Chapter 1 — CHEERS TO FOREVER (1)
DISCLAIMER:
A Second Chance at Forever is a work of pure fiction. All characters, names, places, events, and situations are products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons or events is purely coincidental.
This story contains mature themes, relationship conflicts, emotional situations, and scenes intended for mature readers. Please read with discretion and according to your comfort level.
And one more thing—
This is a reverse romance.
Most love stories end with:
“Will you marry me?”
But this one begins there.
Welcome to Aziel and Clarine’s story. 💙
Happy reading!
GABI NA NANG MATAPOS ANG SHIFT SA HOSPITAL.
Halos sabay na lumabas ng building sina Clarine at Athena, kapwa pagod ngunit hindi pa rin nauubusan ng tawa.
“Hindi ko talaga makakalimutan ang mukha niya kanina,” natatawang sabi ni Athena habang nakasabit ang braso niya sa braso ni
Clarine. “Akala mo may ginawa tayong krimen dahil lang hindi natin agad nakuha ’yung chart.”
Napailing si Clarine.
“Intern tayo. Trabaho nilang pagalitan tayo.”
“Hindi gano’n kalala.”
“Mas malala pa nga.”
Muli silang nagtawanan.
Matagal nang magkaibigan sina Clarine at Athena. Magkasama sila sa halos lahat—mula college hanggang sa mga duty na halos wala nang pahinga, examinations na puno ng stress, at mga gabing pareho na nilang gustong matulog kaysa makipag-usap sa kahit sino.
Ngayon, pareho na silang nasa residency training.
At kahit nagbago na ang buhay nila, parang wala pa ring nagbabago sa kanilang pagkakaibigan.
“Gusto mo bang kumain?” tanong ni Athena.
“Gusto ko nang matulog.”
“Predictable.”
“Pagod ako, Athena.”
“Okay, fine. Hatid na lang kita.”
“Hindi na. Kaya ko na.”
“Sure ka?”
Tumango si Clarine.
“Mag-drive ka nang maingat.”
“You too.”
Saglit siyang niyakap ni Athena bago sila tuluyang naghiwalay.
"Text mo ako pagdating mo.”
“Okay.”
Papasok na sana si Clarine sa parking area nang mapansin niya ang isang lalaking naghihintay malapit sa isang itim na sasakyan.
Si Dino.
Executive assistant ni Aziel.
Bahagyang kumunot ang noo ni Clarine habang papalapit.
“Dino? Nasaan si Aziel?”
“May inaasikaso pa po sa office, Doc Clarine. Sinabi niyang ako na muna ang sumundo sa inyo.”
Tumango siya.
“Okay.”
Wala na siyang ibang sinabi.
Karaniwan, si Aziel ang naghahatid sa kanya sa hospital at, kapag hindi hectic ang schedule nito, siya rin ang sumusundo sa kanya pagkatapos ng duty.
Ngunit hindi na iyon pinag-isipan pa ni Clarine.
Kung may isang bagay siyang alam tungkol kay Aziel, iyon ay ang pagiging abala nito sa trabaho.
Pagkapasok niya sa sasakyan, nag-vibrate ang phone niya.
Kinuha niya iyon mula sa bag.
Aziel.
Napangiti siya nang makita ang pangalan sa screen.
Binuksan niya ang message.
Honey pie, I'm still stuck at the office.
Bahagyang umiling si Clarine.
Muli na namang ginamit ni Aziel ang paborito nitong tawag sa kanya.
Nag-type siya ng mabilis na reply.
Still working? It's already late.
Makalipas lamang ang ilang segundo, dumating ang sagot.
Unfortunately. I can't make it home yet.
Napabuntong-hininga si Clarine bago muling mag-type.
'll go home first.
Drive safely, honey pie. I'll see you later.
Okay. Don't work too late.
Matapos ipadala ang reply, ibinalik niya ang phone sa bag.
Tahimik ang hallway nang makarating si Clarine sa condo.
Pagbukas niya ng pinto, agad niyang napansin ang katahimikan ng unit.
“Aziel?”
Walang sumagot.
Napatingin siya sa relo.
Halos alas-diyes na.
Marahil ay nasa office pa rin ito.
Dumiretso siya sa bedroom.
Ngunit pagpasok niya roon, bigla siyang natigilan.
Isang magandang dress na maingat na nakalatag.
Lumapit si Clarine.
Kinuha niya ang maliit na card na nakapatong sa dress.
Binuksan niya iyon.
Dalawang maikling linya lamang ang nakasulat.
Wear this.
Then come to the rooftop.
I have a surprise for you.
Bahagyang napakunot ang noo niya.
Tumingin siya sa kisame.
“Weird naman nito.”
Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa labi niya.
Kinuha niya ang phone at tinawagan si Aziel.
Tatlong ring.
Walang sumagot.
Ibinaba niya ang tawag.
Kung nasa office pa ito, maaaring talagang abala.
Muli niyang tiningnan ang dress.
Makalipas ang ilang sandali, kinuha niya iyon.
“Fine.”
Ilang minuto lamang ang lumipas bago siya lumabas ng bedroom.
Simple ngunit eleganteng dress ang suot niya.
Sakto ang sukat.
Naglagay lamang siya ng kaunting makeup bago dumiretso sa rooftop.
Tahimik ang buong condo habang naglalakad siya papunta roon.
Pagbukas ng pinto, dilim ang unang sumalubong sa kanya.
Huminto siya.
Walang music.
Walang ilaw.
Walang tao.
“Aziel?”
Walang sagot.
Napatingin siya sa paligid.
“Bakit dito sa rooftop, honey?”
Muli niyang kinuha ang phone.
Tinawagan niya si Aziel.
“Nasaan ka? Nasa office ka pa rin ba?”
Biglang—
Bumukas ang mga ilaw.
Nagliwanag ang buong rooftop.
Napasinghap si Clarine.
Sunod-sunod na lumitaw ang mga dekorasyong nakapalibot sa rooftop—mga bulaklak, maliliit na ilaw, isang mahabang mesa na maingat na inayos, at dalawang wine glass sa ibabaw nito.
“Wow…”
Napangiti siya.
Bago pa siya tuluyang makalapit sa mesa, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa kalangitan.
Napatingala siya.
Isang fireworks ang sumabog sa madilim na langit.
Sinundan iyon ng isa pa.
At isa pa.
Unti-unting lumitaw ang isang lalaki mula sa kabilang bahagi ng rooftop.
Nakaayos ang suot nitong dark suit.
Mabagal ang bawat hakbang nito.
At habang papalapit siya, isang pamilyar na ngiti ang namataan ni Clarine.
Si Aziel.
Napailing siya habang pinupunasan ang gilid ng mata.
“Ang drama mo talaga.”
Hindi sumagot si Aziel.
Patuloy lamang itong lumapit.
Hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap niya.
Then—
Lumuhod siya.
Biglang nawala ang ngiti ni Clarine.
Napatingin siya sa maliit na kahon na hawak nito.
“A-Aziel…”
Binuksan nito ang kahon.
Isang singsing ang sumalubong sa liwanag.
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Clarine.
Tumingala si Aziel.
“Clarine Sarmiento…”
Huminga siya nang malalim.
“Will you marry me?”
Napahawak si Clarine sa bibig.
Hindi niya agad nagawang magsalita.
Ilang segundo siyang nakatitig sa lalaking nasa harap niya bago tuluyang tumulo ang unang luha sa kanyang pisngi.
At sa halip na isang romantic na sagot ang lumabas—
“Alam mo ang weird mo.”
Napangiti si Aziel.
“Is that a yes?”
Napailing si Clarine habang tumatawa at umiiyak.
“Propose ka lang pala. Sus.”
Tumawa si Aziel.
“Then why are you crying?”
“Binahay mo pa ako bago ka mag-propose!”
Napatawa siya nang malakas.
“That's your complaint?”
“Yes!”
Nanatili siyang nakaluhod, hawak pa rin ang singsing.
“So…”
Tumaas ang isang kilay niya.
“Honey, is that a yes or no?”
Ilang segundo siyang tinitigan ni Clarine.
Pagkatapos ay ngumiti siya.
“Yes.”
Agad na tumayo si Aziel.
Mabilis nitong niyakap si Clarine.
Mahigpit.
Napatawa siya habang niyayakap din ang lalaki.
“You're crazy.”
“I know.”
“Ang OA mo.”
“Because I love you.”
Humarap si Aziel sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Sumunod ang isang halik sa bibig.
At isa pa.
Napailing si Clarine.
“Oa mo talaga.”
“Eh mahal kita.”
Muli nitong hinalikan ang bibig niya.
“Anong masama doon?”
“Aziel…”
“Yung iba nga nanghihingi pa ng kiss. Ikaw, kusang binibigyan kita.”
Napatingin si Clarine sa kanya.
“Hindi ko naman sinabing gusto ko.”
“You didn't stop me.”
“Kapal.”
Tumawa si Aziel at muli siyang niyakap.
“Come on.”
Hinawakan ni Aziel ang kamay ni Clarine at dinala siya sa mesa.
“Cheers to forever.”
Umupo sila sa magkabilang bahagi ng mesa.
Itinaas ni Clarine ang wine glass.
“To forever.”
Nag-clink ang dalawang baso.
Ngumiti siya.
Forever.
“Okay,” sabi ni Aziel. “Let's talk about the wedding.”
“Already?”
“Of course.”
“Hindi ba puwedeng bukas na?”
“No.”
Napailing si Clarine.
“Fine. Saan?”
“I want somewhere grand.”
“Of course you do.”
“It's our wedding.”
“Simple lang gusto ko.”
“Simple?”
Tumango siya.
“Yes.”
Napatingin si Aziel sa kanya na parang hindi makapaniwala.
“Clarine, we're getting married once.”
“Exactly.”
“So?”
“So I don't want something extravagant.”
“Why?”
“Because I want to remember the people there, not how expensive everything was.”
Natigilan si Aziel.
Ilang segundo itong nakatingin sa kanya bago ngumiti.
“Fine.”
“Really?”
“No.”
Napatawa si Clarine.
“Aziel!”
“I'm negotiating.”
“Hindi ka marunong makipag-compromise.”
“I do.”
“You don't.”
“I do.”
“You don't!”
Muling napuno ng tawanan ang rooftop.
Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa venue, guest list, flowers, pagkain, at mga taong gusto nilang imbitahan.
Hanggang sa biglang natigilan si Clarine.
Tumingin siya sa mesa.
“Wait.”
“What?”
“Hindi pa tayo kumakain.”
Napatingin din si Aziel sa pagkain.
Tahimik siya nang ilang segundo.
“Oh.”
Napahawak si Clarine sa noo.
“Pinapunta mo ako dito para mag-propose, pinaiyak mo ako, pinagtalo mo ako tungkol sa wedding…”
Napangiti si Aziel.
“And?”
“Hindi mo man lang naisip na gutom ako!”
Tumawa siya.
“Sorry.”
“Future husband ka talaga.”
Tumayo si Aziel at kumuha ng pagkain.
“Okay. First responsibility.”
Napatingin sa kanya si Clarine.
“Feed my fiancée.”
Napatawa siya.