MAX Naririnig ko pa rin ang malalakas na boses nila mula sa labas pero hindi ko na pinapansin. Si Nanay ay nagpapahinga na rin dahil mukhang hahapuin na naman. Bawal talaga siyang mapagod ng sora dahil mahina na ang katawan niya. Matapos kong maghugas ay muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ko si Warren na nasa may pintuan patungo sa kusina at nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Itinaas niya ang pitcher na wala ng laman na tubig. Itinuro ko sa kaniya ang jag kung saan siya pwedeng kumuha ng tubig. Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. Napansin ko na medyo namumula na ang pisngi niya. Mukhang hindi siya sanay na uminom ng iniinom nila ngayon. Ako naman kasi ay taka kung bakit nakikipag-inuman siya kina tatay. Sanay sa sunog ba

