Lara Napasimangot ako. Bakit biglang gumanda ang benta ng shop ko? Kita ko yung mga paubos ng lata ng daisy, lilies pati na mga roses. "Balik kayo, ha!" habol ko dun sa tatlong teenager na babae na bumili ng tig iisang dosena ng roses, siguro para yun sa kanila kasi mukhang walang may mag bibigay sa kanilang lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang mag stay na lamang dito sa labas, ayokong makitang may tagumpay sa labi si Dean dahil pinababayaan ko siyang i-invade ang shop ko. Ngumiti sila sa akin bago pa man sila makalabas pero narinig ko yung pag titili nila, "Ang guwapo nung tindero!?" Ika ni panget number 1. "Oo nga! Kahit maubos ang allowance ko keri lang!" Sabi naman ni panget number 2. "May stolen pictures ako, nakunan ko siya kanina!" Bida ni

