“Sa iyo ang lugar na ito?” tanong ko kay Joseph. Nakaypo na kami ngayonsa veranda ng beach house. May mesa sa pagitan namin at marami siyang nilabas na inumin. Pareho kaming nakatingin sa malawak na dalampasigan. “Yes, namana ko ito mula sa ina ko.” Hindi ko alam na siya pala ang may-ari nito. Parang mula nang magkita kaming dalawa, lagi na kaming nagkikita ng hindi sinasadya. “Pasensya ka na kung nag-trespass ako. Mahilig kasi along pumunta dito dati pa kapag gusto ko mapag-isa. Tahimik kasi, akala ko walang tao. Na-istorbo ba kita?” Inabot ang binibigay niyang beer. Agad ko naman iyong kinuha at nilagok. “Okay lang kahit palagi kang pumarito. Actually, hindi ito ang unang beses na nakita kita. Hindi lang kita nilalapitan dati. Hindi ko lang inaasahan na sa pagbabalik makalipas ang

