CHANEL'S POV
"Congrats Chaaaa!!!"
"Deserve mo talaga yung position"
"Congrats President, yieeeee"
Nanalo ako, I am happy, but I am somehow sad.
Alam kong hindi ko kasalanan, pero I feel really bad for Gwen, kahit hindi kami magkaibigan, I feel really bad for her.
FLASHBACK
"Who is in favor of Chanel Monette to be the Class President?" tanong ni Miss Lavigne.
Agad nagtaasan ng kamay halos lahat ng mga kaklase ko, maliban lamang kay Gwen at Angela.
"Wow! Majority wins so, the election is done, Chanel is now our Class President and Letisha is our Vice President." Tumingin sakin si Miss Lavigne bago magsalita ulit.
"I will leave you to discuss your rules and regulations Chanel." aniya
"Y-yes Miss" nag aalangang sagot ko.
Nang makaalis na si Miss, ay biglang umingay ang klase. Samu't saring opinyon ang naririnig at lahat yon ay pabor saakin.
"Buti nalang nanalo si Chanel" si Derrick.
"Ano ka ba dre? Obvious na yun, ano namang panama ni Gwen jan kay Cha" sagot naman ni Alex.
"Kung si Gwen nanalo, hindi talaga ako magtitino HAHAHAHAHA" si Wayne
Saglit kong tinignan si Gwen, bakas sa mukha niya ang inis.
"Uyy bespren, punta ka na sa harap" bulong sakin ni Tofer.
Oo nga pala, nawala sa isip ko.
Nagtungo na ako sa harap.
Isa isa kong nilatag ang aking mga rules, na siya namang sinang ayunan ng aking mga kaklase maliban kay Gwen at Angela na kanina pa ako iniirapan, lahat ay binigyan ko ng pagkakataong magsalita at ilahad ang kanilang mga opinyon, naging maayos ang lahat hanggang sa..
"Do you really think you deserve that? Come on, they've picked you out of pity, how pathetic" biglang sabat ni Gwen.
Napatahimik ang lahat, ako mismo ay hindi makapagsalita, hindi ko kasi ugali ang makipagsagutan, mas pinipili ko na lamang hindi magsalita. Oo, masakit, pero ganito talaga ako eh.
"Hoy Gwen, Chanel deserved to be on that position, in fact ikaw nga ang hindi deserve maging Vice President eh, bakit kasi ikaw pa ang ninominate niyang kaibigan mong kapareho mong walang silbi" sabi naman ni Alex, bakas sa tono ng boses niya ang inis.
"Can't you see? Ikaw ang nakakaawa, iisa na nga lang bomoto sayo nakukuha mo pa magyabang" si Trixie.
"So ayun lang muna guys, I will be discussing more once I see things that needs to be improved" sabi ko na lamang upang matigil na ang bangayan, saka ako bumalik sa upuan ko.
"Sabihin mo lang, sasabunutan ko talaga yan para sayo" ani Ysha.
Tumawa na lamang ako.
END OF FLASHBACK
Dalawang teachers pa ang nameet namin, pero so far, wala pa naman silang pinapagawa, puro pagpapakilala lamang dahil pareho silang bago lang.
*RIIIIIIIIIING
Lunch Break na pala, bilis ng oras, hindi ako nakapagrecess kanina kaya medyo nagugutom na ako.
"Cha, Trix, san tayo? Parang gusto ko ng shrimp, tara dun sa Chinese Restaurant sa labas, gusto ko yung shrimp pasta nila don" pag aaya ni Ysha.
"Sige, libre ko ngayon, kayo bukas ha hihi" sagot naman ni Trixie.
"Sige" tipid na sagot ko at saka ngumiti.
Nagsend muna ako ng text kay Tristan, bago kami lumabas ng classroom.
Kung nagtataka kayo kung bakit katext ko lang ang boyfriend ko, hindi kami nasa iisang school, sa Province siya nag aaral, habang dito naman ako sa Manila, nagkikita kami once or twice a month, almost 2 years na din kaming in a relationship. We trust each other so much.
Gaya nga ng napagplanuhan ay kumain kami sa isang Chinese Resto, si Ysha na ang hinayaan kong mag order dahil tinatamad ako, iniisip ko parin yung nangyari kanina.
"Huy Cha, wala ka imik jan, iniisip mo parin ba yung nangyari kanina?" Si Trixie. Tss, kilalang kilala talaga nila ako.
"Oo nga, wag mo na kasi yung isipin, alam mo naman yung bruhang yon, di niya lang matanggap na ikaw ang gusto ng lahat" dagdag naman ni Ysha.
"Pero kahit ganun siya, hindi niya parin naman deserve na masabihan ng ganun diba?" malungkot na sambit ko.
"Ayan, kaya ka niya laging inaaway kasi ganyan ka, ang bait bait mo masyado kaya akala niya kayang kaya ka niya" sabi ni Ysha habang tinuturo turo pa ako.
"Kayo talaga, kain na tayo, anjan na yung order o" sabi ko sabay turo sa paparating na waiter.
Nang matapos kaming kumain, nag aya pa si Ysha na mag milktea kaya dumiretso kami sa favorite naming milktea store.
Nakaupo kami at hinihintay ang order nang biglang magsalita si Ysha.
"Si bespren mo oh, kasama jowa niya" aniya.
"Yan ba jowa niya? Di naman sila bagay, mas bagay pa kayo Cha, yieeeeeeee" pang aasar ni Trixie.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang, to naman, mas bagay kayo ni Tristan, oh ayan? Happy?"
Nang makuha namin ang order namin, hindi na kami nag stay pa sa store, naglakad na kami pabalik sa school.
15 minutes pa bago matapos ang lunch break nang makarating kami sa school, nangangati ako pero hindi ko nalang pinansin.
"Ayos ka lang Chanel?" Nag aalalang tanong ni Tofer. Andito na pala siya, di ko man lang napansin ang pagdating niya.
"H-Ha? Oo naman" nag aalangang sagot ko, medyo namamaos ang boses ko.
Iniangat niya ang mga kamay ko.
"Namumula ka oh" bakas ang pag aalala sa mga mata niya.
Shucks yung shrimp pasta, allergic nga pala ako dun, naman oh sobrang lutang kasi eh.
"Wala yan, okay lang ako" sabi ko na lamang.
"Sigurado ka ha?" Aniya pa.
Tumango na lamang ako.
Few minutes have passed at nararamdamn kong nahihirapan na akong huminga.
I was trying to stay calm para hindi nila mahalata pero di ko na kaya.
Kinalabit ko si Ysha na busy sa pakikipagchismisan kay Trixie.
Agad niya naman akong nilingon.
"Omg Cha!" Sigaw niya.
"Huyy ipunta natin siya sa clinic, namumutla siya oh." nag aalalang sabi naman ni Trixie.
Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Tofer.
"Kaya ko maglakad Tofer, ibaba mo nalang ako" sabi ko sakanya habang pinapadyak ang mga paa ko sa hangin.
"Shut up!!" pagalit na sambit niya, seryong seryoso ang mukha niya, malayo sa lokong Tofer na kilala ko, hindi na lamang ako nagsalitang muli dahil baka lalo siyang magalit.
Pero..
Bakit ba siya nagagalit saakin? Tss.
Marahan niya akong inihiga sa clinic bed.
Agad naman akong chineck ng school nurse at tinanong tanong ako.
I told her na allergic ako sa shrimps at nakakain ako ng shrimps kanina.
Tsk tsk, bakit ba hindi ko yun naisip kanina?? Tsk.
Binigyan niya ako ng gamot at agad ko naman iyong ininom.
"Tsk, bakit mo pa kasi yon kinain, alam mo naman palang allergic ka don?" Aniya.
Magsasalita sana ako pero biglang dumating sila Ysha at Trixie dala dala ang bag ko at bag ni Tofer.
"Wala na daw tayong classes ngayong hapon, bukas na daw magstart yung lessons." Si Ysha.
Inabot nila ang bag ni Tofer, kinuha niya naman ito saka bumaling saakin.
"Una na ako ha? Pagaling ka agad, see you tomorrow." Sabi niya saka tinignan sila Ysha at Trixie.
"Una na ako." Aniya sakanila at ngumiti.
"Ingat" sabay naman nilang sagot.
...
Natapos na ang first day of classes.
First day palang, ang dami na agad nangyari, haaaaaaay.
Alas nuebe na ng gabi ng mapagdesisyunan kong matulog.
Nagsend muna ako ng goodnight message kay Tristan saka ako umayos ng higa.
Papatayin ko na sana ang bedside lamp ko nang biglang magvibrate ang cellphone ko.
Unknown Number:
Hi Cha☺️