CURIOSITY KILLS
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa narinig mula sa kanya. Oo, nasa puso ko pa rin iyong takot na posible ngang dumating ang araw na masasaktan ako nito. Pero ang bumabagabag sa kalooban ko ay iyong sinabi niya tungkol sa kanyang nararamdaman. Hindi ako bulag patungkol sa bagay na iyon dahil maging ang mga tao sa paligid ko ay sinasabi kung gaano ako kahalaga kay Sebastian. Kung paano nya ako tingnan, pahalagahan at alagaan—and maybe it's not healthy anymore.
"Ano ang gusto mong gawin natin sa buong araw, Christina?" He said in his softest, mildest and most servile voice. Hindi ko sya matingnan sa mga mata sa takot kong mabasa nito ang nasa isipan ko. Tipid akong ngumiti at pinilit ang sariling makisabay sa kanya.
"H-hindi ko alam. Ikaw? Baka may ideya ka kung ano ang magandang gawin ngayon?"
Hinawakan nya ang baba ko at dinala ang aking mga mata sa kanya. He had tousled dark brown hair, which was thick and lustrous. His face was strong and defined, parang perpektong inukit ng isang magaling at kilalang sculptor. He had deep eyes and dark brows, which was sloped downwards in a serious expression. His tight jaw was an angular shape that was filled with a little stubbles—making him even more handsome. Gayunpaman, kaakibat ng magandang katangiang iyon ang kadiliman ng kanyang pagkatao, a ruthless and evil master of the organization.
"I want you to look at me when you are talking, sweetheart. I find it disrespectful kung kinakausap mo ako habang nasa ibang bagay naman nakadirekta ang iyong atensyon." He muttered softly, his warm and minty breath kissed my cheek, sending chills down my spine. Dahan-dahan akong tumango bilang pagtugon at tiningnan ang kanyang mga mata. "—and please don't ask me back with that question, Christina because believe me, if I will to decide then I will gladly take you on my bed and slam myself in and out of your glory— I guess you're not ready for that yet."
Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng aking pisngi sa narinig. Nahulog ang paningin ko sa mga labi nyang nakaplaster ang isang makahulugang ngiti.
"Huwag nating pag-usapan ang mga ganyang bagay, Sebastian. H-hindi ako komportable." I smiled politely. Tumango ito at mataman akong tinitigan.
Nasa ganoon kaming tagpo nang dumating ang isang lalaki. Nilingon ko ito at mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalangan. Ilag ang mata nito sakin lalong lalo na kay Sebastian.
"Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo kung hindi ay alam mo na ang mangyayari sayo." saad ni Sebastian na hindi man lang tinitingnan ang lalaki.
"Paumanhin po, master. Alam kong kabilin-bilinan niyong huwag kayong gambalain kapag kasama nyo ang miss ngunit gusto ko lang pong ipaalam sa inyong handa na po ang inyong mga panauhin."
Nagpalitan sila ng tingin ni Sebastian at alam kong may dalang kahulugan ang mga tinging iyon. Tila ba ay nag-uusap sila. Isang usapang hindi ko maaaring marinig.
Ilang segundo lang ay tumayo na ito kaya maging ako ay napatayo din.
"Kailangan ko munang batiin ang ating mga panauhin, Christina. Hayaan mo akong ihatid ka sa aking silid." He held my waist, igigiya na sana ako papasok.
"Hindi ba ako pwedeng sumama? Gusto ko rin na batiin ang sinasabi mong panauhin. Dito na ako titira kaya't nararapat lang na makialam ako patungkol sa bagay na iyan." Pinagkrus ko ang aking daliri sa likod. Piping nagdasal na sana ay pumayag ito.
Tiningnan ko sya at ngumiti upang sana'y kumbinsihin, ngunit bigo ako. Alam kong iba ang kanilang ibig sabihin sa salitang bisita. Marahil ay mga bihag na naman ang mga ito, nagbabakasali akong makita roon sina ina at ama, maging sina tito Bert at uncle John.
"Natutuwa akong tanggap mo narin ang katotohanang dito ka na mamamalagi, Christina ngunit hindi pa rin pwede. Maaari kang makialam sa lahat ng bagay dito sa mansyon ngunit mahigpit kong ipinagbabawal ang pakikisama mo sa usaping may kinalaman sa organisasyon. Ngayon ay bumalik na tayo sa loob." He said firmly. Lumapit sya sakin ngunit umatras ako. Kaagad kong pinagsisihan ang naging hakbang dahil kitang-kita ko ang biglaang pag-iiba ng kanyang ekspresyon. Hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.
Bago pa man sya makapagsalita ay niyakap ko na sya. Nag-iwas naman kaagad ng tingin ang lalaki.
"Pwede bang dito na lang muna ako? Ayaw ko sa loob. Wala naman ang iyong ama kaya ligtas ako dito. Hihintayin kita." Sinadya kong palambingin ang aking boses. Kaagad na lumambot ang kanyang ekspresyon at namungay ang mga mata. Hindi parin tuluyang matanggap ng utak ko na may ganito akong epekto sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang pagngiti niya.
"Kung iyan ang gusto mo ay pumapayag ako, Christina. Iiwan na muna kita sandali rito. Kung may kailangan ka man ay magtawag ka lang nang kung sinong makikita mo." Hinalikan nito ang tungki ng aking ilong. Napapansin kong naging madalas ang mga halik nito kung ikukumpara noon. Nagkibit balikat lang ako at kaagad na tumango kay Sebastian. Umupo ako sa bangko at kinawayan pa ang pag-alis ng mga ito.
Nasa ganoon akong akto hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Tumayo ako, mabilis ngunit maingat na sinundan sila. Sinisigurado ko ring hindi ako mahahalata ng mga taong nakakakita sakin. Nasasalubong ko ang kakaibang tingin ng mga tagabantay na nagkalat sa paligid. Tinging puno ng pagbabanta. Hindi ako nagpadala sa takot kahit pa nahahagip ng aking paningin ang iba't ibang armas na hawak nila.
Nagtungo ako sa likod ng mansyon. Panay ang tingin ko sa likod upang tinggnan kung may nakakapansin ba sakin. Buti na lang at busy sila sa kani-kanilang gawain kaya hindi nila napansin ang pagpunta ko sa likuran.
Nang humarap ako'y halos mapalundag ako sa gulat nang may humarang sa aking lalaki. Brusko, nakaitim at may hawak na armas.
"Bawal po kayo sa lugar na ito, miss." seryosong saad nito. Napalunok ako at binundol ng kaba ang dibdib.
"Bakit? Ano ang nasa loob at bakit bawal akong pumasok?" Dala ng kuryosidad ay hindi ko napigilan ang sariling magtanong. Nagbaba ito ng tingin. Inilapat ang armas sa dibdib.
"Huwag nyo po akong tanungin tungkol sa bagay na iyan dahil wala kayong makukuhang sagot mula sa akin, miss. Ang mabuti po ay bumalik na kayo sa inyong silid bago pa kayo makita ni master."
Nainis ako sa sinabi nya ngunit hindi ko na rin ito pinilit pa. Tumalikod ako sa kanya at naglakad pabalik sa pinanggalingan ko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang nilingon kong muli ang lalaki na kasalukuyang pumapasok sa gate, papasok sa isang silid. Muli akong humarap at sinundan ko ito papasok.
Maiingat ang aking bawat galaw. Malayo pa lang ay rinig ko na ang nakakapangilabot na sigawan sa loob. Dinalaw ako ng kaba at pinagpapawisan na rin. Isang impit na iyak ang sunod kong narinig at base sa naging sigaw nito ay nakikinita ko ang sakit na nararamdaman ng kung sino mang nasa loob.
Nanlalamig akong lumapit sa bahagyang nakasiwang na pinto.
"Alam mo ang kaparusahang ipapataw sa inyo ng pamilya mo kapag nangahas kayong labagin ang omerta!" Sebastian roared, his voice was like thunder, malakas at malalim.
Sinilip ko ang nangyayari sa loob at kaagad napatakip sa bibig upang supilin ang pagsinghap sa nasaksihan.
Tatlong lalaki ang duguan at nakabitay patiwarik ang bumungad sa paningin ko. Puno ng dugo ang punit nilang mga damit. Nakatalikod sila sa kaya't hindi ko makita ang kanilang mga mukha.
I was trembling in fear. They are holding a long and thick iron that was filled with thorns.
Si Sebastian ay nakaupo sa isang bangko at tinitingnan ang mga nangyayari habang sumisimsim sa hawak nitong alak. Ibang-iba ang Sebastian na kasa-kasama ko at ang Sebastian na nasa loob ng silid. Kita ko sa mga mata nito ang kasakiman na wari'y pumapatay na sa simpleng titig pa lamang.
"H-hindi po ako kasali sa mga lumabag sa omerta, master." nanghihinang saad ng lalaki ngunit tila walang narinig si Sebastian. May iminuwestra ito sa kanyang mga tauhan. Tinapunan nila ng tubig ang mukha ng lalaki bago pinagpapalo. Nanlaki ang mga mata ko at natulala. Tila ba ay nagkaugat na ang aking mga paa sa kinatatayuan. Hindi ko kayang makita ang ginagawa nilang pagpapahirap sa lalaki.
"Hindi ka ba talaga aamin?" mahinahong sabat ni Sebastian. Itinaas nya ang kanyang palad at mukhang nakuha naman ng iba ang nais nyang iparating. Nagsitigil ito sa mga ginagawa at binigyan ng daan si Sebastian palapit sa lalaki.
"Nagmamadali ako ngayon dahil may importanteng taong naghihintay sakin kaya wala akong planong patagalin pa ito. Maswerte ka dahil mapapaaga ang kamatayan mo, kung nagkataong wala akong kailangang atupagin ngayon ay mas masakit pa dyan ang aabutin mo." makahulugang saad niya.
Tumakas ang mga dugo sa mukha ko nang makita ang pagbunot ni Sebastian ng baril. Ikinasa nya ito at itinutok sa ulo ng lalaki. Nanginginig ang mga labi ko at nanlalamig ang mga kamay. Umatras ako upang sana'y umalis ngunit sa hindi sinasadya ay naapakan ko ang isang lata ng beer, lumikha ito ng ingay.
Natigilan ako. Mga yabag ng paa ang aking sunod na narinig kaya mabilis akong tumakbo palayo. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga nakakakita sakin.
Bumalik ako sa kung saan ako iniwan ni Sebastian at umupo sa bangko. Tinuyo ko ang sariling pawis at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Madiin kong naikuyom ang aking mga kamay. He's cruel. Hindi ko alam na ganun pala ang mga ginagawa niya.
Nanggilid ang luha ko ng maalala sina ina.
"I'm sorry kung natagalan ako, Christina." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Sebastian. Nahulog ang paningin ko sa kanyang mga kamay. Ang mga kamay nyang kayang pumatay ng tao sa isang putok lang ng baril nito.
"O-okay lang," saad ko at pilit na ngumiti. Ayaw kong malaman nito ang ginawa ko. Lumapit sya sakin at umupo sa kabilang bangko.
"Naglibot ka ba?" He asked softly. Kinakabahan akong umiling. Mataman nya akong tiningnan at kita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung alam ba nito ang ginawa kong pagsunod sa kanya. Kagat ko ang aking dila at kinurot-kurot ang aking hita upang ibaling ang atensyon sa sakit na dulot nito. Unti-unti syang ngumiti kaya napabuga ako ng hangin at tipid ring ngumiti sa kanya.
Tumayo sya at lumapit sa akin. Itinayo nya ako at niyakap.
"Alam kong nandoon ka kanina at nakita mo ang ginawa ko." saad nitong dahilan kung bakit ano nanigas. Alam nya! Sinubukan kong kumalas sa yakap nito at itulak sya ngunit hindi ko nagawa sapagkat mas lalo lang dumiin ang mga braso nya sa bewang ko.
"But I forgive you, Christina. I forgive you because you are too precious to me. Palalampasin ko ang ginawa mo dahil alam kong natangay ka lang ng iyong kuryusidad. Don't be afraid of me, Christina. I hate it when you are shaking in fear. I promise that I am not going to hurt you— not until you decide to love someone else. "
---mimi