CHAPTER 2

2356 Words
Gulat pa rin si Rosie dahil sa mga nalaman nito. Natuklasan nitong ang lalaki sa kasal at ang batang palaging sunod nang sunod kay Rich noong mga bata pa lamang sila ay si Marco. Bata pa lang ay mag kasama na sila ni Rich. Kaya siguro kilala na siya agad nito. Si Marco ay kalaro din nila noon, di nga lang sila malapit sa isa't-isa kaya siguro nakalimutan niya ito kaagad. Wala silang espesyal at magagandang alaalang magkasama. Si Rich lang kasi talaga ang dinidikitan niya noon. Ang natatandaan lamang nito sa kanya noon ay palagi siyang sinasama ni Rich sa laro pero aloof naman ito sa kanila at parang may ibang mundo. Natutuwa siya at naaalala niya pa rin talaga ang dalaga kahit muntik na siyang di maalala nito. Malaking bagay na rin na may kakilala ito rito sa El Paraiso. Just a few walk away from her apartment is his cafe. Iniisip ni Rosie na mabait pa rin sa kanya ang tadhana pero siya nalang yata ang napag-iiwanan. May kanya-kanya na silang business at asawa. Habang siya, nasa moving-on stage pa rin.. Binuksan niya ang kanyang f******k account at may bagong mensahe mula sa kanyang mommy. Tinatanong kung maayos daw ba ang nilipatan nitong apartment, nireplayan naman niya ito agad at sinabing wala naman dapat na ipag-alala ang kanyang ina dahil maganda naman ang nalipatan nitong apartment. Itatago na sana niya ang kanyang android phone pero biglang tumunog ang notification nito. May nagsend sa kanya ng friend request. Hindi na sana niya ito papansinin pero may nagtulak talaga sa kanyang tingnan manlang kung sino ito. Tinignan niya agad ito at halos malusaw siyang makita kung sino iyon. It's Rich. Napaismid na lamang ang dalaga sa pait ng nararamdaman. In-unfriend kasi siya nito 2 years ago tapos ngayon ay in-add niya itong muli. Hindi niya alam kung ano ang gustong sabihin ni Rich dito at inaakalang baka pinaglalaruan lamang siya nito. Huminga si Rosie ng malalim at binura ang friend request. Gusto na nitong makalimot sa sakit at sa tingin niya ay hindi makakatulong kung patuloy pa nitong dudugtungan ang matagal nang naputol. Kung kaya lang ay ayaw na niyang magkaroon ng ano pa mang kuneksyon sa binata. Masyado nang masakit. Napagpasyahan na lamang niyang tapusin ang napakagandang araw na ito para ayuson ang mga kagamitan niya. Isa kasi sa pinakaayaw ni Rosie ay ang makalat, nagbibigay ng sakit sa ulo ito sakanya. Mamaya pa ay titingnan niya kung mayroon bang nakatira doon sa kabilang unit at upang ipaalam sa kanila na may bago silang kapitbahay na maganda. Natatawa na lamang si Rosie sa kanyang isipan. Paraan niya na rin ito upang ibaling sa iba ang sarili. Balak rin niyang mag-apply ng trabaho kapag okay na ang lahat. Kahit papaano ay ayaw rin niyang maging patapon ang buhay niya. Sinimulan niya na ang pag-aayos ng kanyang kwarto. Mayroon na agad na cabinet kaya doon na niya nilagay ang mga gamit niya. Lalo na ang mga damit niyang for all occassions. Sinecure na din niya ang kanyang make-kits. Syempre, hindi puwedeng broken hearted na nga tapos magpapakalosyang pa ito. Nilabas niya mula sa isang maleta ang makakapal na comforters. Sa makatuwid, mahilig itong bumili ng comforters. Tila ito na lang yata ang nagco-comfort sa kanya maliban sa mommy niya. Pagkatapos niya sa kwarto ay kusina naman. Kinuha na muna nito sa kotse ang ilang mga gamit niya para sa kusina. Hindi pa pala kasi niya ito nakukuha, mahirap pagsabayin. Nasa second floor ang unit niya at nang i-akyat niya ang mga maleta niyang halos malaki pa sa kanya ay parang hindi na niya kakayanin pang bumaba. Nakatulog na nga agad ang dalaga pagkatapos noon. Gutom na gutom na itong gumising dahil sa pagdaing ng kanyang sikmura. Halos ginawa niya na lahat para maging busy sa araw na to. Kahit malinis ang banyo ay kinuskos niya pa rin ng kinuskos. Natapos rin naman ito bandang alas kwatro ng hapon. Pagod na pagod niyang inihagis ang katawan niya sa kama at natulog muna saglit. "Tao po?" Sunod-sunod na pagkatok ng pintuan ang gumising sa pagod at natutulog na dalaga. Pilit niyang iminulat ang mga mata niya kahit na inaantok pa. Inisip nitong sino naman kaya ang kakatok sa kanyang pinto sa ganitong oras? Binalingan niya ng tingin ang kanyang relo at nataranta siya nang makita kung anong oras na. Alas nuwebe na pala at napasarap yata ang kanyang tulog. Napabalikwas agad siya sa higaan at tinungo ang pintuan upang pagbuksan kung sino ang kanina pang katok nang katok. "May tao po ba rito?" tanong ng lalaki na panay parin ang katok sa pinto. Pinagbuksan niya na ang pinto upang tingnan kung sino ang lalaking nang istorbo sa kanyang pagtulog. Pagkabukas nito ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha. "Marco? Ba't ka andito?" Nanlalaki pa ang mata ni Rosie sa gulat. Hindi nito inaasahang siya ang makikita. Pinunasan niya ang nanuyong laway sa gilid ng kanyang labi at kukurap-kurap pa sa harapan ng binata. "This is my Aunt's. Dito ka nakatira?" kyuryosong tanong ni Marco rito. Halos hindi ito makapaniwala. Napakaliit naman talaga ng mundo. "Wow, coinsidences nga naman. Kakalipat ko lang dito kanina, I forgot to tell you noong nandoon tayo sa shop mo," pagpapaliwanag ni Rosie rito. "That's good to hear. Remind lang sana kita na need mong i-on itong bulb sa labas ng room mo kapag nandito ka. Diyan kasi namin bine-base kung nandito ang owner sa loob. Naistorbo yata kita sa tulog mo at mukhang inaantok ka pa. Since bago ka palang, I understand. Ibinilin kasi sa akin ni Tita itong unit mo so I checked on it," mahabang pagpapaliwanag nito. Napakaswabe nitong magsalita. Napakalalaki. Hindi nito mapigilang di humanga rito. Tapos siya ay parang walang plano sa buhay? Ngayon, oras na para sa isang magandang simula. "Salamat sa pagpapaalala." Ginawaran niya ng ngiti ang binata at isinara na ang pinto kahit may sasabihin pa sana ito. Alas nuwebe na at hindi pa pala ito nakakakain. Puro tulog kasi inatupag nito buong araw. Wala pa naman itong groceries ngayo. Palaisipan sa kanya ngayon kung ano ang kakainin niya at kung saan siya makakahagilap ng pagkain. Sa huli ay napagdesisyunan na lamang niyang bumili ng cup noodles sa baba. Maghahanap na lamang siya ng isang convenient store. Tulad ng ibang isla ay maganda rin dito sa El Paraiso. Probinsya, tahimik, at walang gulo. Maihahalintulad rin ito sa Boracay. Nagpalit na ito ng damit at nagsuot ng isang cap para hindi siya mahamugan at baka sipunin pa ito. Paakyat na siya sa second floor nang makita niyang muli si Marco. "Uy, Rosie, sa baba ka galing?" tanong nito sa kanya na naka ngiti tsaka tumigil ito saglit. "Ah, oo. Ginutom, e." Sabay pakita nito sa kanya ng hawak nitong cup noodles. "Not healthy," he responded and shooked his head. Dumiretso na si Maro pababa at si Rosie naman ay dumiretso na rin sa unit niya. Gutom na ito at wala na itong panahon para pumili ng healthy sa unhealthy na pagkain. Aarte pa ba ito? wala na itong panahon para maging pihikan dahil kung tutuusin ay wala naman itong choice. KINABUKASAN ay masiglang gumising si Rosie. Napakagandang araw na naman para kanyang simulan. Napagpasyahan nitong maghanap ng trabaho ngayong araw dahil maganda naman ang klima. Malamig ang simoy ng hangin at dinadala nito ang amoy ng dagat. Tinanaw niya munang saglit ang baybayin bago ito dumiretso sa shower. Labing limang minuto lamang ito sa banyo at natapos na agad sa paliligo. Nagblower ng buhok para mabilis matuyo. Naglagay siya ng light make-up sa mukha na siya namang nakapagpaganda sa kanya ng husto. Natural na natural lamang ito at mas lalo lamang lumabas ang natural nitong ganda. Handa na ito upang gawing produktibo ang kanyang araw. Isinara na niya ang pintuan ng kanyang unit. Napasapok ito sa kanyang ulo nang maalala niyang hindi naman pala siya nakagawa ng resume o biodata manlang. Isa nanamang katangahang pangyayari kung iisipin niya. Bubuksan na lamang sana niya ulit ang kanyang unit para gumawa ng resume nang biglang lumabas sa katabing unit si Marco. Napakunot-noo na lamang siya dahil sa paulit-ulit nilang pagkikita ni Marco. Siya lamang pala ang nasa kabilang unit na balak pa sana niyang puntahan upang makipagkilala. "Ikaw na naman?" natatawang tanong ni Marco sa dalaga at napakamot sa kanyang ulo. "Uh, yeah? Ikaw pala ang naka-occupy dyan sa kabilang unit?" tanong ng dalaga rito. "Yes, since malapit lang naman dito yung cafe ko so I just decided to stay here," anito sa isang malambing na tinig. Sasagot pa sana ang dalaga nang magsalita itong muli. "Hindi ka na aalis?" tanong ni Marco na tila nagtataka. "Ah, e, nakalimutan kong gumawa ng resume at tsaka biodata eh. Maghahanap ako ng mapapasukan ngayon, pansamantala. Alam mo na, bumabawi," sagot ni Rosie nang nakangiti. "Wow, that's good. You can apply at my cafe, I'm in need of a manager!" Offer ng binata rito. Napakabait talaga ni Marco sa kanya na para bang ayaw niyang pinahihirapan ito. "Uy, baka naman may iba pang applicants na mas fit dyan? Alam mo na, I worked at a call center before so I feel like I don't suit the manager position." Pagpapaliwanag naman ng dalaga. Matagal na rin naman itong huminto sa call center agency na pinapasukan niya. Labis kasi talaga ang dalang sakit sa kanya ng heartbreak nila ni Rich kaya't halos mapariwara ito. "See this as a help from a friend. 'Wag ka nang gumawa ng resume o bio-data man, I got you," sagot ng ni Marco at kumindat pa kay Rosie. Dahil doon ay nakaramdam ito ng pamumula sa kanyang pisngi. Ayaw naman niyang isipin na may iba pa itong kahulugan at isa pa ay mapupula naman talaga ang pisnge nito, kaya nga Rosie ang ipinangalan sa kanya. "E, 'di okay! So, Sir? Kailan ako mag-uumpisa?" masiglang tugon ng dalaga. "Today!" masigla ring sagot ni Marco sa kanya sabay gawad sakanya ng isang napakatamis na ngiti. "Today?" Pag-uulit pa nito at baka nagkamali lamang siya ng dinig. "Yes, today," he said firmly. Ngayon ay kasalukuyang nasa cafe na sila at tinuturuan ni Marco si Rosie ng mga dapat nitong matutunan bilang manager. Hindi mapigilan ni Rosie na humanga rito. Nakakahanga kung gaano ni Marco kakabisado ang kanyang business. Nagagalingan siya rito dahil hindi niya lubos akalain kung paanong napagsasabay ng binata ang lahat ng gawain sa cafe bilang crew, manager, at mismong owner. "Are you willing to franchise your cafe Marco?" tanong ni Rosie rito. "Well, maybe soon. Para naman mas makilala pa itong shop ko at mas lumago. If and only if, I still have you here." Saka ito ngumiti ng ubod ng tamis. "That's great! Malay mo, soon ako ang unang mag franchise nito. So you need to hire a manager again," confident na wika ni Rosie. "Ayaw ko na palang i-franchise," pagbibirog sabi ng binata. Marahil ayaw nitong mawalan agad siya ng manager gayong nais nitong mas mapalapit pang mabuti Rosie dahil hindi siya nagkaroon ng tyansa na maging malapit sa kanya noon. "Baka gusto mo talagang malugi itong cafe mo, ano?" pabiro rin na sagot ng dalaga. Syempre ay wala pang alam masyado si Rosie kung paanong pinapaikot ang business. "Ano ka ba, syempre hindi kita pababayaan," wika ni Marco na siyang nakapagpatindig ng mga balahibo ni Rosie. Hindi nito alam kung ano ang iaakto niya sa narinig. Kung kikiligin ba siya o matatawa dahil baka binibiro lamang siya nito. "Sus narinig ko na iyan," kontra ni Rosie. "I am different! I mean, my cafe is different!" depensa pa ni Marco at tunog confident na confident talaga siya rito. Well, may point nga naman ito. Nakikita naman ni Rosie ang sineridad ni Marco sa kanya at humahanga ito sa kung paano niya nagagawa lahat ng ito ng mag-isa lang kaya't desidido siyang tulungan na lang din si Marco habang kinakalimutan niya ang sakit ng kahapon niya. "Tara, kape tayo?" alok nito sa dalaga sa kalagitnaan ng pagtuturo niya rito. Masakit na rin naman ang ulo nito at parang di na niya yata kaya i-absorb lahat-lahat sa isang bagsakan lang. "And then?" tanong ni Rosie. "Pag-usapan natin kung bakit kayo nagkahiwalay," seryosong pagkakasambit nito. Natigilan rito si Rosie na tila hindi na kayang maibuka pa ang mga labi upang bumigkas ng salita. Nadagdagan na lang yata ang sakit ng ulo niya. Huminga muna ito ng malalim at ngumiti ng pilit. "Sure." Tipid nitong sagot. Pinipilit na ipakitang hindi apektado. Maganda naman ang cafe ni Marco at mukhang magandang mag emote rito lalo na't nagkakape sila. Pero pinangako na niya sa sarili niya na hindi na siya iiyak pa. Sana... "So what happened between the two of you?" He asked Rosie intently. Sinariwang muli ng dalaga ang mga araw na nag umpisa pa lamang silang magkalabuan ni Rich. FLASHBACK 2 years ago... "Love, busy ka ba? Labas naman tayo. I want to buy new clothes. Alam mo na, para may masuot ako for work," tanong ni Rosie sa kasintahang si Rich sa telepono. "Damit na naman? Rosie, kahit ano nalang diyan, busy ako, e. I have tons of applicants today, alam mo naman nasa HR department ako tsaka job fare this week." Iritado ang boses nito pero dati naman nasasamahan niya pa ang dalaga kahit gaano pa siya karaming ginagawa. "E, hindi ba love, before nahahanapan mo naman ng paraan? Baka pwede naman ngayon, love." Hinaluan nito ng kaunting lambing at baka madala ito pero namali yata siya ng galaw. "Ang kulit naman, Rosie! Hahanap na naman ng paraan! Umalis ka na lang mag-isa!" sigaw nito at tsaka biglang binaba ang tawag. Nanlumo ang dalaga sa inasal na iyon ni Rich hindi dahil sa binabaan niya ito kung hindi dahil sa sinisigawan na niya ang dalaga na dati naman ay hindi niya gawain. Parang ibang tao na ang mahal niya ngayon. Mula dise-otso ay naging magkasintahan na sila. Bukod doon ay magkasama na rin sila at magkalaro mula noong limang taong gulang pa lamang. Matagal na silang halos buong buhay ay magkasama at ngayon lamang siya nito sinaktan ng ganito. Biglaan at hindi niya lubos maisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD