Maagang nagising si Rosie kaya't mas pinag-igihan niya ang paghahanda sa pagpasok sa trabaho. Tiningnan niya ang kanyang sariling repleksyon sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. She's not too well although she's getting better since there is a leap of faith inside her at alam niya sa sarili niyang ano mang araw mula ngayon ay makakalimutan rin niya si Rich. Two years of agony is enough para matauhan siyang wala na ang dating nobyo at kailanman, kahit umiyak pa siya ng gabaldeng luha, hindi na babalik si Rich at mas lalong hindi na siya nito mamahalin pang muli. She ironically smiled in disbelief that this is actually happening. Parang kahapon lang ay halos magluhod ito at magmakaawa kay Rich na h'wag siya nitong iwan. She can't believe that she was once so pathetic but that's all in the past now. What matters most is that she can start over again sa El Paraiso.
Natatawa si Rosie na napasapok sa kanyang noo."Seriously, Rosie? Lumuhod ka para sa isang lalaki, lang? Buti na lang, hindi nagtampo si Lord sa'yo. Dapat sa kanya ka lang luluhod e," aniya sa kanyang sarili. Napailing-iling na lamang siya saka inisip na nababaliw na yata siya at kinakausap na niya ang sarili niya.
Hinigit na niya ang kanyang bag na nakapatong sa sofa saka isinabit 'yon sa kanyang balikat. Sisipol-sipol pa siyang lumabas ng unit niya. She felt peaceful now. Mukhang magtutuloy-tuloy na nga ang pagmo-move-on niya sa wakas.
"GOOD morning, Marco!" masigla niyang bati sa binata na kasalukuyang nasa counter.
Ngumiti si Marco sa kanya. "Mukhang masaya ka ngayon, ah?" puna nito.
Nagkibit-balikat naman ang dalaga. "Well, wala naman nang rason para maging malungkot. Life needs to be fun and exciting!" galak na galak niyang sagot.
"That's good too hear, Rosie," he said as he pat her head na animo'y isa itong bata.
"Stop doing that, Marco," suway ni Rosie saka inilayo ng kaunti ang sarili sa binata. "Ginugulo mo ang buhok ko, e. Alam mo bang gumising ako ng maaga para riyan?" biro pa niya saka pakunwaring inaayos-ayos ang buhok.
"Ganyang ayos? Mukhang ginisingan na 'yan ng maaga? Stop kidding, Rosie."
"Aba't! So sinasabi mong hindi maayos itong itsura ko ngayon?" taas-kilay na sagot ng dalaga as she crossed her arms.
"We're talking about your hair, not your face. No one's gonna beat your angelic face, Rosie," ani Marco.
Napa-pout naman si Rosie sa mga tinuran nito. "Ayan! Diyan kayo magaling, e. Ang hihilig niyong mga lalaking mambola,"pambabara ng dalaga.
"Katotohanan 'yon, Rosie," ani Marco.
"Katotohanan rin 'yon, Marco," ayaw paawat na tugon ni Rosie.
Napakamot ng ulo si Marco at napangisi na lang.
"Umagang-umaga ay may kabangayan ka, Marco." Pamilyar ang boses ng babaeng kakapasok lang sa cafe.
Sabay na napalingon sina Rosie at Marco rito.
"Silva?" kunot-noong untag Rosie. It was Silva. Her best friend. Nakaramdam tuloy ng guilt si Rosie. After kasi ng break-up nila ni Rich ay halos itaboy niya lahat ng mga kaibigan at kakilala niya. Tanging sa kanyang ina lamang siya nakikinig. Pakiramdam niya kasi, walang makakaintindi sa nararamdaman niya maliban sa sarili niya. Exemption na lang ang ina niya.
She saw coldness in Silva's eyes. Hindi siya nito pinansin bagkos, nilagpasan siya nito saka dumiretso sa counter kung nasaan si Marco. Naiintindihan niya iyon. Naiiintindihan niya kung bakit umaarte si Silva na parang hindi siya nito kilala. Naiintindihan niya kung galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon kahit dalawang-taon na ang nakakalipas. Sinisi niya ang sariling kababawan niya dahil hinayaan niyang malunod ang sarili niya sa sakit kaya't hindi manlang niya na-appreciate ang mga taong willing na tulungan siyang makabangon mula sa sakit ng hiwalayan nila ni Rich.
Marco seemed puzzled. "Silva!" aniya kay Silva na ngayon ay kaharap na niya sa counter.
"What's up, Marco? I delivered the pastries that you ordered yesterday. Here's the receipt," ani Silva saka iniabot ang maliit na papel kay Marco. Nagkataong si Silva ang supplier ni Marco ng mga freshly baked pastries. Tadhana nga naman. Mahigit dalawang taon na itong supplier ni Marco kaya't naging magkaibigan na rin naman ang dalawa.
"Thanks, Silv. So, are you leaving now?" tanong ng binatang si Marco.
Nakatayo pa rin si Rosie na mukhang na-estatwa na sa kinatatayuan niya.
"Oh, yes. Kakapasok ko pa lang, pero pakiramdam ko ay sira na ang araw ko," pagpaparinig ni Silva. Pilit siyang ngumiti kay Marco saka tuluyan nang lumabas ng coffee shop ng binata.
Akala ni Rosie ay susulyapan manlang siya ng kaibigan pero hanggang makalabas ito ay hindi manlang siya nito tiningnan.
"Rosie, do you know Silva?" tanong ni Marco. "I'm not stupid not to sense something going on." Mukhang malakas ang radar nito.
Nilapitan ni Marco ang dalaga. "Let's sit here for a while, talk to me. Wala pa namang customers. Maaga tayo ngayon," anito kay Rosie.
Sinunod ni Rosie ang sinabi nito. Naupo nga sila sa isang table malapit sa counter. Mabigat ang pakiramdam ni Rosie nun. Parang ayaw niyang magbitaw ng salita. Alam kasi niyang siya ang mali.
"So, what happened?"
Humugot ng isang malalim na hininga si Rosie before she uttered. "We're best friends but I pushed her away nung mga panahong kakahiwalay lang namin ni Rich. I was irritated and annoyed of everyone that time. Pakiramdam ko ay hindi nila ako maiintindihan kailanman kaya ko pinagtataboy silang lahat maliban kay Mommy. I was blinded of my pain that time so I unintentionally caused pain to others. Believe me, nabulag lang ako. Oo, kasalanan ko naman talaga 'yon. Pero sana. . . magkabati pa kami." Tears rolled down her cheecks after finishing what she said. Marahan iyong pinunasan ni Marco.
"Stop crying. Namumula na naman ang pisngi mo o," ani Marco sa kanya. Iniangat niya ang baba nito kaya't nagsalubong ang mag titig nilang dalawa. Mata sa mata.
"We'll be fixing this together. Remember, you have me now. I'll help you in mending your awful past." Puno ng kasiguraduhan ang bawat salitang binitawan ni Marco. Like he's willing to sacrifice just to be with her battle. Para manlang maramdaman nitong hindi siya nag-iisa.
Rosie bitterly smiled. "Marco, ipapaalala ko lang sa'yo na hindi mo naman responsibilidad na gawin iyan. Ayaw kong dumagdag pa sa pasanin mo. You're a busy person running your own business all by yourself at ayaw kong isangkot ka pa sa gulo ko," sagot niya.
"But I'm not by myself!" pagdidiin ng binata. "I have you now. . .as the manager. So it's a give and take," dugtong pa ni Marco.
Napangiti na lamang si Rosie. Tila umatras na ang mga luha niya na papatak pa lamang sana. Ayaw kasi talagang paawat ni Marco.
"Thank you, Marco. Hindi ko alam kung paanong magsisimula kung hindi kita nakilala," ani Rosie.
"Kahit sino naman siguro ay tutulong sa sino mang nangangailangan, hindi ba?" sagot ni Marco nang nakangisi. May halong pang-aasar ang pagkakasabi nito.
"Am I a charity case?" high-pitched na sagot pa ng dalaga saka tinaasan ng kilay si Marco. Naka-crossed arms pa siya niyon.
Marco just chuckled seeing how Rosie's expression changed. "I didn't say that."
"Back to work na nga. Sinisira mo naman ang moment. Panira ka rin talaga, 'no," suway ni Georgina.
Bandang 9AM ay nagsimula nang magdagsa ang mga customers. Hindi tuloy magkandaugaga ang dalawa. Imbes na manager ang role ni Rosie ay nag-ala crew siya dahil sa dami ng tao. Si Marco naman na dapat ay boss na pa-observe-observe lang, ngayo'y cashier na rin. Hindi pa pala sila nakakapaskil sa labas na naghahanap sila ng part-timer at maging cashier ay kakailanganin na rin yata nila.
Minsang magtatagpo ang mga mata nina Marco at Rosie ay kapwa sila napapangiti sa isa't isa habang si Marco ay pa-simpleng kinikilig.
Nakahinga sila ng maluwag saka naka-upo na rin nang sa wakas ay mag-break time na.
"Rosie!" tawag ni Marco saka sinenyasan ang dalaga na lumapit sa kanya.
Ang nag ala crew na si Rosie ay pinagpapawisan tuloy sa pagod. Dinagsa sila ng customers ngayon at dahil bago lang ang dalaga, nahirapan siya sa mga gawain. Hindi siya sanay sa mabilisang gawa lalo pa't wala naman siyang karanasan pagdating sa pinasok niyang ito. Dati siyang call-center at nahinto pa iyon nang maghiwalay sila ni Rich. Ngayon ay tila hindi pa muli nasasanay ang kanyang katawan sa trabaho. Naninibago pa ito.
"Yup? Why?"
"Let's grab some snack together. You look tired," ani Marco sabay pasimpleng pinunasan ang pawis ng dalaga gamit ang kanyang personal na panyo. Sobrang bango niyon kaya't hindi mapigilan ni Rosie na kurutin ang puso niya. Ano ba naman 'yan, Marco. Ang bango mo naman. Isip pa niya.
"Ito naman, akala mo sa akin, bata? Kaya ko namang punasan ang sarili kong pawis, e." Kunwari ay nagrereklamo nitong sagot pero sa kalooban niya ay na-touch rin naman siya sa inasal na iyon ng binata.
"So, ba't 'di mo pinunasan?" pambabara ni Marco. Napaatras ang kanyang dila doon.
Umiwas siya ng ng tingin saka inayos niya ang kanyang sarili. Marahan siyang kumuha ng facial tissue sa lagayan malapit sa counter.
"Ito na nga o," aniya habang marahang pinupunasan ang kanyang pawis sa mukha. Napangiti si Marco sa pag-aalala sa kabataan nila ni Rosie. Habang tinitingnan niya ang dalaga ay nakangiti niyang sinariwa ang memorya niya rito. Kaunti lang ang memorya niyang 'yon. Pero para sa binata, sapat na iyon para may alalahanin siya. Sapat na iyon upang patunayang mula pa noon, nariyan na siya kasama ng dalaga kahit pa hindi sila nagkaroon ng pagkakataong bumuo ng alaala nilang dalawa noong kabataan nila.
Way back in America kung saan una niyang nakilala ang dalaga, she's also this pure. Dahil busy sa paglalaro, hindi na nito iniinda kung malinis pa ba ang suot niya, kung may putik ba ang mukha niya o kung pinagpapawisan siya. Normal na bata na wala pang pakialam sa sarili. But if there's one thing na hindi niya malilimutan tungkol kay Rosie, iyon ay ang mga ngiti ng dalaga. Kaparehas na kaparehas ng ngiting ibinibigay niya sa batang si Marco noon. Iyon nga lang, hanggang ngiti lang talaga 'yon dahil buntot ito ng buntot kay Rich. Naalala pa niya noon na ikinuwento sa kanya ni Rich na kaya raw hindi pinapansin ng batang si Rosie si Marco ay dahil baka agawin nito ang kalaro niyang si Rich. Noon pa lang talaga, kay Rich na ang buong atensyon ni Rosie. Hindi na siya magtataka kung bakit gano'n na lamang kahirap kay Rosie na mag-move-on, sa dalawang taong lumipas.
"Here, drink this." Iniabot ni Marco ang isang energy drink kay Rosie na siyang ikinatuwa nito.
"Wow! Oh, my. I love this drink!"
"Talaga? Ngayon alam ko na kung anong makakapag-pasigla sa'yo," pagbibiro ni Marco saka inakbayan si Rosie. He pinched her cute pointed nose na siyang kinainis ng dalaga.
"Touch anything else. But not my nose! Huhu!" ani Rosie saka pilit na kumawala kay Marco. Hinilot-hilot pa niya ang namumula niyang ilong gawa ng pagpisil ni Marco doon.
"You sure I can touch anything else?" tila wala sa sariling ani Marco. Balak na naman niyang asarin ang dalaga. Ngumisi siya na siyang nakapagpataas ng dugo ni Rosie.
"Salbahe ka, Marco," mahina niyang bulong saka napatakip sa kanyang katawan. Akala naman niya ay pagsasamantalahan siya ng isang Marco Villa. He's never got a girlfriend before. Gano'n siya katibay sa paglayo sa tukso.
Eversince, Marco is raised by his mom with so much respect to women. Kung mayroon man siyang kakampi, iyon ay ang Mommy niya na siyang tanging nagtaguyod sa kanya. He's never interested to flirting. Nasa tamang pagpapalaki rin lang talaga ang susi para sa isang maaasahan at may respetong lalaki. Ayaw niyang maranasan ng ibang babae kung paano silang pinaglaruan ng kanyang ama at ipinagpalit sa babae nito. Bata pa lamang siya ay matanda na ang isip niya at mabilis siyang nakakaintindi ng mga pinagdadaanan ng mga matatanda. He's a smart kid. Hindi iyon maikakaila. Ngayong may sarili na siyang negosyo, napatunayan na niya sa kanyang ama na he's capable of building his own dreams with his mom even without a father. Na naging matatag ang pundasyon ng tahanan nila kahit wala ang haligi nito. Sapat na ang ilaw ng tahanan na gumagabay sa bawat desisyon niya sa buhay. Para sa kanya, walang kwenta ang pagiging haligi ng tananan kung ang mismong haligi nito ay hindi kayang pagtibayin ang pamilyang binuo.
"Biro lang," he said and winked at her.
Napaiwas ng tingin si Rosie doon. Nais nang magpalamon sa lupa ni Rosie sa ginawang iyon ni Marco. Bakit siya nakaramdam ng pagka-ilang? Hindi ba dapat nginitian niya si Marco pabalik o hindi kaya ay babarahin niya? Bakit siya umiwas ng tingin?
"S-so you think, p-palabiro ka na niyan?"
"I guess so, maliban na lang kapag pag-ibig na ang pag-uusapan," ani Marco saka siya nagkibit-balikat. Binuksan niya ang kanyang kaha saka inayos ang mga pera doon. Basta-basta lang kasi siyang naglalagay ng pera lalo na kapag madaming customers. Hindi niya iyon agad ma-organize. As much as possible, gusto niyang mabilis ang pakikipag-transaction niya sa mga ito para hindi sila mabagot kakahintay ng sukli at resibo.
Napagpasyahan ng dalawa na maupo muna upang pag-usapan kung ano-ano ang kakailanganin nilang mga dagdag na employee sa coffee shop. Kumuha ng laptop si Marco saka sinimulang magtipa ng anunsyo na nagsasabing naghahanap sila ng interested applicants.
"Ano ba ang kailangan natin dito?" napaisip si Rosie. "Bukod sa taga serve, sa tingin ko ay kailangan din natin ng employee na incharge sa coffee machine," suhestyon niya na sinang-ayunan naman ni Marco.
Naiilang siya habang tinitingnan si Marco na noo'y nakatingin sa kanya at nakangiti. Bakit ka ba naiilang Rosie? Inis niyang sabi sa kanyang isipan. Kung puwede lang niyang kurutin ang sarili ay ginawa na niya para matauhan siya ngayon at bumalik sa dating Rosie lalo pa ngayon at nararamdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi.
Sa mga ngiti ni Marco, pakiramdam niya ay natutunaw siya na tulad ng isang kandila. Pero sa mga ngiti ring iyon, pakiramdam niya, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
She cleared her throat saka muling nagsalita.
"Bale, kapag bukas may bago na bamang aplikante, ako ba ang mag-iinterview?" tanong niya kay Marco.
Saglit na napaisip ang binata saka hinimas-himas pa ang kanyang baba na akala mo naman ay may bigote. Rosie raised her eyebrows.
"Ano na?" sunod niyang tanong.
He grinned at her. "Sige, since ikaw na naman ang manager, I'll leave it to you," aniya. Ang kaninang nakataas na kilay ni Rosie ay napalitan ng pagsalubong niyon.
"W-What? M-Marco, I-I'm nervous. This will be my f-first time to—"
Bago pa man siya makapagsalita ay pinutol na ni Marco ang sasabihin pa niya. "I know you can do it. I'll be with you. Hindi ba at sa call center ka nagtatrabaho dati?" he asked.
Tumango-tango si Rosie.
"Then that's great! Ibig sabihin, magaling kang kumausap ng tao!" nakangising sagot ni Marco.
Mukhang wala na ngang lusot si Rosie ngayon.
"B-But Marco, two years akong natengga sa pagpapaka-broken ko, e. Tingin mo ba kakayanin kong humarap agad sa kanila?" nag-aalala niyang tanong. Ang totoo ay gusto lamang niyang makarinig ng suporta mula sa kaibigan. Na kakayanin niya, para hindi na siya mangamba pa sa sarili niyang kakayahan dahil alam niyang may naniniwala sa kanya kahit isa. Kahit si Marco lang, sapat na.
"I trust in your capabilities, Rosie. Saka, I'll be with your during the interview para hindi ka ma-tense sa pagtanong sa mga aplikante. I always got your back, remember?" Marco said in full assurance.
Ang mga titig nitong nakapako sa mga ni Rosie nang sabihin niya 'yon ay ang mga titig na mas nagpatibay ng loob niyang kayaning humarap sa ibang tao. Sa loob ng dalawang taong pinagtabuyan niya ang mga tao sa paligid niya, baka ito na nga ang panahon para buksan ang sarili sa mga bagong kaibigan.