa kanya, ama. Pagpasensyahan nyo na." saad ni Sebastian at hinarap ako. "Kumain ka na, Christina," mahinahong saad nya. Tumango lang ako at pinilit ang sariling kumain. Bumalik naman din sa pagkain si Sebastian. Pilit ang pagnguya at paglulon ko sa pagkain. Totoong wala akong ganang kumain dahil pumapasok sa isipan ko ang isiping patungkol kina ina't ama. Kung okay lang ba sila at kung binibigyan rin ba sila ng pagkain.  "Kumusta ang pinagawa ko sa iyo kahapon, Sebastian? Nadispatsya mo na ba ang pamilyang Duazon?" tanong ng kanyang ama.  "Nagawa ko na ama. Wala na kayong dapat pang ipag-alala sa kanila." He answered. Nanigas ako sa narinig. Pamilyar sakin ang apelyidong kanilang binanggit. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang kasalukuyang mayor sa lungsod.  "Mabuti naman. Yung bihag sa ikatlong kwarto, ikaw na ang bahalang humarap at humatol sa kanila. Huwag mong patayin kaagad. Hayaan mo silang gumapang sa sakit at maligo ng sariling dugo."  Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang hawak na kutsara na kaagad lumikha ng ingay. Napalingon si Sebastian sakin at napabuntong hininga. "Huwag na muna natin iyong pag-usapan ngayon ama. Huwag sa harap ni Christina." Kumunot ang noo ng kanyang ama at binitawan ang hawak na kutsara't tinidor. Marahan rin nitong pinahid ang bibig. "Christina, Sebastian? Iyan ang pangalan ng kasintahan mo hindi ba? Sinabi ko na sa iyong layuan mo ang babaeng iyan! Naaalala mo pa ba iyong sinabi ko sa iyo? Kapag nagmahal ka, magkakaroon ka ng kahinaan, at kapag hihina ka ay lulubog ka!" galit na sigaw ng Don. Naramdaman ko ang tensyon ng mga tauhan nitong nakapalibot sa amin. Alam kong maging sila ay nakaramdam rin ng takot sa pagsigaw nito. "Hindi ko nakakalimutan iyon ama ngunit hinahangad kong maintindihan nyo ako sa ngayon. Hindi ako magiging mahina. Magiging malakas ako hangga't nasa tabi ko si Christina. Hayaan nyo ako ama."  Napatingin ako kay Sebastian. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata nito. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at nagbaba ng tingin. "May usapan tayo, Sebastian. Huwag mong kakalimutan iyon."  "Dadalhin ko na sa silid si Christina ama. Kailangan nya muling magpahinga." Hindi nito sinagot ang ama. Inakay nya ako patayo. "Papanhik na kami sa itaas." Muli ay ipinulupot nito ang kanyang braso sa aking bewang. Kapwa kami yumukod at nagpaalam. Marahas na inimom ng Don ang natitirang alak sa baso at umiling, a bit disappointed. Bumalik kami sa silid ni Sebastian. Umupo ako sa kama gayon din sya. "May kailangan pa akong gawin, Christina. Iiwan na muna kita rito." Ipinahiga nya ako sa kama at hinalikan sa noo. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumango."—huwag kang mag-alala dahil kapag naipasa na sa'kin ang posisyon ay sisiguraduhin kong mawawala sa buhay natin ang ama ko. Wala ng mangugulo sayo Christina. Poprotektahan kita kahit na ang kapalit nito ay kailangan kong patayin ang sarili kong ama." saad nito at muli akong hinalikan bago tumayo at lumabas. Sa pagsara ng pinto ay unti-unti ring tumulo ang aking mga luha. Ayaw kong dumating ang araw na iyon Sebastian. Ayaw kong pati ikaw ay mabulag sa kapangyarihan dahil kapag nagkataong magbago ka ay natatakot akong pati ang nararamdaman ko sa iyo ay magbago rin. ---mimi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD