APOLOGY "Alam mo ba kung nasaan si Sebastian?" Tanong kong muli sa isa sa mga tauhang nakabantay sa labas ng silid na kinaroroonan ko. Marahas akong napabuga ng hininga nang walang makuhang sagot mula rito. Nakayuko lang ito at talagang hindi ako pinapansin. Kanina ko pa ito tinatanong sa kung saan si Sebastian ngunit sadyang matigas ito at ni ayaw man lamang akong sagutin. Nagsisimula na akong mainis sa inaasta ng mga tao dito sa loob ng mansyon. "Kung ako saiyo ay hindi ko gagawin ang ginagawa mo ngayon—"saad ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko si Jessica na nasa hamba ng pinto sa katabing silid na inuukupa ko. "—Hindi ka dapat na lumabas sa iyong silid. Hindi ka rin pwedeng makipag-usap sa mga tauhan dito sa mansyon lalong lalo na sa mga lalaking tagabantay. Isa iyan sa mga ali

