MAX “Alam kong maliit na halaga lang iyan kumapara sa mga nagawa mo para sa pamilya natin pero sinubukan kong ipunin bawat sintemong nagastos mo noon,” saad ni Tatay. Kumunot ang noo ko at nagmamadaling tiningnan ang passbook na inabot niya sa akin. Nagtataka pa ako kung bakit niya ako binibigyan ng passbook. Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang halagang nakasulat doon. 1,898, 567.00 pesos. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa ama ko na nakaupo sa wheelchair. “Pa-papaanong may ganito kayo kalaking pera?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Sugarol siya. Mag-iinom, palaging nauubos ang pera sa bisyo kaya paanong may naipon siya? “Lihim akong nagtatabi ng pera sa bangko, kinukwenta ko ang mga nagastos mo at ang perang iyan ang kabayaran sa lahat ng nag

