MAX Napahiya ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko habang nakangisi sa akin si Warren. Akala ko kasi kung ano na namang kababuyan ang sinasabi niya. Pero umakto akong seryoso at hindi man lang ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kaniya. Sanay kasi ako sa bastos na bunganga niya kaya akala ko, iyon ang tinutukoy niya. Madalas naman na berde talaga ang mga banat niya, kaya inunahan ko na. Hindi ko naman alam na cheesy footlong pala tinutukoy niya. Dinescribe pa kasi, pwede namang sabihin na lang ng diretsa para hindi maging malumot utak ko. Kunsabagay? Bakit naman niya i-o-offer sa akin ang footlong niya? “Umalis ka na,” malamig na saad ko. Umalis na siya bago ko pa mabasag ang footlong niya at hindi na niya iyon mapakinabangan pa ng tuluyan. “Gagamutin pa kita.” “Hindi na, ako na

