Chapter 1

920 Words
CHANEL'S POV "Chaaaaa!! Gising na, tanghali na!" Napabalikwas ako nang tawagin ako ng papa ko upang bumangon, tsk. Agad kong dinampot ang cellphone ko at tinignan ang oras. 7:38??? Alas otso ang klase ko, tsk, malalate ako unang araw ng klase, galing mo talaga Cha! Nagtype muna ako ng text kay Tristan, ang boyfriend ko bago ako tuluyang naghanda para pumasok. ... "Chanel!!!!" Papasok na sana ako sa gate ng school nang may tumawag sakin na agad ko namang nilingon. Si Ysha lang pala, bestfriend ko. "Ingay mo talaga, tara na late na tayo" Tumawa siya sa sinabi ko. "Wala din naman tayo gagawin ngayon eh, first day palang huy" "Kahit na, tara na nga" Pagdating namin sa classroom, as expected, ay wala ngang teacher, magulo ang mga upuan at lahat ay may kanya kanyang mundo. Napalingon lamang sila sa pagbukas namin ng pinto. "Uyyyyy bespreeeeen!! Namiss kita, tabi tayo ha" ani Tofer, 'bestfriend' ko. Actually, di naman talaga kami magbestfriend, lagi niya lang akong inaasar, pero mabait talaga yan. "Hi Cha!" "Goodmorning Cha!" Bati saakin ng mga kaklase ko, nginitian ko lamang sila. At tuluyan nang umupo sa tabi ni Tofer. Napag gigitnaan ako ni Tofer at Ysha, sa tabi naman ni Ysha ay si Trixie, kaibigan ko din. Pansin ko lang, kanina pa ako nagpapakilala ng iba, hindi niyo pa nga pala ako kilala. I'm Chanel Monette Monteverde, 17 years old, Grade 12 student sa Damien University. Nakikipagtext ako kay Tristan ng biglang pumasok ang adviser namin. "Goodmorning Miss Lavigne" sabay sabay naming bati sakanya. "As your classmates from Grade 11 is retained, I suppose magkakakilala na kayong lahat, so there is no need for you to introduce yourselves." "Yes Miss" sabay sabay naming sagot. "Since you already know each other, as early as now, we can choose our Class Officers, shall we?" Gaya nga ng sabi ni Miss Lavigne, nagsimula na kaming magbotohan kung sino sino ang magiging class officers. "Uy Cha, ikaw President ha? Nominate kita" si Alex. "Ha? E kasi..." yan lang ang tanging naisagot ko. "Sige na, kaya mo yon, ikaw pa" dagdag niya pa. Siniko naman ako ni Ysha at saka nginitian ng nakakaloko. "Kunwari ka pa eh" aniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya agad naman siyang tumigil. Sinimulan na namin ang pagboboto, nagsimula kami sa mas mababang posisyon papataas. PRO: 1. Jeah Perez 2. Steve John Zamora AUDITOR: Chloe Shane Sanchez TREASURER: Samantha Uzon SECRETARY: Mark Yvo Cruz Yan pa lamang ang napagbobotohan namin ng biglang magbigay ng suhestiyon si Tofer. "Miss, di po ba tayo magvovote ng muse at escort?" Aniya. Nagtawanan ang lahat at sinang ayunan ang loko. "Oo nga Miss, mas maganda para may representatives na tayo agad pag may pageant" "Si Chanel nalang muse natin para sure win tayo kung sakali" "Ano ka ba? President natin yan" "Beauty and brain pa naman si Cha, sayang, pero ayos lang yan President nalang natin siya para maayos ang classroom" "Oo nga di kagaya last year nung si Gwen yung.." Natigilan sila sa kanilang diskusyon ng magsalitang muli si Miss Lavigne. "Okay okay, stop that, choose your muse and escort then" Napatingin na lamang ako kay Gwen, at nagulat ako ng nakatingin din pala siya saakin. Nagtama ang paningin namin, at inirapan niya ako, agad na lamang akong nag iwas ng tingin at hindi na nagsalita pa. Letisha Gwen Morga, hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya saakin, not a day passes na hindi niya ako iirapan, papatirin, itutulak or whatever it is to ruin my day. Matalino siya, she was last year's Class President kasi hindi pa kami masyado magkakakilala noon, but everyone hated how she handled our class, everyone hates her attitude. She sees me as her number 1 rival. Everyone knows kung paano niya ako i-bully, and everytime she does it pinagtatanggol ako ng lahat. And she hates it so much. Sabi nila saakin i-report ko na daw yung mga ginagawa niya saakin but I know it would trigger her even more kaya hinahayaan ko nalang siya. Anyway... Si Imara ang muse at si Wayne naman ang naging escort. Napuno ng tuksuhan ang classroom namin ng matapos ang botohan para sa escort at muse. "Ayieeeeeeeee, Imaraaaa" "Uyyyy Wayne, escort, iba talaga pag pogi" "Wayne Regala, Mr. Pogi ng Section A" Ilan lamang yan sa mga asaran nila, natatawa na lamang ako sa kalokohan nila na pinangunahan ni Tofer, tsk tsk. "Dapat kasi si Chanel nalang at si Tofer ang escort at muse natin" sambit ni Wayne na saglit na ikinatahimik ng lahat. Binato ni Tofer si Wayne ng ballpen saka nagsalita. "Dami mong alam ulul, tumigil ka nga jan!" aniya, tinignan niya ako saglit ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin. Hindi naman lingid sakanila na may boyfriend ako at may girlfriend si Tofer, ewan ko ba, ganyan silang lahat saamin. "Enough Class, let's now vote for our President and Vice President" ani Miss Lavigne. "To make it more exciting we will have 2 candidates, the one who gets more votes will be President and the one with less votes will be the Vice President" dagdag niya pa. "Okay Miss" sagot nilang lahat, maliban saakin at kay Tofer. "Okay then, let's start the nomination." Agad na nagtaas ng kamay si Alex at gaya nga ng sabi niya kanina, ako ang kanyang ni-nominate. "Miss, I respectfully nominate Chanel Monette Monteverde." aniya. "Okay, we need another nominee." Nagtaas ng kamay si Angela, matalik na kaibigan ni Gwen. "Yes, Angela" "Miss, I respectfully nominate Letisha Gwen Morga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD