KABANATA 2

1956 Words
 HIS POSSESSIVENESS Mag-aanim na buwan palang kami ni Sebastian. Nagkakilala kami noong graduation party ko sa kolehiyo. Walang panliligaw na nangyari. Basta ay nilapitan lang ako nito at idineklara ang di umano'y relasyon naming dalawa. Nagulat ako nung una at umayaw ngunit wala rin naman akong nagawa. He forcefully owned me, jailed me in between his fences and sets his own strict rules. Wala akong kaibigang lalaki dahil walang naglalakas loob na makipaglapit sakin. Maging ang mga babae ay iniiwasan ako...and it's all because of Sebastian, and his possessiveness. Kilala at kinatatakutan sa hindi ko malamang dahilan ang kanilang angkan sa buong lalawigan. Maging ang mga dayo ay natatakot na umapak sa lupain ng mga ito. Ang kanilang mansyon ay talaga namang agaw pansin sa sobrang laki at galante, nagsusumigaw ng karangyaan—ngunit walang naglalakas loob na umapak papasok dito, ni ang tingnan ito ng matagal ay kinatatakutang gawin ng mga tao.  Hindi ko alam kung bakit, sa katunayan ay matunog ang apilyedo nila pagdating sa pag-fa-fund ng ibat-ibang activities sa simbahan, be it seminars or structural development — at ngayon ko lang lubusang naintindihan ang lahat. Sadyang nakakatakot ngang mapalapit sa mga ito.  Tatlong katok ang aking narinig sa pinto. Tiningnan ko ito at naramdaman ang hindi normal na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Sigurado akong hindi si Sebastian ang nasa labas sapagkat hindi naman ito kumakatok. I felt a momentary flare of panic. "Sino ang nandyan?" kinakabahang tanong ko.  Bumaba ako sa kama at lumapit sa pinto. Hindi ko ito binuksan at hinawakan lamang ang siradura. Idinikit ko ang aking tenga palapit upang pakinggan ang nasa labas. "Ako ho ito, ma'am," saad ng isang boses babae. Naibuga ko ang pinipigilang hininga at inayos ang sarili bago binuksan. I was greeted by a middle-aged woman, pormal ang soot, may laso sa leeg at may hawak na isang tube nang sa palagay ko ay ice cream. "A-ano ang kailangan mo?"  Inabot nito sakin ang dala, her eyes never leave the floor. Napakunot ang noo ko at tinanggap ito. Nagpaalam naman agad saakin ang babae at umalis. Kinuha ko ang papel na nakapatong sa takip. It's your favorite flavor. I cant join you as of now. See you in an hour. -SD Napangiti ako sa nabasa at akmang isasara na sana ang pinto, napatigil ako at napatingin sa hawak kong siradura. Hindi nito nailock. Mabilis kong inilagay ang dala sa malapit na lamesa at dahan dahang lumabas sa silid. Hindi pa ako tuluyang nakalabas nang may isang nakakatakot na tinig ang pumigil sakin. "Kung ako sayo ay hindi ako lalagpas sa pulang linyang nasa paanan mo," I gasped in fear, took a step back and froze. The  Don was in front of me, his dark eyes glinted coldly. Madiin ang pakakahawak ko sa siradura. "—mas mabuting manatili ka na lang sa silid ni Sebastian at siguraduhin mong hindi ka lalagpas sa pulang linyang iyan, Christina." He said using his warning tone. Napatingin ako sa paanan ko at nakita ang pulang linya sa sahig.  Muli akong napaatras. "Masyado kang pinapahalagahan ni Sebastian sa ngayon kaya manatili ka muna sa lugar kung saan ka ligtas. Hindi ako makakasigurong kaya kong pigilan ang sarili kong idispatsya ka sa oras na makalabas ka sa kwartong iyan. Maswerte ka at kasali na sa batas dito sa mansyon ang pagbabawal na umapak sa pulang linyang iyan. Ayaw ko namang galitin si Sebastian kaya tulungan mo ang sarili mong umiwas sa kapahamakan." buong pagbabanta nitong saad. Nag-iwas ako ng tingin at muli'y nagsimulang manginig ang mga kamay. "Father, why are you here?" seryosong tanong ng kararating lang na si Sebastian. Mabilis ako nitong nilapitan, sinuri ang aking mukha at ikinulong sa kanyang mga bisig bago tiningnan ang ama. "Huwag kang mag-alala Sebastian, wala akong masamang ginawa sa kanya. Sumusunod ako sa usapan. Galing ako sa itaas upang tingnan ang mga bagong dating na chopper." saad nito na nasa akin ang tingin. Iniluklok ko ang aking ulo sa dibdib ni Sebastian. Napahigpit naman ang pagkakayakap nya sa akin.  "Nakuha mo ba ang impormasyong iniutos ko sa iyo?" He continued. "Tapos na ama. Maaari ko bang isara itong pinto? Hindi na kasi maganda ang panginginig ni Christina." paalam nito sa ama. Tumango naman ang Don at iyon lang yata ang hinintay ni Sebastian bago tuluyang isinara ang pinto.  "I'm sorry. I forgot to lock the door." hinging paumanhin nito, kinarga niya ako sa mga bisig niya at iniupo sa bangko. Nag squat ito upang pantayan ako.  "Nakalimutan ko kung naisara ko ba o hindi ang pinto kaya nag-utos akong dalhan ka ng paborito mong kainin, at nang sabihin ng katiwalang naibigay nya ito saiyo ay dumiretso na ako kaagad rito. I'm sorry, sweetheart." pagpapaliwanag niya. Tumango ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang kamay nito at bahagyang pinisil. "Natatakot ako dito, Sebastian. Tulungan mo kaming makaalis nina mama't papa dito." I pleaded. He made no comment..and for a long moment there was silence, and then with a sigh he straightened up, reached for my chin so I could faced him. "Luluwas si ama sa maynila mamaya. Gusto mong mag-ikot sa buong mansyon?" Pag-iiba niya sa usapan. Iwinaksi ko ang kamay nito na kaagad ko namang pinagsisihan dahil sa nakitang reaksyon nya. Wrong moved!  Muli kong kinuha ang kanyang kamay at dinala sa aking pisngi. I saw how his mood changed. The fire in his eyes die away. Kaagad syang napangiti at hinalikan ako sa labi.  "Huwag mong hilingin iyan sakin, Christina. May kasalanan ang ama mo sa organisasyon kaya malabong maibigay ko ang kahilingan mong iyan."  "Papaano naman kapag ikaw na ang nasa posisyon? Hahayaan mo na ba kaming makaalis?" Nagbabakasakaling tanong ko sa kanya. Nagbuga lang ito ng hininga, tumayo at tinalikuran ako. Madiin akong napapikit dahil kahit hindi man nito iyon sabihin ay alam ko na ang kanyang magiging sagot. Binuksan nya ang pinto sa veranda. "May batas na sinusunod dito Christina at maging kami na tagapagpatupad ng batas ay may sinumpaang kasunduan. Mapaparusahan ang sinumang kumalaban sa organisasyon. Hindi mo pa lubusang maiintindihan ang lahat Christina pero sana ay nakuha mo ang sagot ko." Binalikan niya ako, hinalikan sa noo at iniangat ang ulo mula sa pagkakayuko. Nagtama ang mga mata namin at masasabi kong nag-iba nga sya. Siguro ay inililihim nito sakin ang kanyang totoong ugali noon at ngayon ay malaya na nitong naihahayag at naipapakita ang saloobin.  Ako ang unang umiwas ng tingin. Hinawakan nya ang baba ko at muling ibinalik sa kanya ang paningin. Sinuri nya ang buong mukha ko at hinawi ang takas na buhok na tumatabing sa aking noo. "You're so beautiful, sweetheart. I'm lucky to have you. I will make you my queen, a queen of this mansion, a queen of this organization." He whispered sensually while brushing the tip of his nose on my neck. Inilihis nya ang strap ng suot kong damit at hinalikan ako sa balikat. Natigilan ako sa ginawa nya at nagsimula na namang magpanic. His kisses crawled like a lava, burning the places where it goes. Banayad ito ngunit sadyang hindi ako handa para rito. Naglandas ang kanyang kanang kamay sa tyan ko kaya dala ng gulat ay naitulak ko sya.  Kaagad na nag-iba ang kanyang ekspresyon. "We can't do this Sebastian. It's just—doesn't feel right. I'm sorry. Hindi pa ako handa." kinakabahang saad ko. Dumapo ang paningin ko sa aking mga kuko. Hinawakan nya ito at dinala sa kanyang mga labi at hinalikan. Sumilay na sa mukha nya ang isang ngiti. "Just because something doesn't feel right doesn't make it entirely wrong. But I respect you, Christina. I will wait till you're ready. We will do it eventually." Niyakap nya ako at hinagod hagod ang aking braso. Napapikit ako at mas lalong sumiksik sa kanyang dibdib. He chuckled softly. Napahiwalay ako nang makarinig ng tunog ng chopper. Naglakad ako papunta sa veranda habang nakasunod naman sya sakin. Isang chopper ang papaalis. He hugged me from the back. "I guess we can roam around the mansion already. Sa makalawa pa ang balik ni ama kaya mas mabuting sulitin natin ang araw." Hinila nya ako palabas at dinala sa ibaba hanggang sa nakalabas kami ng mansion.  Nasa amin ang atensyon ng lahat ng mga tauhan nito. Tumigil sila sa kanilang mga ginagawa upang yumukod at bumati. Hindi naman sila pinapansin ni Sebastian. Dinala niya ako sa pool area. Bumungad sakin ang isang malaking infinity pool na nakaharap sa mainit at malawak na dagat. Sa gilid noon ay may isang maliit na mesang may lamang pagkain. Inakay nya ako dito, pinaghila ng silya at pinaupo. "Bakit ang tahimik mo yata, Christina? Hindi ka naman ganyan noon." "Bakit kami narito sa mansyon nyo, Sebastian? Nakita ko sina tito at uncle John kanina kasama ng iba pa. Sinabi mo ring nagkasala sila sa organisasyon. Ano ang ibig mong sabihin doon?" tanong ko at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Susulitin ko ang bawat oras ko upang makakalap ng impormasyon hangga't wala pa dito ang ama niya. "Let's not ruin our day by asking questions, Christina. Pwede bang huwag ka na munang mag-isip masyado? Ang mahalaga ay ligtas ka mula sa pupwdeng mangyari sayo." He took a sip of his whisky. "Ligtas ako? Pano naman ang iba pa? Bakit Sebastian? Ano ang gagawin nyo kina mama't papa? Papahirapan niyo ba sila at papatayin din?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Natatakot ako para sa kanila. Para sa pamilya ko, kina uncle at tito pati narin sa iba pa. "Please don't make it hard for me, sweetheart. Hindi ko kontrolado ang mga mangyayari." "No Sebastian. You're making this hard for me. You're making it hard for me to trust you. To love you after all I knew about you! Kung nalaman ko ito noon ay di sana---" "Di sana'y ano, Christina? Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo ang totoong ako noon? Iiwasan mo ako? Tatanggihan? Tell me what the fvck you're going to do! " He cut in, his tone was sharp, implacable. I couldn't speak. My throat seemed to have closed up due to an intense fear. Tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa mga kamay ko. "Lalayo ako sayo, Sebastian. That's the best decision I should have done to keep my family away from danger, away from you and your father."  His gaze sharpened. Bigla akong kinabahan at napatayo. I took a step back. Ngayon ko lang lubusang naunawaan ang kagagahang sinabi ko. Nagdilim ang kanyang anyo at madiing kumuyom ang kanyang kamao. Umigting ang kanyang panga na naghatid ng kakaibang takot sa buong katawan ko.  Muli akong umatras ngunit mabilis nyang nahanap ang aking kamay. Madiin nya itong hinawakan kaya napangiwi ako. Napatingin ako sa kanyang mga mata at lalong natakot nang hindi ko maaninag ang Sebastian na kilala ko doon. He's terribly mad. "Take back what you had said. Don't make me angry, sweetheart. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag galit. I don't want to hurt you." maawtoridad na banta nito. Nanginig ang tuhod ko sa takot. I know he's capable of hurting me.  "I'm sorry." I muttered softly. Muli akong natalo ng kaduwagan. I don't want to pushed my luck. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa kanya. Lumuwag ang pagkakahawak nya sakin at ngumiti na tila ba ay walang nangyari. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Kumunot ang noo ko sa biglang pagbabagilo nya ng ekspresyon. "That's right, Christina. I don't want to hurt you." Mahinahon na ang kanyang boses ngunit hindi pa rin nawala ang takot sa dibdib ko. "I can hurt and kill someone without even blinking, sweetheart. I'm not afraid of death pero may isang bagay akong kinatatakutan. Iyon ay ang masaktan kita—physically."  ---mimi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD