Lara Mahabang inat ang ginawa ko sa sarap ng tulog ko kagabi. Ang ganda pa ng panaginip ko, binuhat daw ako ni Dean pasakay sa sasakyan niya papunta dito sa apartment ko. O diba? Sinong mahaba ang hair? Nangingiti pa ako ng yakapin ko ang unan ko ng napahinto ako at lumaki ang mata ko. Agad akong napabalikwas saka iniligid ang mata ko sa paligid. "Oh, s**t!" nakagat ko ang ibaba kong labi ng katukin ang ulo ko ng reyalidad. Andito nga ako sa kuwarto ko! At hindi pala panaginip ang ginawa ni Dean na pag hatid sa akin. Natutop ko ang ulo ko. Naman, Lara Monique! Mantika ka na talaga matulog ngayon! Kastigo ko sa sarili ko. Ano na lang ang sasabihin ni Dean, matapos kong ubusin yung ice cream niya tapos para pa akong baboy na nag pabuhat sa kanya pauwi. "Ouch!"

