Guro ang s'yang humuhubog sa kakayanan ng bawat kabataan. Paaralan ang nagiging sandalan ng bawat mamamayan, ngunit bakit ang paaralang ito ang mukhang sisira sa kinabukasan ng mga kabataan.
***
Hindi ko na alam kung ano ang nagyari kay Alex, dahil s'ya lang ang pinapunta sa office ng teacher at kaming mga nagsilabas ay pinabalik sa classroom at bilang parusa hindi kami makakapagbreak sa loob ng isang linggo. Pati ang mga hindi naman lumabas ay nadamay. Pero wala nadin naman silang magagawa dahil nangyari na.
"Tol, ang pinoproblema ko kung ano yung magiging parusa kay Alex" rinig kong sabi ni Adrian, tropa ni Alex.
"Sabi ko kasing 'wag munang lumabas at andyan pa yung ibang star class pero hindi nakikinig" inis nyang dagdag
" Tol, sa tagal ko dito sa Star Knight Academy ngayon lang nangyari to. " bida naman isang kaibigan.
Nakapalibot silang parang mga tambay sa kanto, kulang nalang magkaroon ng alak sa pagitan nila at humawak sila ng mga sigarilyo. May tinatago din palang ka-chismisan ang mga lalaki kala ko mga babae lang. Wow, new information unlocked, Alliahn. Good job!
"Same tol. Ayon pa naman laging binibilin sa atin." pagsingit ni Yuhan
"Ano bang meron don sa mga star class na yon, kung maka asta kala mo hari ng academy e pare-parehas lang naman tayong nagbabayad ng tuition!" singit ng isa.
"Bobo, hindi ka talaga nakikinig sa mga orientation cezar no? Taon taon namang sinasabi yan." sagot ni faith napabalikwas naman yung tingin ng halos lahat sa kanya at isa na ako don.
Kung nagtataka kayo kung asan ako, andito ako sa upuan ko syempre, pero nakatingin ako at nakikinig sa usapan nila. Hindi naman ako pwedeng makisali aba, ano ba naman alam ko jan e, kaka transfer ko lang naman tas late pa ng 1 week. Tas ganto pa yung 1st day ko, hanep mukhang madami akong mahihitang knowledge dito ha, este chismis. Jusko, doctor po pangarap ko hindi maging chismosa.
"Diba nga, pag nakapasok ka sa star class libre kana sa lahat?!" proud n'yang pagkakasabi, habang naka cross pa ang dalawa nitong braso, at nakataas ang isang kilay. " Wala kang babayarang maski piso sa tuition mo, pati libro, pati kakainin mo sa canteen o sa cafeteria. "
Wooooo, this information is such a good one huh? Akala ko hanggang comfort room lang sakop nila, lahat na ata. Gaano ba kahirap and pagre-represent ng academy para magkamtan nila yung gantong klaseng benefits? Nag co-compete ba sila internationally? Huh.
"Hindi lang yan, pwede pa sila maglabas pasok sa oras name gusto nila. Hmm?!" balik and tingin n'ya Kay Cezar "Alam mo na ngayon? O gusto mo, ulitin ko ulit para tumanda sa kokote mo?!" pagtataray n'ya "Kayo may tanong pa ba kayo?" malakas n'yang sabi pero walang umimik, ang mga tumingin sa kanya kanina ay nagsibalik sa kani-kanilang ginagawa kanina. Napansin kong kumunot and noo n'ya kinalampag n'ya pa yung malapit na upuan.
"Balita ko, big time pa nakabangga n'ya." balik na kwento ni Yuhan. "Siya daw yung nag top 1 last year nung ginanap yung exam. Iyon yung sabi ng tropa kong nasa higher year at sa pagkakatanda ko hehe" sabay peace sign
" Kawawang Alex, kahit anong pagpapaliwanag ang gawin n'ya for sure di s'ya papakinggan mas pabor ang academy na'to sa nagbibigay credentials sa kanila ano ba naman laban ni Alex? E puro gulo lang dala n'ya" pabirong sabi ni Adrian kahit medyo pabiro, nakikita ko paring andon ang pag-aalala n'ya Kay Alex. Hindi ko alam kung gaano na sila katagal magkaibigan ang alam ko lang at nakikita ko ay totoo ang pagsasamahan nila, na totoo siya sa kaibigan n'ya.
"Pinigilan ko naman s'ya makulit talaga, baka masuspend pa 'yon lagot ako kay tita" sabay kamot n'ya sa ulo. "Tigas kasi ng ulo"
"Kaya pati kaming nananahimik nadamay, dahil sa kayabangan at katigasan ng ulo ng tropa nyo!" sabat ni Faith sabay irap kay Adrian.
"Hoy babaeng manok tumahimik ka na nga jan."
" Ano sabi mo? Mukha ba akong manok? Sa ganda kong 'to? Ang kapal ng mukha mo!"
"Medyo may itsura ka naman, pero yung bunganga mo kasi putak ng putak" pang-aasar n'yang sabi habang tinatakpan yung magkabilaang tainga.
Hindi na umimik si Faith, at naiiyak na dumukdok sa desk. Woo, wala man lang umawat sa nangyayari. Ito ang unang beses na naranasan kong may nag-aaway sa loob ng classroom. Medjo exciting, at the same time nakaka-disappoint. Napaka memorable naman ng first day ko. Ayos!
***
Kalahating minuto nadin ang nakalipas, mula ang nangyari kanina pero hindi padin nakakabalik si Alex. Hindi naman sa pagiging chismosa, pero na cucurious lang ako kung ano na ang nagyari. Hindi nadin kami pinasukan ng teacher namin sa math. Reason? Hindi ko alam, baka tinamad. Kaya puro chismisan lang ang nangyari, yung iba hinuhulaan kung ano yung parusa kay Alex yung iba pinagpupustahan pa. Pero yung iba wala namang pakialam.
"Piling ko, pinag community service s'ya" wika sakin ni Cris
Nagkibit balikat nalang ako, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko na magmumula sa bibig ko. Pero may point si Cris baka nga, dahil kalahating oras na syang wala. Baka pinaglinis s'ya ng office. Kung ganon, mababaw lang naman pala pero at some point Alex do not deserve it, s'ya yung dehado dahil pinatid daw talaga sya ng lalaking star class. Iyan yung mga naririnig kong usapan dito sa classroom.
"Wooy, si Alex anjan na!!!" sigaw ng isa naming kaklase, agaran namang nagpunta sa pintuan ang mga barkada n'ya para salubungin s'ya. Napansin ko rin na nagsipagtayuan yung iba kong mga kaklase, out of curiosity? Dahil ngayon lang nagkaroon ng incident na ganon daw syempre kahit sino naman duhh or baka gusto lang makasagap my chika pero anyways halos lahat kami interisado sa sasabihin ni Alex except kay Alfred yung lalaking nakasalamin parang wala lang sa kanya ang mga pangyayari. Hindi ba s'ya interisado?
"Huy" tapik sakin ni Cris "ganyan talaga yan" pagkakasabi niya mukhang alam ko na ang tinutukoy n'ya dahil kay Alfred lang naman ako nakatingin. "Kung hindi libro ang hawak, nakadukdok lang or nakatingin sa labas"
"Loner? Pa mysterious guy?"
"Loner? Ahmm, siguro kasi hindi ko pa s'ya nakikitang may kaibigan. Pero matalino naman, saka ang hot noooo?"
"tsk"
Binalik ko ang tingin ko sa mga nagkukumpulan andon lahat ng barkada ni Alex, tas syempre yung ibang nakiki-echoso din.
"Tol anong nagyari? Suspended kana ba?" sabik na tanong ni Adrian
Nakita kong napakunot pa ang noo ni Alex at umuwang ng unti ang mga labi nito. Halatang nagtataka kung ano ang pinagsasabi ng kaibigan.
"Oo nga, ano pinag-community service kaba? Gaano katagal, gusto mo tulungan kita?" offer ni Cezar
" Oo nga alam mo namang tropa tayo ditto! " rinig kong sabi ng iba.
"Potek, ano ba mga pinagsasasabi nyo?! " sigaw ni Alex na halatang naiinis "Saka isa pa, lumayo-layo nga kayo sakin ba't ba nagkukumpulan kayo sa tabi ko ang init-init dikit kayo nag dikit" hinawi n'ya yung mga kaklase naming nagkukumpulan sa harap n'ya at naglaka papuntang upuan n'ya nadaanan n'ya ako at huminto saglit tas naglakad lang ulit. Weird.
"Tol, ano wala kabang matandaan kung ano nangyari?" tanong ni Adrian
"Huh? ano bang pinagsasabi mo"
"Bobo, inutil gaano ba kahirap yung pinagawa sayo para malimutan ang nangyari huh?!" sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan "O baka nahihiya ka lang sabihin? Hahahha pinaghubad kaba tas pinaikot ng sampung beses?! " nakangising dagdag nito. Nagsipagtawanan naman ang halos lahat ng kaibigan neto, pati narin yung ibang mga kaklase namin.
"Gagooo" sabi nito habang nakangisi sabay pitik sa tenga ni Adrian "Ano naman tingin mo sakin?! Papayag ako sa ganon" habang nakangisi at tumingin sa kung na saan ang direksyon ko.
"E, ano? Tol, concern lang kami sayo" seryosong pagkakasabi ni Adrian "Saka ngayon lang may eksenang ganyan, bigatin pa nadali mo"
Inayos naman ni Alex yung pagkaka upo n'ya at nagsipag ayos din ang mga nakapalibot sa kanya na parang handang-handa ng makinig. Yung iba napapalunok pa, sobrang naging seryoso ang naging presensya nila. Napahawak pa si Cris sa kanang braso ko. Maski ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, naghihintay nalang ng sasabihin niya.
"Wala." maikling sabi nito rinig at kita ko ang pagkadismaya no halos lahat ng nakapalibot said kanya.
"Panong wala, e mahigit kalahating oras kang nawala tapos wala lang? " sabat ni faith sa pagkakataong ito halos lahat ay sumang-ayon sa kanya. Yung iba tumatango-tango pa na nagpahiwatig sumasang-ayon sila.
Kung tutuusin may point ang bawat sinasabi ni Faith, magmula kanina pa. Hindi s'ya masyadong nakikipag participate sa diskasyon pero pag tinatanong s'ya lagi s'yang may naisasagot. Hindi lang pala ganda ang meron s'ya may utak din. Iyon nga lang may pagka maarte at maldita lays siguro kinakainisan s'ya.
"Ganto kasi" paunang salita niya lahat ng kanina pa naghahanap ng kasagutan napabalik ang tingin sa kanya "Tang-ina! Ilayo n'yo naman ng unti mga mukha n'yo mamaya magkapalitan tayo!" seryosong pagkakasabi nito na s'ya namang ginawa ng mga ito.
"Sa pagkakatanda ko, matapos ang eksena namin ng star class na kasalanan naman nang hayop na lalaking iyon!" galit na paninisi n'ya "pinapunta ako ni Mrs. Eve sa office hindi ko nga alam bakit ako lang, aba hindi ko naman talaga kasalanan diba? " pagkakasabi n'ya na tinanguan naman nilang lahat. " pero wala akong nagawa kundi sumunod nalang, pagka dating ko sa office nandoon si Ms. De Guzman pinaupo ako sa upuan para kausapin at tanungin at pagsabihan diko ko nga alam kung bakit e obvious namang wala akong kasalanan. Tas iyon lang wala namang ibang pinagawa sakin." seryosong sabi nito.
Halos lahat nadismaya sa narinig nila. Kahit ako, andami pa namang naging conclusion kung ano mangyayari sa kanya tas wala lang pala.
" So, mahigit kalahating oras ka nawala, iyon lang?" sabi ni Adrian sabay kamot sa ulo niya. "Akala ko naman exciting na"
"Ahhh, iyon ba?? HAHAHAA" tawa n'ya ng malakas "May nadaanan kasi akong grupo ng mga star class, at may nalaman ako. " seryosong pagkakasabi nito.
Ang mga nawalang atensyon kanina ay biglang bumalik sa kanya.
"Ano?" seryosong pagkakasabi ni Adrian natahimik ang lahat at naghihintay sa sasabihin nito. Halatang halos lahat ay interisado pagdating sa star class ganon ba sila kahalaga?
"eto, atin-atin lang to. " habang ginagalaw ang mga kamay neto. "Ang mga star class ay----"
Booooom boooooom boooom malakas na kalampag ang nagmula sa gilid ng classroom. Napatingin ang lahat sa ginawa niya, wooo. It's Alfred, yes si Alfred ang kumalampag. I thought wala s'yang paki alam sa nangyayari.
"Go, back to your proper sit" pagkakasabi nya, hindi ko alam pero the way he said those words talagang mapapasunod ka. He has authority that coming from his voice. Yung iba, nagsipag balikan sa kani-kanilang upuan yung iba parang walang narinig.
"Ano ba problema mo?" maangas na tanong ni Alex at bigla s'yang tumayo para harapin si Alfred.
Woo-hoo away nananaman ba'to?
"Wala, ginagampanan ko lang pagka Presidente ko sa classroom na ito. " maangas na pagkakasabi nito habang naka-upo ng matuwid
"Kailan kapa nagkaroon ng paki-alam sa klaseng ito? E, maski isa ngang pangalan samin wala kang kilala" nakangisi nitong sabi
"Alex" pagkakasabi neto at biglang napangisi.
"Ayaw, mo bang i-share ko yung nalaman ko?" panghihikayat neto na may halong pang-iinis napatayo naman si Alfred at tinignan lang s'ya sa mata.
Wala man lang naglalakas umawat sa dalawa kulang nalang may lumbas na mga kidlat sa pagitan nila.
"Sa oras, na malaman ng dean yang sasabihin mo sa tingin mo hindi kami madadamay?" diretsyang pagkakasabi neto. May point naman s'ya sa nangyari nga lang kanina hindi na kami makakapag break ng 1 week ano pa kaya kung iba pa.
"Tama!" rinig kong sabi ni Faith na akala mo hindi nakiki-sagap ng information kanina.
"Chill, mga tol" biglang singit ng isa, witzary ata pangalan neto.
"Pag may narinig pa akong pinag-uusapan ang star class di ako, magdadalawang isip na i-report kayo" seryosong pagkakasabi neto.
Ngumisi lang si Alex, at biglang umupo. Nanatili namang nakatayo si Alfred ng ilang minuto at umupo din.
Hindi ko naiintindihan kung ano na ang nangyayari, hindi ko mapagtagpi-tagpi. Wala naman nang naglakas loob para tanungin si Alex kung anong ang nalaman n'ya
Lumipas ang oras pero hindi na nabukasan and topic tungkol dito, di naman na kami pinasukan ng last teacher namin. Kaya kanya-kanyang libang nalang ang nagyari 'yong iba nagsisipag cell phone nalang yung iba nakikipag-kwentuhan tas yung iba natutulog.
Pero hindi padin mawala sa isip ko kung ano and nalaman n'ya. Gusto kong itanong pero ayaw ko namang magmukhang echosera. Ano pa ba ang meron sa inyo, star class. And interesting naman ng first day ko.
***