MAX Hindi pa rin ako makapaniwala nang mabilang ko na ngayon kung magkano ang perang natanggap ko. Ang perang binigay sa akin kanina ni Suzy. Nandito ako sa isang cubicle sa comfort room. Katatapos lang ng trabaho ko at bago ako umuwi ay naisipan kong bilangin muna ang perang nasa sobre. Isang daang libong peso. Kung pwede lang akong tumalon at sumigaw sa tuwa ay ginawa ko na. Parang ang hirap paniwalaan na may ganito kalaking pera akong hawak ngayon. Lahat ng problema ko ngayon ay naglaho dahil sa malaking halagang hawak ko. Hindi ko na iisipin kung saan ako kukuha ng perang pambayad ng tuition ng kapatid ko. Marami pang sobra ang perang ito. Maaring barya lang ito mula sa taong nagbigay sa akin pero para sa akin, napakalaking halaga na nito. Napakalaking tulong. Sana lang nakilala k

