MAX “'Nay, totoo po ba?” hindi makapaniwalanng tanong ko sa ina ko. Ang bata pa ng kapatid ko para mabuntis. Graduating pa lang siya ng senior high. Magko-koliheyo pa dapat siya. Akala ko ba may pangarap pa siyang makapagtapos pero bakit? Anong nangyari? Ginawa ko ang lahat para makapag-aral siya ng maayos tapos ito ang sasalubong sa akin? Mabilis akong lumabas ng bahay, hila-hila ko si Kevin. “Teka, ate, saan tayo pupunta?” tanong ng kapatid ko. Narinig ko pang tinatawag ako ni nanay pero hindi ako lumingon sa kaniya. Kaya ba ayaw nila akong panatilihin ng matagal sa bahay dahil ayaw nilang malaman ko ang tungkol kay Hazel? Kinunsinti ba niya ang kapatid ko? “Samahan mo ako, pupuntahan natin ang ate Hazel mo. Gusto ko siyang makausap,” matigas na saad ko habang malalaki ang hakbang

