"Love, nagyaya mga workmate ko. Inuman daw. Diyan lang naman sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko." Boses ni Rich sa kabilang linya na tila nais makumbinsi si Rosie na payagan itong lumabas kasama ang mga kasamahan sa trabaho. Gabi na at mahirap na at baka mapano pa siya sa daan.
"E, hindi ba puwedeng sa weekend na lang iyan, love? Gabi na, o. Magwo-worry si tita sa iyo niyan," mahinahong tugon ni Rosie sa kabilang linya.
"Ano ka ba? Parang 'di mo kilala si Mommy. Huwag mong sabihing ayaw mong pumayag?" Pagalit ang tono nito. Nagsisimula na naman siya ng away.
"Para naman iyon sa iyo, Rich! Gabi na, tapos iinom kayo. E, paano kung may mangyari sa iyo sa daan?" pangaral ng dalaga rito.
"Para ka namang nanay ko kung mag salita!" Pagalit na sagot nito at agad na pinatayan ng tawag ang dalaga. Nanlambot ang mga tuhod ni Rosie. Hindi niya na alam kung ano ang mararamdaman. Sakit ba o galit?
Isang linggo ang lumipas nung huli silang magkausap sa telepono. Ang ipinagtataka ng dalaga ay hindi manlang ito kinontak ni Rich. Miss na miss na siya ng dalaga kaya't wala itong nagawa kung hindi ang pumunta sa bahay nito.
Nadatnan niya namang nagdidilig ng halaman ang mommy ni Rich sa labas kaya't dumiretso na ito.
"Good morning, Tita. Si Rich po?" tanong nito.
"Nasa kwarto niya, Rosie. Puntahan mo na lang," she answered and smiled.
Hindi na sumagot si Rosie bagkos ay pumasok na sa bahay at dumiretso sa kwarto ni Rich. Ngumiti ito ng pagkalapad-lapad nang makita ang binata. Sobrang na-miss niya si Rich. Niyakap niya ito ng mahigpit at sinserong tiningnan sa mga mata niya Pero may isang napansin si Rosie sa kasintahan na siyang nakapagpasikip ng dibdib niya. Ang mga ngiti ni Rich ay hindi na kasing tamis ng dati.
"Rosie," wika ni Rich. Malamig ang boses nito. Walang buhay at walang emosyon ang kanyang mukha nang sambitin niya ang pangalan ng dalaga. Wala nang pagkasabik, wala nang pagmamahal.
"Hmmm?" aagot ng dalaga at umupo sa kanyang tabi.
"Let's break up." Iyan lang ang isinagot ni Rich. Hindi pa tuluyang nag-sink in sa utak ng dalaga ang lahat. Halos hindi nga niya nagawang kumurap at naka titig lang ito sa kanya. Sinubukan niyang pigilin ang mga luha niya pero kusa na itong pumatak. Para siyang sinaksak ng napakaraming kutsilyo na baon na baon sa puso niya.
"Don't joke around like that, Rich. I am your only Rosie! We are not breaking up!" natatawa pero maluha-luha na si Rosie na nagsisigaw niyon. Nanlalambot na rin ang kanyang mga tuhod at tila ano mang oras ay tutumba na ito sa sakit—sakit ng puso niya na animo'y tinutusok ng libo-libong kutsilyo.
"I'm sorry." He looked away after he said that at umalis sa tabi ng dalaga.
"Bakit naman ganoon, Rich? Anong problema? Anong nagawa ko?" Sunod-sunod niya itong binato ng tanong habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. She even kneeled in front of Rich, but he left her there, crying over what's been done. Tapos na ang relasyon nila.
End of Flashback
"Pero hindi niya ako sinagot. Kahit isa sa mga tanong ko ay wala siyang sinagot. Sobrang sakit. Ganoon na ba ako kasamang girlfriend para pagkaitan niya ako ng explanation? Pwede naman niyang sabihing meron na siyang iba. Tatanggapin ko naman iyon, pero lumipas na ang dalawang taon at hindi ko pa rin alam ang dahilan ng hiwalayan namin. Siguro ganoon talaga ang buhay, Marco. Hindi lahat nang matagal mong nakasama ay makakasama mong panghabang-buhay. Kahit pala gaano pa kahaba ang naging pinagsamahan ninyo, sa isang iglap, pwede iyong mabura." Masakit pero pilit na tinapos ni Rosie ang kanyang eksplenasyon.
Hindi na nagsalita pa si Marco. He just gave her a half smile. there, a tear dropped on Rosie's cheeks again. Luhang akala niya ay hindi na papatak.
"Don't cry," he just said and handed Rosie some tissue.
"Baliw, okay na ako. Kasal na iyong tao. Naka move-on na silang lahat maliban sa akin," sagot nito habang patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga pisngi. Binigyan niya na lamang si Marco ng isang pilit na ngiti.
"Maybe he has a reason na siya lang ang dapat makaalam," tanging nasabi lamang ni Marco upang mapagaan ang loob ng dalaga.
"Ewan ko. Kung ano man iyon, wala na akong pakialam. Labas na ako doon, Marco. Ang importante ay ang ngayon. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay. I've been broken and wasted for 2 years. Halos pinabayaan ko ang sarili ko. Kung nakilala sana kita agad noon, 'di sana ay may shop na rin ako ngayon, business minded ka pala." Pabiro pa ni Rosie sa kanya saka hinampas siya ng kaunti sa kanyang balikat bago nagsalita itong muli.
"I lost everything and even myself just trying to find him." This time, humagulgol na ito ng sobra. Hindi na niya pinansin kung pinagtitinginan ba siya ng mga tao.
"Then I'll help you find yourself again, Rosie. Even if that means I'd be losing myself too," sagot ni Marco rito pagkatapos ay sinuklay nito ang buhok ng dalaga gamit ang kanyang mga daliri. Napatitig sa kanya ang dalaga. Nangungusap ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya kung isalba ni Marco.
She smiled and sipped her coffee. Binigyan siya ni Marco ng isang assuring na ngiti. Na tila ba sinasabing siya na ang bahala sa dalaga at huwag na itong mangamba. That he'll always be there to save her from the pain of her past.
"Bakit mo ba ito ginagawa, Marco?" kyuryosong tanong ni Rosie sa binata. Malaki kasi ang agarang tulong na naibigay ni Marco magmula noong lumipat ito sa El Paraiso. Parang nakatadhanang dalhin siya ng kanyang mga paa sa cafe nito.
"Because you are my friend! May iba pa bang rason?" diretsong tugon ni Marco sa kanya.
Hindi na nakapag-concentrate ang binata dahil sa tanong na iyon ng dalaga. Iniisip nito na ganoon na siguro kamanhid ang dalaga na hindi agad mapansin-pansin ang espesyal na turing sakanya ng binata. He was like caught off guard.
"E, ikaw ba, Marco? Nagka-girlfriend ka na?" Tanong ng dalaga rito habang hinihigop ang kanyang kape na nanlamig na.
"Nope, but I only love just one girl in my life," anito habang diretsong nakatingin sa mga magagandang mata ni Rosie. Hindi makapaniwala ang dalaga na buong buhay ni Marco ay isang babae lamang ang minahal nito. Swerte naman ng babaeng iyon kung ganoon, sa isip niya pa dahil nakay Marco na ang lahat. Gentleman, guwapo, sweet, magalang, goal-oriented at isa pa ay financially stable.
"E, kwentuhan mo naman ako." kyuryosong wika ni Rosie. Ang kaninang pagiging nasa hot seat ni Rosie ay nalipat na ngayon kay Marco.
"She's cute and courageous. Bata pa lamang kami, nakikita ko nang matapang siya. Palaban siyang babae. Kaso hindi nga niya ako pinapansin, eh." Napakamot na lamang ing ulo si Marco. Medyo natawa naman si Rosie sa kwento nito.
"I am watching her nang hindi niya nalalaman. Bata pa lamang kasi kami, alam ko na na hindi ako ang mundo niya," dugtong pa nito. This time, si Marco naman ang humigop ng kanyang kape.
"But up until now, I am still watching over her," wika nitong muli at tinapos ang kwento niyanng nakangiti. Mas lalo namang bumilib sa kanya si Rosie dahil sa pagmamahal nito sa babaeng tinutukoy niya nang walang hinihintay na kapalit.
"Huwag kang tumigil. Pursue her!" anito sa masiglang boses. Na para bang confident itong mapapasagot ni Marco ang babaeng kinukwento niya sa dalaga.
"Gusto mo, tulungan pa kita, e.. Ano ba ang pangalan niya?" tanong nito.
Natigilan saglit si Marco at nagsalita. Tiningan niya ng mata sa mata ang dalaga.
"Rosie," bigkas nito at halos mabingi ang dalaga sa narinig niya.
"Huh?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"I m-mean, Rosie yung labi mo may kape pa," bawi nito.
Agad namang kinapa ni Rosie ang labi niya at pinunasan. Muntik na roon si Marco. Pero sa totoo lamang ay wala naman talagang kape ang labi ni Rosie. Talagang nadala lamang ito at palusot lamang iyon dahil mukhang kanina pa itong nawawala sa focus.
"Salamat," nahihiyang sagot ni Rosie. Sa lahat naman kasi ng mapupuna ni Marco ay iyong bibig niya pa na may kape kahit wala naman talaga. Napaghahalataan tuloy itong matakaw sa kape.
"Back to the chika. Sino na nga?" Pag-iiba nito ng usapan.
"Next time na lang, Rosie. Dumadami na ang customers oh." Sabay turo ni Marco sa mga nagsisidatingang customers. Nakanguso naman si Rosie na napatingin na lamang rin sa mga customers na nagsisidatingan na nga.
"Ang daya naman," nakapamewang nitong sabi sabay kamot ng kanyang ulo.
Iyon lamang ang sinabi ni Marco at iniwan na ang dalaga sa mesa. Nabitin naman ng bahagya si Rosie sa kwento nito kaya't naisip niyang sa susunod na lamang niya itatanong. Totoo naman kasing madami nang dumarating na tao at nandito naman siya para magtrabaho at hindi para magtsismis. Naturingan pa naman itong manager kaya't nararapat lang na ayusin niya ang trabaho niya.
Sa kalagitnaan ng pag dagsa ng mga tao ay nakaisip ng ideya si Rosie.
"Uy, ano kaya kung mag hire tayo ng part- timer?" tanong niya rito habang abala siya sa pag seserve sa mga customers.
"Sure. Puwede naman iyan, since dumarami na din ang customers natin araw-araw. Swerte ka yata eh." Panunukso pa nito sa kanya.
"Talaga? E, wala naman ako masyadong naitutulong sa iyo, ano. Niloloko mo naman ako eh," sagot niya rito.
Iniisip ni Rosie na baka siya pa nga ang magdala ng malas sa business ng kaibigan.
"Mahal mo pa rin ba si Rich?" tanong ni Marco out of nowhere na siyang nakapagpagulat sa dalaga. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon kahit pa kanina lang ay nag-open up siya sa binata tungkol sa nakaraan nila.
"Ginugulat mo naman ako sa mga tanong-tanong mo na iyan, Marco! Ano ka ba, syempre hindi—"
"Hindi na? Hindi mo na ba mahal?" tanong nito. Hindi niya manlang ito pinatapos magsalita.
"Uh, what I mean is, hindi pa ako nakakalimot ng tuluyan?" hindi siguradong sagot nito. Totoo naman kasi na hindi pa talaga ito nakakapag move-on. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula noong kasal ng dating nobyo niya. Kung madali lang sana na mag move-on 'di sana ay nakapagasawa na rin ito ngayon, aniya sa sarili. Pagkatapos ng mabilis na usapang iyon ay katahimikan na ang namagitan sa dalawa. Hindi na kinausap pang muli ni Marco ang dalaga hanggang sa magsara ang cafe nito. Napaisip tuloy ito kung anong nangyari sa binata at bigla na lamang tumahimik.
"Uy, Marco, uuwi ka na ba? Sabay na tayo," nakangiting tanong ni Rosie habang sinasara ni Marco ang shop.
"Sure," maikling tugon ni Marco at hindi manlang nilingon ang dalaga. Maging ang matatamis nitong ngiti tuwing kausap si Rosie ay tila nalusaw na.
"Okay ka lang ba? Do you have any problem?" nag-aalalang tanong ng dalaga sa kanya. This is not so him.
"Nothing, Rosie," tanging nasabi lang nito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
Kasalukuyan nang nasa kama si Rosie at nilalantakan ang take-out niyang cheese cake kanina. Pangpawala niya rin ito ng stress. Masyado kasi itong nastress kakaisip kung anong nangyari kay Marco at biglang natahimik. Iniisip niya tuloy kung may nagawa ba siyang mali? May nasabi ba siyang hindi maganda? O, hindi niya ginampanan ng mabuti ang unang araw niya sa trabaho?
"Hmp! Bahala ka nga diyan Marco. Basta ako, busog na!" bulalas ng dalaga sa kawalan at tiningnan ang kanyang wrist watch kung anong oras na. Alas kwatro 'y medya pa lang naman pala kaya't naisipan nitong maya-maya na lamang magluto.
Isusubo na sana nito ang isang slice ng cake na kinakain ng tumunog bigla ang kanyang android phone. Natawag pala ang mommy niya. Wala namang iba pang tumatawag sa kanya kung hindi ito lang. Sa nangyaring hiwalayan kasi ay pinagtataboy ni Rosie ang mga kakilala niya lalo na ang kaibigang si Silva. Pakiramdam niya kasi ay walang makakaintindi sa nararamdaman niyang sakit. Nabulag siya ng sakit at umabot sa puntong wala na itong pinakikinggan maliban sa mommy niya. Pinutol na nito ang kuneksyon sa mga kakilala at kaibigan pero ngayon umaasa ito na makikita niya silang muli, lalo na si Silva. Kahit si Silva manlang.
Naka ilang ring pa ang mommy niyabago nito nasagot ang tawag. Malayo yata ang nilipad ng utak ng dalaga at nawala sa isip ang tumatawag na ina.
"Uuwi kami diyan sa Pinas soon, anak. Bisitahin mo naman ang bahay natin sa city. Doon kami mamamalagi ng kapatid mo," wika ng mommy nito sa kabilang linya.
May nakababatang kapatid si Rosie na kahit papano ay kahawig nito. Labing-anim na taong gulang na ito at nagngangalang Roché. Nanlumo agad ang dalaga sa ideyang babalik na naman siya sa city na nangangahulugan lamang na maaaring bumalik na naman ang mga alaala nito sa dating nobyo.
"Anak? Nandyan ka pa ba?" tanong muli ng kanyang mommy sa kabilang linya. Hindi kasi agad ito nakasagot bagkos tila nagsara na ang bibig sa narinig.
"Yes, Mom. Sure!" Kung pakikinggan ay parang buo ang loob ng dalaga at sigurado. Pero sa totoo lang ay hindi pa ito handa gayong iisang village lang ang tinitirhan nila nina Rich.
"Okay lang ba talaga?" tanong muli nito.
"Okay nga lang, Mom. Sige na po! Bye na!" tanging nasabi nito at pinatay ang tawag.
Tinatanong na ni Rosie ngayon ang sarili kung ano na ang magiging susunod na hakbang niya? Marami-rami pa naman itong oras na makapaghanda. Wala nang makapagpapalakas ng loob niya bukod sa sarili niya. Kailangang maipakita niya kay Rich na hindi na siya apektado rito.