Allison's POV "O Ally anak kumain ka na?" napailing ako sa tanong ni mama at tumabi sa upuang katabi ni Abi. kumain na ako habang nag-uusap kami ni mama kung ayos lang ba ang pinapasukan niyang trabaho at sabi naman niya na mabait ang amo niya kaya di siya masyadong nahihirapan. "pero Mama mag-iingat ka dahil kagagaling mo lang si sakit." "oo na mag-iingat ako, tsaka nga pala kamusta na ang school mo ayos ba?" napatango ako sa sinabi ni--sinungaling ally! "Maayos naman mama at marami na rin akong kaibigan tsaka naroon naman po si Naja kaya medyo nakakasabay na ako sa lessons." "kaya mag-aral ka ng mabuti maliwanag?" napatango ako sa sinabi ni mama at nagsimula na ulit kumain. ng matapos na kaming kumain ay ako na ang nag-ayos ng mga pinagkainan at sakto naman na pagdating ni abi n

