minahal ko ang pumatay sa aking Ama
No one got away scot-free.Iyon ang pinaniniwalaan ng mga tao.Pag sang ayon ni vince sa isip sa mga salitang naalala niyang ginagamit ng mga mortal.Nang gabing iyon,sa pamumuno niya sa pagtugis nilang mga vuldoguard or Order of the hunters of their ancient race.Sa grupo ng mga tiwaling vampira na lumabag sa kanilang batas,sisiguruhin niyang hiyang hindi na papalpak ang Auvterre.Ngayong nabigyan si vince ng Altes ng pagkakataong mahawakan ang kaso ng pgtugis sa leader ng "SIPSIP g**g" at ng mga kawpa tiwaling bampira na tauhan ng grupo,hindi na siya makakapayag na hindi magtagumpay sa misyong iyon.
Ang "SIPSIP g**g" na pinamumunuan ni Edibal na nagtatago sa mortal na pangalang Zandro Real ay isang grupo ng mga pasaway na bampirang sinasamantala ang kakayahan para makapagnakaw ng mga kayamanan ng mga mortal.Ang mga pawnshop ang binibiktima o pinapasok ng mga ito pagsapit nang hatinggabi.Ang higit na nakakasama ay ang pagpatay ng mga ito sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo hanggang sa mamatay ang taong bantay o guwardiya ng ninanakawang pawnshop.
Binansagan ng mga taong alagad ng batas na "SIP SIP g**g" ang grupo ni Zandro Real dahil laging natatagpuan ang mga biktima na namatay dahil sa pagka ubos ng dugo sa katawan.Iisa ang paniniwala ng karamihan sa mga tao.Bampira ang pumatay sa mga biktima.Bite marks on the neck.Iyon ang ebidensiyang pinagbabasihan ng mga taong naniniwalang mga bampira nga ang gumagawa ng krimen.
Pero hindi iyon sinasang ayunan ng ibang hindi naniniwalang may bampira.Baka raw idinadahilan lang iyon dahil gusto ng mga pulis na pagtakpan ang katotohanan.O ayaw lang palalain pa ang sitwasyon at pangamba ng mga tao.Kung sana ay katulad nilang mga Atereangelus ang "SIP SIP g**g" na kahit anong kagat nila sa isang tao ay hinding hindi mag iiwan ng marka ang kanilang mga pangil.But they were no half-angel like them.those vampires were pure bloodsucking creatures.Parang sinusulit pa iyon ng mga tiwaling bampira.Hindi lang makalabas nang husto ang mga ito sa mata ng mga mortal dahil alam din ng masasmang bampira tulad ng iba pang kampon ng kadiliman na nagkalat din silang mga Atereangelus.Pinagkatiwalaan si Vince ni Zeralle,ang isang Altes,at isa sa apat na pinakamataas sa Auvterra ba gagawin niya ang kanyang tungkulin bilang matapat at maasahang Vuldograd.Hindi dahil nangangati ang kanyang mga kamay na patayin c Zandro.Nakarinig man siya ng usap usapan o bulung bulungan na siguradong pepersonalin niya ang trabahong iyon ay wala siyang pakialam.Lalo na ang usaping pagdating sa kanyang batang edad.Bata pa si Vince sa paningin ng ibang Vuldograd o ng buong Auvterra para pagkatiwalaang humawak sa kasong iyon,higit sa lahat ay mamumuno sa operasyon .Pero patutunayan niyang hindi magsisisi si Zeralle at ang buong Altes sa pagtitiwala sa kakayahan niya kahit disisyete anyos lang siya.He might be the youngest one in Auvterra but he had prove his skills that Zeralle often described as "splendid".Hindi na nagdalwang isip si Vinnce na tanggapin ang trabahong tugisin si Zandro at ang grupo nito.