bc

Starting Over Again

book_age16+
1.8K
FOLLOW
10.9K
READ
independent
sweet
humorous
heavy
serious
bold
city
childhood crush
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

A story of two broken hearts who happened to be childhood friends in the past crossed their paths again. Para makabawi sa mga naglipas na panahon, they have decided to grab a coffee together and talk about life. Sa hindi inaasahang tagpo, iyon pala ang hudyat sa pagbubukas ng panibagong kwento. This time, kwento naman nilang dalawa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Congrats, Mr. and Mrs. Rich Fesco!" Masiglang nagsipalakpakan ang mga tao sa bulwagang iyon. Maliban sa isang dalagang umiiyak sa isang sulok—dating nobya ng groom. Makita mo ba namang ikinasal ang lalaking buong buhay mong minahal? Ikinasal sa ibang babae at hindi sa iyo. "Miss, bakit ka umiiyak?" tanong ng isang lalaki sa tabi nito. Hindi niya alam kung papaanong magsasalita ng normal at hindi mapaghahalataang umiiyak ito. "Tears of joy." Impit ang boses nito na medyo paos na sa pag-iyak. Hindi na muli pang nagtanong ang lalaki. Nagkibit-balikat na lamang ito at itinuon na lamang ang atensyon sa kasalan. His name is Rich Fesco. Ang unang pag-ibig ni Rosie. Inimbitahan niya ang dalaga sa mismong kasal nito. Sa totoo lang ay martyr lang ang babaeng pupunta sa kasal ng lalaking kailanman ay hindi niya tinigilang mahalin. Dahil sa ayaw nitong mapaghalataang apektado ito. Baka nga ay mas masaya itong wala siya. Baka hindi talaga sa kanya sasaya si Rich. Hindi na ito umaasa pang magkakabalikan sila gayong halos dalawang taon na silang wala. Dapat nga ay matagal na itong sumuko. Inayos ni Rosie ang sarili niya at handa na sana siyang lumabas ng venue pero biglang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Boses na pinakanami-miss niyang tumatawag sa pangalan niya. Nagbabadya na naman ang mga luha na ano mang segundo ay papatak. Hindi iyon pinahalata ng dalaga at dahan-dahan niyang nilingon si Rich. "Uy, Rich! Congrats pala!" Pinilit nitong pasiglahin ang boses niya para di niya mahalata ang pag-iyak ng dalaga. "Thanks for coming! I'm so happy!" Sana lahat masaya. Iyon ang tanging nasa isipan ni Rosie ng mga oras na iyon. "No problem. Ah, uuwi na sana ako. Alam mo na, going to pack some stuffs. Lilipat kasi ako," sabi na lamang nito para di na humaba pa ang usapan. Baka maiyak lamang kasi ito lalo. "Ganoon ba. O, sige. Mag-iingat ka ha." Natawa na lamang si Rosie sa mga biniling iyon ni Rich. Hindi nga siya nito iningatan noon, pagkatapos ay ang lakas niyang magbilin ngayon? Wika nito sa sarili. Umalis na siya sa lugar na iyon dahil halos mabiyak na naman ang puso niya. Sana ay ganoon lamang kadaling itapon lahat ng pinagsamahan nila pero hindi, dahil hindi na niya kayang makita ang sariling may minamahal na iba. Siya si Rosie Lim. An independent woman. Pinili niyang manirahan malayo sa ina dahil nais niyang i-challenge ang sarili. Limang taong gulang siya noong manirahan sila sa America. Doon niya nakilala ang dating kasintahang si Rich. Pinuno nila ng alaala ang bawat araw na magkasama. Magkaibigan rin kasi pareho ang mga magulang nila, dahilan para lalo silang magkalapit pa. Pag-uwi nila rito sa Pilipinas ay sumunod na rin sila Rich at hanggang sa Pinas ay magkapit-bahay sila. Ang rason kaya nais nitong lumipat sa malayong probinsya ay para makalimot sa kanyang makaraan na kasama si Rich. Sa pagbalik ng mommy niya sa America ay nagpaiwan na lamang ang dalaga upang maging bantay ng bahay at dito na manirahan kaya't mas lalo itong naging responsable sa sarili. Kung maari sana ay nais niyang lumipat ng El Paraiso upang makalimutan si Rich, marami-rami rin kasi siyang nakikitang advertisements tungkol sa lugar at para talaga itong paraiso. Kung papalarin ay nais nitong magsimulang muli at maghanap ng disenteng trabaho doon. "Hello, Ms. Lim? Ready na po ang unit ninyo. Pwede na po kayong lumipat bukas!" Masiglang pagbalita ng landlady sa J & S Apartments sa El Paraiso. Napangiti naman ito sa ideya na makakapag simula na itong muli sa bago niyang tirahan na wala ang alaala ni Rich. Gusto na nitong palayain ang sarili niya. "Talaga po? Salamat!" Ibinaba na nito ang tawag at nag empake na ng mga dadalhin. Pinahintulutan naman kasi ito ng kanyang mommy kaya't buo na talaga ang loob nito. Suportado naman kasi siya ng ina sa mga desisyon niya sa buhay. Itinapon na niya lahat ng mga regalo na natanggap niya noon mula kay Rich. Tingin kasi nito ay hindi ito makakatulong sa kanya kung patuloy niya pa itong itatago. Hindi naman siya bitter pero kailangan na niyang itapon lahat ng nakakapagpaalala sa kanya sa nakaraan. Inumpisahan nito sa mga alahas, stuff toys, damit at cosmetics. Isinilid niya muna ito sa isang box. Baka babalik rin naman ito dito any time soon kapag umuwi na ang mommy niya. Mabilis na lumipas ang oras at panibagong araw na naman. Ayos na lahat ng kailangan niyang dalhin. Huminga ito ng malalim bago tuluyang sinara ang pintuan ng kanilang bahay. Pinaharurot niya ang kanyang kotse patungong El Paraiso sa mismong address na binigay ng may-ari ng J & S Apartments. Pagkarating niya doon ay iginarahe niya agad ang kotse. Sinalubong naman siya ng landlady at ibinigay agad sa kanya ang susi ng unit niya bago siya iniwan doon para makapag-ayos ng mga gamit. Pagkapasok ng dalaga sa unit ay nakaayos na agad ito. Mayroong maliit na TV, airconditioned ang kwarto at maganda ang pintura. Inihagis nito ang sarili sa malalambot na kama at huminga ng malalim. Hindi na namalayan ng dalaga na nakatulog na pala ito sa pagod. Hindi niya manlang naayos ang mga gamit kinalimutan na muna niya iyon nang kumalam ang kanyang sikmura. Lumabas siya saglit at naghanap ng pinakamalapit na cafe. Maaga pa maman kaya't mag lakad na muna siya sa paghahanap ng makakainan. Gusto kasi nitong makabisado ang lugar at makita ang bawat detalye para hindi ito maligaw kung sakali. Nakakamangha ang sariwang hangin sa probinsyang iyon. Kapag tinanaw mo mula sa terrace ng unit niya ay makikita mo ang dagat at ang malalakas na paghampas ng alon sa dalampasigan. Fortunately, sa paglalakad niya ay natanaw niya ang isang coffee shop. Siguro naman ay mayroon silang pastries? Tanong nito sa sarili. Gutom na kasi ito at ayaw niyang mag lakad ng mas malayo at baka punerarya ang datnan niya sa gutom. Itinulak niya ang glass door ng coffee shop na iyon. Makaluma ang disenyo nito pero napakaganda. Para kang dinadala sa unang panahon. Maganda ang ambiance at kumportable ang lugar. Parang lahat ng customers ay open, mahirap ka man o mayaman. Hindi mo masasabi sa sarili mong pang mayaman lang iyon. Maraming tao pero hindi naman gaano kapuno ang lugar. Medyo malaki rin kasi ito. Maganda rin ang tugtog, nakakarelax at masarap sa tenga na para bang inaakay ang mga tao na pumasok. Solemn lang at chill. Mukhang dadalasan na rito ng dalaga. Tinungo niya ang counter para mag order na at gutom na talaga ito. Naka yuko ang crew dito at parang may nililista yata. "Excuse me, Sir. One americano coffee and creamy pasta, please," magalang na sabi nito. Iniangat ng lalaki ang kanyang ulo at mukhang pamilyar yata ito sa kanya. He somehow look like a korean actor. Para siyang si Park Hyung Sik. Napaisip ito ng mabuti habang tinitignan ang mukha ng lalaki. Iniisip niya kung saan niya ito huling nakita. "You look familiar!" sabay pa nilang sambit habang turo ang isa't-isa. "Ikaw yung sa kasal, 'di ba?" tanong ng dalaga. Kay gwapong nilalang naman ng crew na ito, sa isipan ng dalaga. Moreno at makakapal ang kilay, mahaba rin ang pilik-mata nito. "Ako nga! Ikaw yung umiyak 'di ba? Tears of joy? Talaga?" pagdududa pa nito. Mukhang malakas ang radar nitong isang to. "Please, give me my order. No personal questions, please or else tatawagin ko ang manager niyo," pagbabanta pa ni Rosie sa kanya na naging dahilan para bahagya siyang matawa. Napakunot-noo tuloy si Rosie kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "I am the manager, Miss," proud na proud pa nitong sagot kay Rosie. Syempre hindi nagpatalo ang ating bida. "Then, I'll talk to the owner!" pagdidiin ni Rosie. Tinawanan siyang muli ng lalaki sa pagkakataong iyon na dahilan upang tumaas ang kanyang kilay. "I am the owner too, here is your order, Miss. Tara kape?" Halos napanganga na lamang si Rosie sa mga sinabi nito. So siya ang may ari at siya rin ang manager? Hindi makapaniwala si Rosie. "Table three is available. Doon ka na maupo—sasamahan kita," alok nito at ginawaran si Rosie ng isang matamis na ngiti. Bakit parang nararamdaman ng lalaking ito ang bigat ng puso niya? His place is decent at ayaw ni Rosie na umiyak dito. Una, gutom na siya at pangalawa ay nakakahiya dito sa kasama niyang lalaki sa mesa. Manager s***h owner pala ito. "Madami kang customers. Why did you waste your time sitting beside me?" tanong ng dalaga. "Para kapag umiyak ka ulit, I can give you my cafe's tissue to wipe your tears away. The last time you cried, wala akong dalang panyo, so I just ignored you," anito kay Rosie. Makikita mo ang sinseridad sa mga salitang binitawan niya. Parang katulad ng dati niyang nobyo. Pero bakit? bakit ganito ang inaasal ng lalaki? Para bang matagal na niyang kilala ang dalaga. "Para namang responsibilidad mong bigyan ako ng panyo o tissue? I just felt heavy for 2 years, pero mula ngayon, iiwan ko na lahat ng iyon and move on. Teka, bakit ko nga ba sinasabi sayo? Psh," mataray nitong sagot sa kanya. Halos pinipigilan na naman itong umiyak. Lalo pa at magkaharap pa silang dalawa. "I know, Rich. We are childhood friends and sa pagkakaalam ko ay nakalaro ka na namin noon, Rosie." Bahagya itong nagulat sa inilahad ng binata. Inisip niya pa ng malalim kung sino siya sa kabataan nila. Kung iisipin ay mahigit dalawampu't pitong gulang na sila. Ilang taon na ang lumipas. Hanggang sa my kakaunti itong naalala. "M-Marco?" Halos manlalaki ang mata ni Rosie nang sa wakas ay naalala niya ito. He is Marco Villa. Isa sa mga kalaro nila noon. Mas malapit nga lang ito kay Rich dahil buntot ito ng buntot sa kanya noon. "You got it right, Rosie. That is why, I want to take the responsibility to wipe your tears away. Not because I am a stranger, but because I'm a friend."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Ex-wife

read
211.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
630.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook