MAX Mabilis akong humiga sa kama ko rito sa apartment nang makarating ako. Gusto ko pa niya akong ihatid hanggang sa Maynila pero giniit ko na sa bus terminal lang ako ihatid. Alam ko naman na nagbabakasyon sila kaya ayaw kong masira ang plano nilang dalawa mg dahil sa akin. Nakatitig ako sa kisame. Parang wala akong buhay ngayon, gusto kong maiyak pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko. Akala ko sa pag-uwi ko ay magkakaayos na kami ni Tatay pero mas malala pa pala ang nangyari. Mahal nila ako sabi ni Nanay pero ayaw na nila akong makita. Sinisi ako ni Tatay sa nangyari sa kaniya pero ayaw naman niyang sabihin sa akin kung ano ang totoong nangyari. Hindi ko maintindihan kung paanong ako ang may kasalanan gayong kunh hindi pa ako umuwi ay hindi ko malalaman na naputulan pala

