Allison's POV Tatlong linggo na ako nagsisilbi kay Lion at sa loob ng tatlong linggo na yon ay mas lalong nagiging magulo ang lahat. una pinapunta ako ng rooftop para dalhan siya ng pagkain pero pagkarating ko ron ay ni anino niya di ko nakita ng bigla itong nagtext at busog na pala daw siya, pangalawa pinapunta ako ng tambayan para maglinis pero ang naabutan ko ay parang nagkaroon ng world war III at nagkalat ang mga gamit nila kaya ginabi ako ng uwi dahil sa gulo ng tambayan nila, at ito ang pinakahuli napagkamalan akong girlfriend ng mga babaeng naabutan ko sa labas ng tambayan nila--huhuhu katapusan ko na talaga "uy Ally kanina ka pa jan?" napatingin ako kay Ella na kararating lang kaya napaayos ako ng upo kasi nandito ako ngayon sa likod ng school para walang makakita sa akin na fa

