VICTORIA Kumaripas ako papalabas ng aking kwarto dahil sa kaniyang mensahe. Hindi ko alam kung nagbibiro siya at hindi na rin ako sumilip sa labas upang tingnan kung totoo ito. Halos tumatambol-tambol ang kabog ng aking dibdib sa pagbaba ko pa lang ng hagdan. Mabuti na lang din at walang tao sa labas at ganoon na rin si Sir Eric. Nagpalinga-linga pa ako kung may mga guwardiyang nakatambay sa labas at nang masiguro ko namang wala ay agad kong tinakbo ang gate ngunit wala akong nakikitang sasakyan sa labas kaya nag-umpisa na akong mabahala at iniisip na pinaglalaruan niya lang ako. Habang papalapit ako ng papalapit ay may nakikita akong umuusok na para bang buga ng sigarilyo. Ipinagdarasal ko na hindi sirado ang gate dahil minsan iniiwan ni Sir Eric na bukas ito dahil na rin sa mga labas

