WARREN Nakatitig ako sa natutulog ng si Amira ngayon. Mukhang payapa na ang mukha niya habang kalmado ang kaniyang paghinga. I should not be here, but she did that thing because of me. Dapat wala akong pakialam sa kaniya pero sasayangin ba talaga niya ang buhay niya para lang makuha ang atensyon ko? Ilang beses ko nang sinabing tapos na kami pero ayaw niyang pumayag at lagi niyang pinamumukha sa akin ang dahilan kung bakit nawala ang baby dapat namin. I knew that she's using what happened before to control me and I am getting tired of it. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang tungkol kay Max. Pero lagi niyang sinasabi na guguluhin niya ang buhay nito kapag hindi ako sumunod sa kaniya. Pwede akong hindi makinig sa kaniya pero kilala ko si Amira, ginagawa niya ang sinasabi niya ka

