Sheannia's P.O.V.
Night has come again. Nandito na naman ako sa sofa rito sa living room. As usual, waiting for him to come home.
Sanay naman na akong hintayin siya, kahit na walang kasigaraduhan kung ano siyang oras dadating.
Iyong mga pagkain ay nakahanda na sa la mesa. Hindi pa ako kumakain dahil gusto ko siyang makasabay mag-dinner. Sana lang ay hindi pa siya nakapag-dinner sa labas.
I texted him earlier. I asked kung dito ba siya kakain at kung anong oras siya makakauwi.
Natural, magbubunyag ako kung nag-reply siya. As what expected, wala na naman akong napala. Ni hindi man nga lang niya yata niseen iyon.
I yawned and tried not to close my eyes. Inaantok na ako, anong oras na rin kasi.
It is almost eleven at the evening pero wala pa rin siya.
Nangangamba ako baka pala may nangyari na sa kanya. Syempre hindi naman maalis sa akin na mag-alala para sa aking asawa.
Wow, asawa. Big word, huh.
Sana nga ay ituring niya rin ako bilang asawa niya. Iyan ang when?
Muntikan pa akong mapapalakpak nang marinig ko na ang ugong ng sasakyan niya. Sa wakas at nandito na rin siya.
Aside from really waiting for him to come home, gutom na rin talaga ako. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko.
Tumayo ako at sinalubong siya sa may pintuan. A big smile was plastered on my face.
"Kumusta ang work? Kumain ka na ba?" magkasunod kong tanong.
"Work is fine," sagot niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "And yeah, kumain na ako," he said before going upstairs.
Napatikom ako ng bibig. Nawala ang malaki kong ngiti.
Just as expected, ako na namang mag-isa ang kakain sa mga niluto ko.
Pinipigilan ko ang mga luha ko habang nginunguya ang manok. This is what I really hate, ayaw na ayaw kong umiiyak habang kumakain. Pakiramdam ko kasi kapag ganoon ay pasan ko ang lahat ng problema sa mundo.
Nakailang subo lang ako dahil nawalan din ako ng gana. Pwede ko namang i-ref ang mga natira, iinit ko na lang iyon bukas para naman hindi masayang.
Pagkatapos doon ay parang pagod na pagod ang aking katawan, dahil na rin siguro pagod ang aking isipan.
Hindi na ako nag-abalang umakyat pa, sa sofa na ako dito sa living room dumiretso.
I will just sleep here, kahit naman sa tabi niya ako matulog ay parang wala pa rin akong katabi.
Hindi naman masamang magtampo kahit kaunti hindi ba? Ngayon lang naman.
Isiniksik ko ang katawan ko sa may sofa. Hindi na ako nag-abalang kumuha pa ng kumot, bahala na kung lamigin ako. Mas malamig naman ang asawa ko.
Nagulat na lang ako na pagkagising ko ay nasa kwarto na namin ako. Malamang sa malamang ay siya ang naglipat sa akin, kaming dalawa lang naman ang nandito sa mansion niya.
Pero bakit?
Parang tuloy kahit papaano ay nabuhayan ako ng pag-asa. Baka he is really concerned to me? Baka he is just pretending as nonchalant pero may feelings naman pala talaga siya akin.
Natawa na lang ako sa aking naisip. As if naman, mahal niya pa rin ang babaeng iyon. Hindi ako.
Yup. May iba siyang mahal. Nalaman ko lang din sa mismong araw ng kasal namin.
Bumalik ang mga ama namin, they informed us na dadating na ang judge na magkakasal sa amin and we need to prepare.
Bongga nga at bigla ay nagkaroon ako ng wedding dress sa penthouse niya, pinadeliver pala ng ama niya.
Ilang minuto lang din ay dumating na rin ang mga ina namin. Paano pa kami tatakas?
Gusto ko nga ba talagang tumakas?
"Look, we can't marry each other like this," natatarantang saad niya sa akin.
Hindi ako nakakibo dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Napakagat ako sa aking labi at ilang minuto lang ay naglakas loob na akong magtanong sa kanya. "Do you want to stop this? I will-"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mag-ring ang phone niya.
I was frozen on my spot when I saw the caller's name on his phone. My fiancee?
Tinakasan ng dugo ang buo kong mukha.
"Ikakasal ka na?" paos kong tanong.
Damn. Wala talaga akong idea, ni katiting ay wala. I don't even know that he has a fiancee nor a girlfriend.
Ang tagal naming magkasama sa office at walang sign na mayroon siyang ganon.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. I feel guilty, pero hindi ko alam...
Pero sana ay nagtanong muna ako hindi ba?
A lone tear escaped my eyes kaya naman mabilis akong napatalikod sa kanya.
Kumabit ako? I cannot believe this...
Naging lutang ako pagkatapos niyon. Tila nagising na lang ako sa katotohanan ng sabihin ng judge na kasal na kami.
I should be happy because I am married now to him, to the one I love.
Pero hindi ko makuhang maging masaya, knowing that he has already someone.
"Paano na ang relasyon niyo?" mahina kong tanong nang maiwan ulit kami sa kwarto niya.
It was already night, umuwi na rin ang mga parents namin.
I saw how he bite his lips and frustratedly sighed after that.
"I will just talk to her," seryoso niyang sambit.
Napatango na lamang ako.
We are legal now. Kami ang totoong kasal na. Pero hindi ako ang nauna at hindi ako ang mahal.
Ang galing talaga ng tadhana. At talagang malalaman ko pang may papakasalan na pala siya pagkatapos naming magniig? Ang tanga ko.
Kinabukasan nga ay lumipat na kami sa mansion niya. Yeah, he moved out from his penthouse and we will be under the same roof now.
Sa totoo lang ay maraming ari-arihan ang mga Palermo kaya hindi na ako magtataka kung may mansion na nga kaming titirahan.
It was more convenient kasi mas malapit ito sa office.
What is not convenient is ako ang kasama niya sa mansion at hindi ang babaeng mahal niya.
Napasandal ako sa pader, balak ko pa naman na sanang pumasok sa kwarto naming dalawa, pero naudlot iyon nang marinig ko siyang may kausap sa phone.
Ang lambing ng boses niya. How I wish that I can also hear him talk to me like that.
I just got back in the present time when I saw him exit the bathroom. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibaba kaya naman kitang-kita ko ang abs niya.
I'm still getting turned on by him. Pero hindi naman ako makapag demand.
Never ng may nangyari sa aming dalawa pagkatapos ng kasal. He never laid a finger on me. Siguro nga ay diring-diri siya sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin, wala eh, hanggang tingin lang naman kasi ako sa katawan niya.
Mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo para maghilamos ng mukha. Pagkatapos ay bumaba na ako para ipagluto siya ng almusal, kahit naman na baka hindi na naman niya kainin.
Pagkababa niya ay inaayos niya ang kanyang necktie. Tinapunan lang niya ako ng tingin at alam kong hindi na naman siya mag-aalmusal dito.
I always wonder kung totoo nga bang may meeting siya with client for breakfast and dinner.
Deep inside, I know that he might be with her, meeting her and having meals with her.
Alam mo ang masakit? Kapangalan ko pa ang taong mahal niya. Not exactly my name, but we have the same nickname.
Kaya naman pala noong sa bar ay nagulat ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Ibang tao naman pala ang nasa isip niya.
Napangiti na lang ako nang mapait at lumapit sa kanya.
"Let me fix it for you," tukoy ko sa kanyang necktie.
Mabuti naman ay hindi siya umangal, kung hindi ay magwawala talaga ako. Syempre joke lang, baka palayasin pa niya ako 'no.
Bago siya makalabas ay nagsalita mulit ako. "Enjoy your breakfast with your client," utas ko.
Natigilan siya at napatitig sa akin.
Ginawaran ko lang siya ng ngiti at tumalikod na sa kanya. Kakain na naman akong mag-isa.
At siya, baka kumain na naman ng almusal kasama ang totoong gusto niyang maging asawa.