"ISLAND of DESIRE"
By : " Ms. Alejos"
DAHIL masama ang pakiramdam ni Jeffrey agad din sya nagpaalam nang gabing iyon sa kanyang Manager. Pinayagan naman sya nitu dahil nakita naman nito ang panlalata nang katawan at kabisado nya si jeffrey eto ang taong manghihinayang sa kikitain lalo na kapag nasa loob na eto nang bar. Sakay nang taxi pauwi ay napasuka pa sya nang konte, tiningnan lang sya nang driver marahil ang akala nitu ay lasing sya kaya umiling-iling nalang dahil nadumihan pa ang taxi nito gawa nang kanyang suka'.
Pagdating sa eskinita kung saan ang bahay nila bumili agad sya nang gamot sa maliit na tindahan, ayaw nyang pinatatagal ang kanyang sakit kaya iniinuman nya agad eto nang gamot, di rin sya dumadaing sa bahay na may nararamdaman sya oh anu pa man. Pagpasok nya nang pintuan naabutan nyang nag-iinuman ang kanyang magulang at ate Jen, inalok sya nang mga eto ngunit tumanggi naman sya. Ang kwarto ang kanyang pinuntahan, kumuha nang isang basong tubig at doon ininom ang kanyang gamot. Isinara ang pintuan at hiniga ang pagal at nanlalatang katawan. Wala pang isang Oras na nakahiga si Jeffrey nilamon na sya nang karimlan at nakatulog na nang tuluyan.
Kinabukasan naging abala nga si Sugar para sa lahat, ngunit maaga sya nagtungo sa manson nang mga Briones, para ipaalam ang yate nang pap ni kaycee. Nagulat pa si kaycee, nang makita ang kaibigan sa hapag kainan nang kanilang agahan.
"Oh anong ginagawa mo dito bestfriend? " takang tanong ni Kaycee..
"Ako na po ang nagpaalam kay Tito nang tungkol sa yate, kaya inagahan ko talaga dahil alam ko di na ko na sya maabutan kapag tanghali na ako nagpunta dito.." sagot naman ni Sugar sa kaibigan.
"So you mean aalis na tayo? Kailan? " sunod-sunod na tanong ni Kaycee sa kaibigang si Sugar. Iiling-iling naman ang Mama ni Kaycee nang marinig nitung aalis nanaman ang dalaga.
"Yap. Maybe tommorow or the other day alis nadin tayo, kaya be prepare friend ha, aayusin ko na lahat nang dadalhin natin then ayusin mo lang ang sarili mo yon lang ang kailangan mong gawin wala nang iba.." nakangiting tugon naman ni Sugar.
"I was so exited na makita yang isla na yan, kelan mo ba nadiskubre yan? Naging busy ka kase sa negosyo kaya madalanang narin tayo makapag-usap at bondeng.." sagot naman ni Kaycee.
"Ikukwento ko nalang sa'yo pag nandoon na tayo, kailangan ko narin umalis dahil may mga kailangan pa ako gawin, Tita mauna na po ako ha salamat po sa coffee.." sabay beso-beso sa dalawang babaeng nandoon at namaalam.
______________________________________
Nagising naman si Jeffrey sa hiyawan nang kanilang kapit-bahay, mukang nag-aaway nanaman ang mag-asawang nasa gilid nang kanilang bahay. Eto ang hirap sa eskwater lahat maririnig nang kapit-bahay ang konteng ingay na gawa nila. Pupungas-pungas na bumangon, tinansya muna ang katawan, maayos na sya nawala na ang sakit nang kanyang katawan at mukang masigla na sya nawala narin ang pananamlay nang kanyang katawan. Bumangon sya at nagtungo naman sa banyo para maghilamos.
"Oh gising na pala ang studyante natin, halika at sumabay kana sa amin mag-agahan, baka kase eto nang huli na makakasabay mo ang ate mo kumain, isasama na sya nang syota nyang amerikano sa amerika.." wika nang kanyang Papa. Imbes na sa banyo ang kanyang tungo nakiupo narin tuloy sya sa mesa, masarap ang nakahain nilang agahan ngayon, may hotdog, itlog, bacon at mainit na pandesal pa sinamahan nang kesong palaman.
"Oh ikaw kelan kaya ang swerte mo anak ang tagal mo nang nag-aaral wala paring bago sa'yo ah.. Anu bang kurso ang kinuha mo? " tanong nang kanyang Mama.
"Achetect Ma. " tipid na sagot ni Jeffrey, matatapos na sya pero ang kursong kinuha nya di man lang alam nang mga eto.
"Archetect yon ba yong nagpapanday nang bahay? Di ba karpentero ang tawag doon? " sagot naman nang kanyang ina.
"Mama ang archetect sya yong nagdadrwing nang bahay, sya ang nagpaplano nang tungkol sa bahay." sagot naman nang kanyang Papa.
"kelan ka ba matatapos tol? " tanong naman nang kanyang ate Jen. Tahimik lang na kumakain si Jeffrey, mukang sya nanaman ang topic nang mga eto, palagi nalang.
"Kapag sinuwerte makakapagtapos ako next year, gradueting na ako kung sakali. " sagot naman ni Jeffrey.
"Sa maniwala ka't hindi pinagmamalaki kita tol alam kung wala kami naitulong sa pag-aaral mo kami pa nga madalas ang kaaway mo sa schooling mo na yan eh, napaka galing mo, naigapang mo ang iyong sarili at wala kang naperwisyong tao, nagtataka lang ako ang alam ko kase mahal ang matrikula nang ganyang kurso, buti nagkakasya ang sinasahod mo sa hotel..? tanong nang kanyang ate Jen.
"Schoolar ako sa eskwelahan namin kaya ganun.." sagot naman ni Jeffrey sa kabila nang kanyang pagsubo, nakita lang nya ang pagtango nang tatlo, mukhang bumibilib na ang mga eto sa sarili nyang galing.. maging sya din naman hindi makapaniwala na maigagapang nya ang kanyang kinabukasan. Na makakapagtapo sya nang sya lang mag-isa ang sumusuporta.
Minsan lang sila magkasabay-sabay kumain nang walang hilian, mukang aalis na nga ang kanyang ate Jen, mabait daw ang nobyo nitung amerikano, na handa syang hanguin sa putikan. Para sakanya magandang balita iyon, yon naman ang gusto nya ang mabago ang ikot nang kanilang buhay, mabago ang nakasanayan. kaya hinatid din nya ang kanyang pagbati para sa kapatid, sa nag-iisang nakakatanda nyang kapatid. Matapos ang agahan agad ding pumasok si Jeffrey sa kanyang silid, nakaligtaan na nya ang kaninang paghihilamos. Makakapag relax sya ngayon dahil walang pasok, iisipin nalang muna nya ang trabaho para kumita nang pera..
Mahihiga na sya muli nang tumunog ang kanyang cellphone, nakarehestro ang numero na yon.
"Hello good morning!" bati nya sa kabilang linya..
"Good morning din, si Sugar remember? Ipapaalam ko lang sa makalawa ang alis natin, kaya magready kana Rey. Kung may mga kailangan ka then tell me para maibili na kita, I was on shopping now para sa mga gamit na kailangan din natin sa Isla , so pwede ka mag message sa'kin para mabili ko." wika ni Sugar kay Jeffrey.
"Ganoon ba salamat, just give me all the details kung saan tayo magkikita at anong oras, just to prepare my self.." sagot naman ni Jeffrey.
"Okey Rey send ko sa'yo later. Salamat.." muling tugon ni Sugar.
Nang matapos ibaba ang telepono nang kausap muling lumabas ang binata, nasa maliit na sala nila ang mga magulang, magpapaalam sya sa mga eto. Baka magtaka din kung bakit isang Linggo sya wala.
"Ma.. Pa.. Aalis nga pala ako, eh baka isang Linggo lang naman para sa team building nang hotel namin, ipinaalam ko lang, baka kase magtaka kayo na wala ako nang isang Linggo dito.." bungad ni Jeffrey sa mga magulang.
"Sige lang anak take your time.. Basta para sa ikakagaganda nang buhay mo wala kana sa aming maririnig nang Papa mo.." wika naman nang kanyang ina. Isa etong himala, mukang sumang-ayon ata sa kanya ang mga eto na dati rati ay tutul sa kanyang mga ginagawa.
"Sige ho salamat, ingat ka rin ate Jen sa pag-alis mo.." baling naman nya sa kanyang ate na noon ay abalang abala sa kakadotdot sa cellphone.
Nang matapos makapagpaalam ay agad nyang inimpake ang kanyang gamit, papasok sya mamaya sa bar, kapag hapon naman ang kanilang lakad hihintayin nya muna ang tawag nang baklang kausap. Exited sya sa kanyang magiging bakasyon, isang Linggo sa isla, paano nya kaya aakitin ang babaeng iyon? Napaisip tuloy si Jeffrey sa kanyang misyon, sabagay maakit at hindi magbabayad naman ang nagngangalang Sugar kaya walang problema sa kanya. Pero parang nakakahiya naman ata kung di nya maakit yon, gayong isa sya sa kilalang kinahuhumalingan nang mga kabaklaan at katandaan, well it was a challed din para sa kanya.
"Tingnan nalang nati kung di mahuhubad o malalaglag ang panty nang kaibigang nang baklang iyon.." nakangiting turan ni Jeffrey sa sarili.
Isang bag lang ang kanyang dinala tama lang sa isang Linggo nya, bibili nalang sya nang mga personal needs nya kagaya nang sabon, toothbrush, toothpaste, sabon, shampoo etc., yon ang nasa isip nya..
Habang abala si Jeffrey sa pag-iisip habang nakahiga, di naman magkandaugaga si Sugar sa kanyang ginagawa bumili din sya nang mga canned goods na ready to eat lahat, para lang silang magca-camping nang kaibigan yon nga lang may isang estranghero silang kasama. Di nya kilala si Jeffrey at ang pagkatao nitu kaya para sa kanya isa lamang etong estranghero, makikilala din nya eto kapag nasa isla na sila, one week is enough para makilatis at malaman ang backround nitu, wag lang magsisinungaling ang binata.
Maging si Kaycee naggagayak din nang kanyang mga damit. She's the one na mas exited para makita ang Isla na sinasabi nang kaibigan na wala na sa isip nitu ang hamon nang kaibigan sakanya, ang buong akala ni Kaycee lahat nang iyon ay biro lamang nang kanyang kaibigan.
Dahil nasa Manila bay lang ang yate agad din naman dinala ni Sugar ang mga pinamili doon, sinigurado nyang di sila kakapusin sa loob nang isang Linggo, kompleto ang gamit sa yate, yon nga lang dalawa lang ang kwarto nitu, naglinis din si Sugar nang ilang minuto, sadya namang malinis ang lahat dahil ginagamit naman nang pamilya iyon. Mabusisi nyang tiningnan kung ano pa ang kulang at kailangan nila.
"Everything was perfect and ready, so ang dalawang yon nalang ang kulang, naalala nya di pa pala nya natatawagan si Rey kaya nagmamadaling kinuha ang cellphone at idinial ang numero nang lalake.. Nakailang dial sya ngunit walang sumasagot, hinayaan nya nalang muna iyon baka kase busy pa ang lalaki. Ilang minuto ang nakaraan nang nag-call back naman si Jeffrey.
"Pasensya kana nasa labas kase ako, may bago ba sa lakad natin?" tanong naman ni Jeffrey.
"Just want to inform again, siguro mga alas nueve nang umaga, aalis na tayo dito, magkita tayo dito sa manila bay, sa pier kwatro, nang alas nueve kinse nang umaga.. Ayos lang ba sa'yo ang oras?" tanong naman ni Sugar.
"Okey lang sige darating ako, di na lang ako papasok baka tanghaliin pa ako nang gising." wika naman ni Jeffrey.
"Okey salamat. Ingat nalang at see you tommorow.." wika ni Sugar.
Nang magpaalam si Sugar si Kaycee naman ang kanyang tinawagan para ipaalam ang lakad nila.
"Bestriend ready ka na ba? Bukas nang umaga ang lakad natin ha, magpahatid kanalang wag mo na dalhin ang sasakyan mo, ako man mag ta-taxi nalang din.." pagbibigay information ni Sugar sa kaibigan.
"Okey bestfriend, copy.. Aga mo natapos lahat ha," wika ni Kaycee..
"Naman. Ako pa, okey i'll see you tommorow, ingat ka.. Magpapahinga din ako pag-uwi maghapon kung nilakad ang mga kailangan natin, so pagod ako.." sagot ni Sugar. Tinawanan lang eto ni Kaycee.
______________________________________________
Nang gabing iyon naman hindi rin makatulog si Kaycee. Kaya tinawagan nalang nya ang nobyo. Apat na beses syang sumubok na nagdial ngunit wala namang sagot dito. Pabiling-biling sya ngunit di naman sya dalawin pa nang antok. Makalipas ang halos kalahating oras nang pagtawag nya sa nobyo, sya naman ang tinawagan nitu. Agad nya namang sinagot iyon.
"Hello baby! I'm sorry di ko agad nasagot, nasa banyo kase ako kanina naliligo, may problema ba?" malambing namang tanong ni Jasper.
"Nothing baby, magpapaalam lang ako sa'yo bukas may lakad kami ni Sugar, jus how many days lang naman then babalik din agad kami.." wika naman ni Kaycee.
"Okey lang baby, basta mag-iingat ka alam mo namang malapit na ang araw nang kasal natin, kung ako lang ayoko na lalayo kapa." malambing at tila nag-aalala namang wika ni Jasper.
"Mag-iingat ako baby, don't worry.. I love you so much baby.." malambing namang sagot ni Kaycee.
"Wow i love you too, kompleto na ang gabi ko pwede na akong matulog, tawagan mo ako bukas ha bago ka umalis, anong oras ba kayo aalis?" tanong naman ni Jasper..
"Maaga baby alas nueve nang umaga, sige tatawagan kita, magpapahinga ka na ba baby?" si Kaycee.
"Oo baby may pasok pa ako bukas alam mo namang di ako pwedeng magtamad-tamaran dahil makakasama at para sa future na rin naman natin.." paliwanag pa ni Jasper.
"Naku baby ko talaga, sige na pahinga kana good night be a good boy ha habang wala ako.." lambing naman ni Kaycee..
"Opo baby ko.. Ingat kayo.." ganting tugon naman ni Jasper saka ntuluyan nang pinatay ang kanyang cellphone.
Nakatingala parin sya sa kesame at hinahanap na antukin sya, gusto nya sanang tawagan si Sugar ngunit alam nyang pagod eto kaya naman di na nya inabala hinintay nalang nya na antukin din sya. Di na nya namalayan na unti-unti nang pumipikit ang kanyang mata kung anong oras sya nakatulog yon ang di na nya alam.
Sa kabilang dako naman personal na namaalam si Jeffrey sa Manager nya, sinadya nya ang bar para lang magpaalam dito.
"Naku isang Linggo kang mawawala, maukang malulugi ako ngayong Linggo ah.." biro nang kanyang Manager.
"Minsan lang to Mamu kaya samantalahin ko na bakasyong engrande, minsan lang kaya di ko na papalampasin pa. Pagkatapos naman babalik din agad ako." lambing naman ni Jeffrey sa amo.
"Anu pa nga ba, wala ka ring break kaya pagbibigyan na kita, mag-enjoy ka sa pupuntahan mo at ingat nalang.." paalala naman nang kanyang manager.
"Okey. Salamat Mamu kayo din ingat dito ha.." tugon naman ni Jeffrey.. Sandali pa syang tumambay sa gay bar na iyon, pinagmamasdan ang lahat nang nasa paligid nya.
Natatawa nalang sya kapag iisiping darating ang panahon na mawawala sya dtito at isiping galing din sya dito, di naman nya ikinahihiya eto, kaya lang pinuprotektahan nya lang ang kanyang pangalan sa darating na panahon na magiging isa na syang ganap na Arketekto. Ayaw nyang ang sino mang makakakilala sa kanya ay, pandirihan sya kaya gamit ang kanyang maskara, yon lamang ang paraan para maprotektahan ang pangalang iniingatan.
Nang magsawa na ang kanyang mga mata sa kanyang napapanood, nagpaalam na sya sa manager nya para umuwi, kinawayan naman sya nitu di na lumapit dahil may inaasikasong costumer eto. Sakay ang taxi tinungo nya ang kanilang munting tahanan, para syang tanga na pinagmasdan din ang kabuuan nang squater area na kinatatayuan nang kanilang bahay, at nangarap na balang araw aahon din sya at magkakaroon nang malaking bahay sa isang kilalang subdivision. O magkakaroon nang isang condo unit na malaki. Punong- puno sya nang pangarap nang gabing iyon.
"Eto pala ang epekto nang walang trabaho, lahat nakikita at napapansin ang kawalan.." wika ni Jeffrey sa sarili..
Pagdating na nya nang bahay naabutan nya ang kanyang kapatid na kausap ang nobyo sa maliit na sala nila, ipinakilala sya nang kanyang ate Jen at nakipagkamay naman sya sa amerikanong nagngangalang James. Mukang tuluyan narin na makakaslis ang kanyang ate Jen sa putikan, maganda ang aura nang nakaharap nyang amerikano, kung pagbabasehan ang mukha nitu muka etong mabait, at hindi naman niloloko ang kanyang ate.
Di na sya nagtagal sa sala pumasok din naman agad sya sa kanyang silid para magpahing, upang ihanda ang kanyang katawan sa lakad kinabukasan. Nakahiga na sya at nakatanaw sa yerong bubong nang kanilang bahay, wala naman syang iniisip nasa kawalan lamang at palutang-lutang ang kanyang diwa. Tiningnan nya ang bag na kanina ay kanyang ginayak nandoon pari yon sa pinaglagyan nya kanina, napaisip sya sa babaeng kakaharapin kinabukasan kung anong itsura nitu, ngayon palang sya makikipag utuan sa totoong babae kung sakali. Dahil kung hindi matrona ang kaharap nya, kabaklaan at mga babaeng pakawala o mga babaeng wala nang pag-asang magkanobyo pa. Natatawa sya sa isiping totoong babae. Kase isa lang ang ibig sabiihin non hindi eto disperada kagaya nang kanyang mga nakilala.
>>>>>>>>>> ITUTULOY <<<<<<<<<<