"ISLAND OF DESIRE"
By : " Ms. Alejos"
KINABUKASAN pagising palang ni Jeffrey banyo na agad ang kanyang pinuntahan, agad syang naligo, nang matapos maligo suot ang damit na iginayak kahapon, lumabas sya sandali para bumili nang mainit na pandesal, maaga pa kaya naman ang mga kasama nya sa bahay mga natutulog pa nang oras na yon. Sya lang mag-isa ang kumain nang almusal, bumili din sya nang mainit pang pansit, tig-iisa sila nang kanyang magulang at ate Jen, dinagdagan din nya ang pandesal na binili para magkasya sa kanila, nang matapos na sya mag-agahan tinakpan nya muna ang natirang pagkain para sa mga magulang at kanyang ate. Nag-aapura syang magsipilyo nang kanyang ngipin at naglagay nang hair jel sa kanyang buhok, panay ang papogi nya na di naman nya alam kung bakit at anu ang dahilan.
Nang makita na ayos na ang kanyang sarili, tiningnan naman nya ang kanyang orasang pangbisig, alas-siete palang nang umaga, kaya naisipan nalang nyang magcomute, siguro naman ang dalawang oras ay hindi sya malalate. Lumabas sya nang bahay nang ang lahat ay tulog pa, mamaya pa tyak ang gising nang mga kasama nya sa bahay kaya nilakad nalang nya ang eskinita palabas at nang makasakay nang tricycle para sa sakayan papuntang Pasay. Maayos pa ang daloy nang trapiko nang una ngunit nang makarating sya sa area nang Q.C papuntang Makati bumper to bumper na ang trapik. Nag-aalala naman sya na baka malate sya, usad pagong ang pag-usad nang mga sasakyan. Kung pwede nya lang lakarin nilakad na sana nya kaya lang malayo at mainit pa, alam din nya na siksikan na sa MRT/LRT.
Pasado alas-otso na ngunit nasa area parin sya nang Makati.
"s**t ! Bakit naman ngayon pa, akala ko pa naman maaga akong darating sa kausap ko, ayaw makisama nang trapik ah.." bulong nya sa kanyang sarili..
Alas-otso ymedia nang nasa kahabaan narin sya sa wakas nang pasay, mukang di naman sya malalate alas nueve naman ang usapan nila ni Sugar, may kalahating oras pa sya.. Nang makababa nang Bus na sinasakyan sa kakamadali, nabangga nya ang babaeng kakababa lang din nang taxi agad din naman syang huminge nang pasensya sa babae, di naman pinansin nang babae ang lalaki bagkus binigyan eto nang matalim na tingin.
Nagtuloy si Jeffrey sa paglalakad sa usapang lugar nila ni Sugar, may nakita syang naka summer hot na napakalapad sa pier, malayo pa sya ngunit kumakaway na eto sa kanya, kaya nilapitan naman nya iyon. Patakbo syang lumapit di nga sya nagkamali si Sugar nga ang kumakaway sa kanya.
"Oh magkasunod lang pala kayo ni Kaycee, ayon sya nasa likuran mo.." nilingon naman ni Jeffrey ang tinutukoy nitu, eto ang babaeng kanina nabangga nya na bumaba nang taxi.
Ilang minuto pa ay nakalapit nari nang tuluyan si Kaycee sa dalawa,.
"Gosh it's so hot.." wika ni Kaycee..
"Bakit kase di mo pinalapit dito ang taxi nang di ka nahirapan.." sagot naman ni Sugar.
"I forgot, tara na baka naman maging tuyo na tayo dito sa pier.." sagot ni Kaycee.
"Ah bestfriend meet Rey.. Rey sya si Kaycee ang bestfriend ko.." pagpapakilala naman ni Sugar.
"I know him already, kanina lang sa kakamadali nya nabangga nya ako.." mataray naman na wika ni Kaycee na tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaki. Sa loob loob nya, aba gwapo ang boylet nang bestfriend nya ah.
Inabot naman ni Jeffrey ang kanyang kamay sa dalaga, napakalambot nang kamay nitu, wala etong make-up at tangging lip gloss lamang ang nasa labi ngunit napakaganda nya, para syang isang commercial model na nakita na nya dati, humanga si Jeffrey sa physical na anyo ni Kaycee sa kakatitig nya sa mukha nitu di nya namalayan na magkahawak parin ang kanilang mga palad.
"Yong kamay ko, baka pwede ko nang bawiin Rey.." pukaw ni Kaycee sa lalaki na tila wala naman balak batawan kung di pa nya sinabi..
"I'm sorry.." nakangiting wika naman ni Jeffrey. Nakatingin lang sa kanila si Sugar at lihim namang ngumiti..
"Halina kayo pumasok na at baka maluto pa ang nag gagandahang mga kutis nyo sa sinag ni haring araw.." pagbibiro naman ni Sugar sa dalawa.
Agad naman tuminag ang dalawa sa kinatatayuan at pumasok sa loob nang yate, para kay Jeffrey malaki ang yate natu, ang mga mayayaman lamang sa bansa ang nagkakaroon nang ganitu, di nya mga kilala ang kasama kaya di din nya alam ang mga estado nang pamumuhay nang mga eto. Pero si Sugar mukang mayaman eto, dahil di naman mag-aabala nang pera lang na ganoon kung wala naman para lang masubukan ang faithfullness nang matalik na kaibigan sa fiance nitu.
Umakyat nadin ang dalawa sa yate, naunang umakyat si Kaycee at sumunod naman si Jeffrey. Pagkatapos noon narinig nilang dahan-dahang umaandar ang makina at papalayo na sila sa aplaya.
"Akala ko ba ikaw ang magpapaandar nitu?" tanong ni Kaycee kay Sugar nang matanawang nasa balcony lang din eto nang yate..
"Eh plano ko sana, kaya lang pano naman ako mag-eenjoy kung ako lang mag-isa kaya, yung caretaker nyo nalang isinama ko na rin, mainam nadin yon mas kabisado nya to, baka mamaya sumpungin di alam nya ang gagawin agad.." paliwanag naman ni Sugar.
"Sabagay may punto ka bestfriend." sang-ayon naman ni Kaycee.
"Dahil dalawa lang ang kwarto dito, kami ni Bestfriend ang magkasama, at solo mo Rey ang isang kwarto, tara na at puntahan muna natin bago natin pagsawain ang mga mata natin sa magagandang view sa taas.." anyaya naman ni Sugar. Nagpatianod naman ang dalawa..
Una nilang hinatid si Jeffrey sa silid nitu magkatapat lang ang pintuan nang kwarto nang yate, medyo malaki lang ang kwarto nina sugar dahil magkasama sila ni Kaycee doon. Nang makapasok si Jeffrey nakita nyang, may maliit ding kama doon, kasya lang sa isang tao, may maliit na ref at maliit na cabinet, kompleto eto sa gamit, mas maganda pa nga eto kumpara sa silid nya, maliit nga lang. Sa kwarto naman nina Kaycee dalawa ang kamang higaan, yon ang ginagamit nang kanyang Mama at Papa kapag gustong maglibot. Pwedeng paghiwalayin ang dalawang kama at pwede ding ikabit eto para maging isa.. Kagaya sa naunang silid kompleto rin nang gamit ang loob niyon. May maliit na kusina din naman ang yate at maliit na sala, sa taas pwede ka mag sunbating, wala nga lang swimming pool..
"Ba't magkahiwalay kayo nang higaan nang boylet mo Sugar?" takang tanong ni Kaycee.
"Boylet si Papa Rey ba? Di ko sya boylet yon, kaibigan ko sya, isinama ko lang, total wala naman syang trabaho ngayon, para makapag rest.." pagsisinungaling ni Sugar. Mukang wala na sa isip ni Kaycee ang usapan nila noon. Di naman na nag-usisa pa si Kaycee. Namaalam muna si Sugar para, makapag luto nang tanghalian. Samantalang si Kaycee nahiga naman sa kanyang kama. Maging si Jeffrey ay nahiga din sa kama nitu at dinama ang malambot na higaan.
"Wow eto ang bakasyon, talagang relax.. " usal sa sarili ni Jeffrey. Sabay inat nang mga braso..
____________________________________________
Nang makaramdam nang pagkainip naisipang lumabas ni Kaycee nang kwarto, pagbukas nya nang kanyang pintuan sya rin namang bukas nang pintuan ni Jeffrey. Pareho pa silang napatingin sa isat isa, dahil medyo makitid lang ang hallway kailangang isa lang ang mauuna sa paglabas.
"Sige mauna kana.." pagpaparaya naman ni Jeffrey.. Di naman nagsalita si Kaycee nagtungo sya sa kusina kung nasaan ni Sugar.
Kumabila naman nang daan si Jeffrey, di nya kabisado ang yate pero di naman siguro sya maliligaw, malaki eto pero di naman kasing laki nang ferry. Nag-ikot-ikot sya, hanggang sa nakarating sya sa nag-o-operate nang yate, binate nya ang may katandaan nading lalaki.
"Kumusta po kayo..?" bati ni Jeffrey dito.
"Maayos naman sir! " tugon naman nang matandang lalaki.
"Rey po. Rey nalang ang itawag nyo sa'kin.." sagot ni Jeffrey.
"Mang Lando, pwede mo along tawagin sa nakasanayan na nila itawag sa'kin. Ngayon lang ata kita nakita, kaibigan ka ba ni Sofromeo? " tanong ni Mang Lando kay Jeffrey.
"Sofromeo? Sino po iyon? " takang tanong ni Rey..
"Ayy sus.. Si Sugar, abay di ka naman kaibigan marahil ni senorita Kaycee. Ngayon lang kase kita nakita.." wika na Mang Lando.. Natawa naman si Jeffrey.
"Mang Lando ngayon ko lang ho nalaman na Sofromeo pala ang pangalan ni Sugar, sabi nya kase sa'kin Sonny daw ang ang pangalan nya.." nakatawang sagot ni Jeffrey ngunit ang totoo talagang di naman nya alam dahil ilang araw palang naman sila magkakilala.. Pati tuloy si Mang Lando natawa sa sinabi ni Jeffrey..
Nagtatawanan sila nang biglang pumasok naman si Kaycee. Huminto nang tawa si Jeffrey.
"Senorita Kaycee, kayo pala may kailangan po ba kayo?" tanong naman ni Mang Lando.
"Wala naman ho, nag-ikot-ikot lang po, kumusta po kayo? " tanong naman ni Kaycee.
"Naku eh napakaayos naman. Binabati ko nga po pala kayo sa nalalapit nyong kasal ni sir Jasper.." sagot naman ni Mang Lando..
"Salamat ho, malayo pa po ba tayo sa Isla na sinasabi ni Sugar..?" tanong ni Kaycee.
"Naku malayo-layo pa po, matulog muna kayo, at baka mainip kayo pag malapit na ho eh sasabihin ko sainyo, para makita nyo ang magagandang tanawin doon.." wika naman ni Mang Lando.
"Sige salamat ho.." nang makapag paalam si Kaycee naiwan naman si Jeffrey kasama ni Mang Lando.
Hindi man lang sya tinatapunan nang tingin ni Kaycee mukang di sya nitu gusto, parang wala lang sya sa paningin nang dalaga.
"Sayang ang ganda pa naman, kaya lang mukang masungit.." naibulalas ni Jeffrey sya namang nadinig ni Mang Lando.
"Naku di masungit si Senorita, talagang ganyan lang sya, walang lalaking magaling, mabait, at gwapo sa paningin nya kundi ang kanyang mapapangasawa, ganoon nya kamahal si Jasper. Swerte din nang lalaking iyon kay senorita ah, nag-iisang anak at tagapagmana pa.." wika ni mang Lando.
"Ganoon Mang Lando ibig pala sabihin lahat tayo pangit na sa kanyang paningin..?" nakangiting tanong ni Jeffrey.
"Malamang.." pagsang-ayon naman ni Mang Lando, sabay tawanan nanaman sila.
"Teka nagtatrabaho ka na ba?" pagputol sa tawanan nila at tanong ni Mang Lando.
"Opo. Pero nag-aaral pa po ako, sa sunod na taon makakatapos narin ako.." sagot naman ni Jeffrey.
"Anong kurso mo?" Si Mang Lando muli..
"Arketektura po.." sagot naman ni Jeffrey..
"Aba! Magandang kurso yan. Marami kang magiging pera pagnagkataon..
"Hahahaha.. Sana nga ho marami talaga, pangarap ko rin humawak nang maraming pera.." seryosong sagot naman ni Jeffrey sa matanda..
"Naku tama yan, kahit sino naman gustong humahawak nang malaking salapi.." sagot ni Mang Lando.
"Oo nga po. Mang Lando, ikutin ko muna ang buong yate ha, balikan ko kayo dito maya-maya.." pamamaalam ni Jeffrey.
"Oh sya sige iho.." naging tugon na lamang nang matanda.
Tulad nga nang sinabi ni Jeffrey nag-ikot sya sa loob nang yate, may mga nakita syang mahabang upuan sa taas na pwede sanang magbabad para sa sun bating ngunit wala naman syang nakitang swimming pool. Hinubad nya ang kanyang t-shirt at nahiga sa upuang mahaba, wala naman syang planong magsunog nang balat, dahil katanghaliang tapat gusto lang nyang magpapawis. Ilang minuto palang ang nakakaraan mula nang magbabad sya pawisan na agad sya kaya naman nagdisisyon syang bumaba na, pababa na sya nang hagdan nang makasalubong nya si Kaycee. Nakasuot eto nang summer hot, saglit na napapatitig ang dalaga sa katawan ni Jeffrey, agad din naman nya binawi ang paningin at itinama sa ibang direksyon nang malawak na dagat. Nagtuloy lang si Jeffrey na bumaba at tinungo ang kanyang silid. Gusto nyang maligo sana, iisa lang ang banyo nang yate kaya lahat sila doon gagamit. Hinanap nya si Sugar nakita nya naman eto sa kusina na abala sa ginagawa..
"Oh may kailangan ka ba Rey? " tanong ni Sugar sa binata.
"Wala naman, nag-iikot lang ako kinakabisado ang bawat anggulo nang yate.." sagot naman ni Jeffrey.
"Ahm.. Sige lang e-enjoy mo lang ang pag-ikot, matatapos na din ako magluto makakapagtanghalian nadin tayo, tyak hapon na tayo darating sa Isla." sagot naman ni Sugar. Tumango-tango lang si Jeffrey sa kausap.
Nang matapos nga magluto si Sugar hinatiran naman nitu nang pagkain si Mang Lando. At silang tatlo sabay-sabay namang kumain sa maliit na mesa. Mas masayang kumain si Jeffrey na naka kamay lang, samantalang ang dalawa naka kutsara at kubyertos pa, may kutsilyo pa na akala mo pang hiwa nang matigas na karne. Napakahinhin pa nilang kumain, pinagmamasdan lang lamang nya ang magkaibigan.
"Can I ask some question?" pukaw ni Jeffrey sa katahimikan nang kanilang pagkain.
"Sure!" masiglang sagot ni Sugar.
"Pagbaba nyo ba nang Isla gagamit parin kayo nang kutsara at tinidor??" nakangiting tanong ni Jeffrey. Nagkatinginan naman ang mag-kaibigan sa sinabi nang binata..
"Oh I'm sorry I know its a non sence question.." sabay bawi ni jeffery sa kanyang tanong.
Nang matapos ang kanilang tanghalian si Sugar parin ang nagligpit nang mga iyon. nag- alok nang tulong si Jeffrey ngunit tumanggi naman si Sugar. Dahil wala namang gagawin nagpunta muli si Jeffrey kuung nasaan si mang Lando. Muli nakipagkwentuhan sya sa matanda. mag-aalas singko na nang hapon nang may matanawan nang luntiang kulay si Jeffrey, kaya tinanong nya ang matanda kung malapit na sila. Oo naman ang sagot nang matanda, ang dalawang magkaibigan naman nasa taas din nang yate at panay ang kuha nang mga larawan sa paligid.
Habang minamasdan ang magagandang tanawin, papalapit naman sila nang papalapit sa isla na yon, hindi maaring idaong nang tuluyan ang yate sa aplaya. Kaya nagbigay si Mang Lando nang hudyat na hanggang doon lamang ang yate. Gamit ang maliit na bangka sa taas nang yate ibinaba nila Jeffrey at Mang Lando iyon, iyon ang magiging tagahatid nila sa Isla, maging ang lahat nang gamit ay doon isasakay papuntang Isla. Nagpatiuna sina Sugar at Kaycee sa pagbaba, sina Jeffrey naman at Mang Lando iginayak naman ang mga gamit na tinuro ni Sugar para ibaba.. Hinatid ni Jeffrey ang magkaibigan sa kalupaan at, sya naman ang nagpabalik-balik para hakutin ang mga gamit.
>>>>>>>>>> ITUTULOY <<<<<<<<<<