Hindi na malaman ni Silva kung ano ang dapat niyang paghandaan sa date nila ni Marco mamaya. Magpapaganda ba siya? Maghahanap ng magandang damit? Magpapaka-prim and proper? Ano ang aayusin niya para maging kaaya-aya sa paningin ni Marco? She's currently with Rosie again. Nagpasama siya rito sa Summer GMall para mamili ng mga pampaganda and of course, her outfit. Isa ang Summer GMall sa sikat at dinadayong mall dito sa El Paraiso. Ito lang kasi ang nag-iisang malaking nakatayong mall sa bayan. Isang palapag lang ito pero napakalawak. Mapapagod ka lang na ikutin 'to kung gugustuhin. "Bes, doon tayo sa section ng dresses! Oh, my! I'm so excited!" Napahagikhik pa si Silva sa sobrang kilig. Habang si Rosie, pagod na sa kakasunod sa kanya. Kanina pa sila paikot-ikot dito sa mall tapos sa dre

