CHAPTER 5

2150 Words
MASIGLANG nagpaskil si Rosie ng announcement sa harap ng glass door niyong coffee shop ni Marco na may nakasulat nang qualifications na hinahanap nila sa isang aplikante. She was so excited to meet new people. Excited siya to sorround herself with new friends and this time, hindi na niya gagawin ang minsang pinakamalaking pagkakamaling ginawa niya sa buhay niya. Ayaw niyang magsayang ng pagkakaibigan gayong minsan nang nasayang ang mga panahong binuo nila ni Silva para sa pagkakaibigan nila. It was one of her biggest regrets at ngayong nagkita silang muli ni Silva, mas lalo siyang binubulabog ng guilt niya. Nasasaktan rin siya gayong umaakto itong parang hindi siya nito kilala. Pero hindi niya masisisi si Silva. She made her act like that. Siguro, ganoon din ang naramdaman ni Silva noong panahong tinaboy niya ito. Kung hindi gano'n, marahil sobra pa do'n. Umaasa pa rin si Rosie na isang araw, magiging maayos ang lahat sa pagitan nila ni Silva. "Naks naman, bilis mong ipaskil, ah? Halatang excited ka," puna ni Marco saka nilapitan si Rosie na ngayon ay papasok na sa loob ng coffee shop at katatapos lang magpaskil. "Ofcourse! Alam mo, ang swerte ko talagang napadpad ako dito sa El Paraiso. Pakiramdam ko talaga, dito na ako magsisimulang muli. Bubuo ng panibagong mga kaibigan na makakasama sa buhay." "E, katuwang sa buhay? Ayaw mo?" ani Marco saka nagpa-cute sa dalaga na para bang nirereto ang sarili niya. "Nakakaasiwa ka. Magtigil ka nga, Marco," supalpal ni Rosie. Magtigil ka dahil baka mahulog ako sa'yo at hindi mapanindigan niyang pagpapa-cute mo! Parang baliw na nasagi sa kanyang isipan. "Kung ganito ba naman kaguwapo ang magiging katuwang mo, Rosie. Tiyak kong magandang lahi ang ibibigay ko sa'yo," pagbibiro pa ng binata saka pumakawala ng isang nakakabaliw na tawa. Isinuksok niya ang kanyang kamay sa bulsa niya. "Hindi magandang biro 'yan, ha. Saka isa pa, pagkatapos ng hiwalayan namin ni Rich, pinangako ko na sa sarili kong hindi ko na mamadaliin ang pag-ibig. Takot ko lang, 'no." Napabitiw si Rosie ng isang malalim na buntong-hininga. "Iyon nga, kung may magtangka man sa'yong manligaw, i-training muna natin sa paggawa ng kape. Kapag pumasa, e 'di. . ." "E, 'di ano?" pagputol ni Rosie sa kanyang sasabihin. "E, 'di pag-aplayin natin sa coffee shop ko. Sinabi ko bang papayagan ko siyang manligaw sa manager ko?" maotoridad na wika ni Marco na para bang pag-aari niya si Rosie. Mahina siyang hinampas ni Rosie na noo'y hindi mapigilang hindi matawa. "Baliw ka! Akala ko naman papayagan mo na," anito. "Ayaw kong masayang ang tissue natin dito sa mga luha mo kaya lumayo ka muna sa ibang lalaki. Dito ka lang sa'kin," banat ni Marco na siyang nakapagpatigil kay Rosie sa pagtawa. Napakagat-labi siya rito. "O, bakit nahinto ang tawa mo? 'Wag mong sabihing kinikilig ka na sa'kin? Ikaw ha," panunukso pa nito kaya't namulang lalo ang mga pisngi ng dalaga. "Ano? Anong kilig-kilig ang pinagsasabi mo diyan? Kung kikiligin man ako, kay Ro Woon na lang," pagkukumpara pa nito. Salubong naman ang kilay ni Marco na tiningnan sa mga mata si Rosie. "Who's that Ro Woon?" aniya. Napatakip ng kanyang bibig si Rosie para pigilan ang kanyang halakhak. Seriously? Hindi niya kilala ang korean actor na si Ro Woon? Like duh? Aniya sa kanyang isipan. "Secret! Baka ipag-training mo pa, e." "Makikilala ko rin iyan. Kapag nakilala ko 'yan, siguraduhin mo lang na kaya akong harapin no'n sa pabilisang gumawa ng kape," buong pagmamayabang na wika ni Marco na nakahawak pa ang kamay sa dibdib. Mas lalong humagalpak ng tawa si Rosie. Iniisip talaga nito na ordinaryong tao lang si Ro Woon? E, bumida kaya 'yon sa ‘Extra-ordinary You’ na Korean drama! Artista kasi 'yon, e. Artista! Pagwewelga ng kanyang isipan. Ngumisi si Rosie. "Alam mo, Marco, I suggest, manood ka rin minsan mg Korean Drama's. I suggest, panoorin mo ang ‘Extra-ordinary You’ maganda iyon." "O, sige. Kapag nagka-oras ako ay mapanonood ko rin 'yan. Kapag hindi ko nagustohan, may parusa ka sakin," anito pa na may pagbabanta sa kanyang tugon. "Ba't parang kasalanan ko pa kung hindi mo magustohan? Nag-suggest lang naman ako, 'no. Bulok ang taste mo kung gano'n." "Hindi bulok ang taste ko, Rosie. Baka gusto mong ipakilala ko sa'yo ang babaeng na-meet ang taste ko nang malaman mong, hindi basta-basta ang tipo ko sa babae." Mariing tiningnan ni Marco ang dalaga sa kanyang mga mata. Nangungusap iyong mga titig niya. He looked at her intently na para bang kinakabisado niya ang bawat details ng mukha ni Rosie. "O, b-bakit, may sinabi b-ba 'kong b-babae? T-Taste sa drama naman ang p-pinag-uusapan, ah!" uutal-utal na sagot ni Rosie. Kung noon ay tila naintriga pa ito at gustong-gustong ipakilala sa kanya ni Marco ang babaeng gusto nito, ngayon ay parang ayaw na lamang niyang magkwento ang binata. Kinahapunan, bandang alas singko 'y medya ng hapon nang magsara na sila ng coffee shop. Maganda ang location nito dahil nasa front beach ito ng El Paraiso. 'Yun nga lang, tuwing summer ay medyo madalang ang customers, pero nagse-serve din naman sila ng iced-coffee which is the best tuwing summer at mainit ang panahon. Masarap humigop no'n habang nakatanaw sa dagat. May extension rin kasi ng tables and chairs sa labas ng coffee shop nila. In case na puno sa loob, puwede pa ang customers sa labas bonus na lang dahil sariwa pa ang simot ng hangin. "Ang ganda ng dagat. Kalmadong-kalmado. Parang hindi inaalon ng problema," wika ni Rosie habang nakatulala sa dagat. Marco is beside her at kakatapos lang isara ang shop. He stood beside Rosie saka ngumiti. "Oo nga, ang ganda talaga," sagot niya habang nakatingin kay Rosie. Nang balingan siya nito ng tingin ay umiwas agad siya. Mahirap na, maaga pa para mabuko ngayon. Nang mga sandaling tahimik silang nakatanaw sa dagat, pinagdarasal ni Rosie sa ilalim ng asul na kalangitan na 'yon na sana, anurin na rin ng dagat ang masasakit niyang alaala sa dating nobyo na si Rich. Maging ang magaganda ay pipilitin na niyang ibura. Wala na naman nang saysay para itago pa 'yon sa memorya niya. Maalala lamang niya ang saya ng pag-iibigan nila na sinundan ng pait. Letting go will never be easy, pero ngayong nasimulan na niya, balak na niyang ituloy-tuloy. Ayaw niyang maging tulad ng alon sa dalampasigan na pabalik-balik. Gusto niya, kapag pinaanod niya ang nararamdaman niya, tangayin na 'yon sa ibang ibayo at wala nang balikan pa. Binalingan siya ng tingin ni Marco sa mga sandaling 'yon upang tingnan ang maamong mukha ng dalaga habang tinatangay ng malakas na simoy ng hangin ang buhok nito. "Short hair will suit you," he suggested. Nagulat si Rosie sa biglang pagsalita ni Marco after a few seconds of silence. ‘Ano raw? Babagay sa ’kin ang short hair?’ Aniya sa sarili. "T-Tingin mo?" taas-kilay na tanong ng dalaga. Marco smiled sweetly. "Yes, I guess so. You'll look cute on a short hair," sagot nito. Napa ‘weh?’ naman si Rosie sa kanyang isipan. Her face shape is small. Sa totoo lang ay kahit anong hairstyle naman ay babagay sa kanya. Pinagpala na siya sa pisikal na anyo, pero sa pag-ibig. . .sablay! "Saka, hindi ba't ang sabi nila, kapag daw nagpa-short hair ang isang babae, ibig sabihin lang no'n, nagmo-move-on siya? tanong ni Marco habang nakatitig sa kanyang mga mata. Tumango-tango si Rosie. "Oo, that's true. Although hindi lahat? Ang hirap kaya pahabain ng buhok. Tapos kapag na-broken ka lang, puputulin mo na? Sayang!", may panghihinayang sa boses ni Rosie. Mahaba-haba na rin kasi ang buhok niya. Sayang naman kung puputulin, although she love the idea para mas lalong maipakita sa lahat na magmo-move-on na nga siya ng tuluyan. "But always remember, Rosie. You don't need to always prove everyone na nakamove-on ka na. What's important is alam mo kung ano na ang estado ng puso mo. It's just a discussion between you and yourself. Wala nang iba pang makapagsasabi kung nakamove-on ka, o hindi maliban sa sarili mo." Tama si Marco. Hindi nga dapat ako dumidipende sa kung anong iisipin at sasabihin ng iba. Ang importante lang at dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang pagmo-move on totally mula kay Rich at hindi na nila kailangan pa 'yung malaman. I shouln't give them the consent to say something about my love life. "Tara na? yaya ni Rosie sa kaibigan as she turned his back. Noon, kung kailan maraming sumusuporta sa kanya, maraming tutulong sa kanyang magmove-on, tinanggihan niyang lahat dahil sa pagka-bulag sa labis na pagmamahal. Kung saan ngayon na nilayuan na siya ng mga kaibigang tinaboy niya, doon niya pa naisipang mag-move-on. Natatawa na lamang siya sa kanyang isipan sa katangahan niya. Pero bakit pakiramdam niya ay sapat na na may isang Marco Villa siyang kaibigan na handang umalalay sa kanya sa panibagong hamon sa buhay niyang ito? Marco just nodded his head saka sumunod na rin kay Rosie. Naunang naglakad ang dalaga. They're heading towards the same apartment. Mabuti na rin 'yon para hanggang sa pag-uwi ay sigurado si Marco na ligtas si Rosie. Kung tutuisin, hindi naman inasahan ni Marco na mag-iiba ang takbo ng baraha niya. He felt lucky these days dahil mukhang umaayon sa kanya ang tadhana. Akala niya no'n ay kailangan na niyang ibaon sa limot ang nararamdaman para kay Rosie, gayong matagal na niya itong nararamdaman para sa dalaga. He's been busy watching over her at hindi na niya namamalayan ang sarili niya na unti-unti na nga siyang nahuhulog rito. At one unexpected moment, doon niya lang napagtanto. They were in middle school that time. Same school, same section. Sana pati feelings ay the same—pero hindi. Mailap ang tadhana no'n para sa kanilang dalawa. Pasimple lang noon si Marco sa sinusulyapan si Rosie. Hindi sila mapaghiwalay no'n ni Rich. They were high school sweet hearts. Samantalang siya, mula America hanggang Pilipinas, sinundan niya si Rosie. Nag-enroll sa mismong school na pinasukan ng dalaga. Sa mismong section rin para araw-araw niya itong makita. Noong umpisa ay nakuntento naman siya sa pagsulyap-sulyap lang kay Rosie, pero hindi nagtagal ay pasakit na ng pasakit ang bawat araw sa kanya na makitang walang senyales ang dalaga ng pagkakagusto sa kanya. Minsan kahit kasama nila ito sa canteen at kumakain, Rosie will always talk to Rich. Parang hangin lang si Marco sa kanya. It was painful. Tanging mapait na ngiti na lang ang naibibigay ni Marco tuwing kaharap silang dalawa. Pakiramdam niya, he fell down from an 11th feet pit at nahihirapan siyang alisin ang sarili niya do'n. But just look at it now. He's almost reaching her. She's almost within his reach at halos tumalon ang puso niya sa saya. Finally, after so many years, Rosie noticed him. She noticed his presence. Kahit pa kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Hindi nawawalan ng pag-asa si Marco na balang araw, sana umayon pa rin sa kanya ang mga baraha. "Uy! Una na 'ko, ha. See you!" pagpapaalam ni Rosie. Hindi napansin ni Marco na sa paglalakad nila, narito na sila ngayon sa apartment at nakahinto sa tapat ng unit ni Rosie. He came back into his senses at nagsalita. "O-Okay—" May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya iyon nasabi dahil diretso na ang dalaga sa loob saka mabilis na isinarado ang pintuan. ‘Napahiya ako do'n, ah’ he said to himself habang pinupunasan ang malalamig at gabutil niyang pawis. "That girl is really unpredictable," he uttered saka dumiretso na sa kabilang unit habang nagkakamot ng kanyang ulo. Ibinagsak ni Rosie ang sarili niya sa kanyang kama. Pagod na pagod siya sa araw na 'to. Parang ang daming nangyari. Bukod sa napakaraming customers ay may hiring pa sila na magsisimula bukas. "How dare he entrust that thing to me? Is he that confident about my capability?" kunot-nong wika ni Rosie sa kahanginan. Binuksan niya ang kanyang cellphone saka nag-f*******: saglit. Isa na namang notification ang nag-pop-up sa taas na bahagi nito. "Rich Fesco sent you a friend request," pagbasa ni Rosie. Hindi niya mapigilang mag-iba ng ekspresyon nang mabasa niya iyon. What is this guy up to? She said in her mind, confused. Bwiset naman, Rich. Nagmo-move-on na 'ko, saka naman magpaparamdam ang kasal mong multo! Iniisip tuloy ni Rosie kung nananadya ba si Rich? O sadyang manhid lang siya at hindi niya maramdaman na nasasaktan ito? Kapag ba tinanggap ko ang friend request na 'to, lulubayan na 'ko no'n? Tanong niya sa isipan. Umiling-iling siya. No, hindi iyon magandang idea. Mas lalo lang akong gumawa ng paraan para paasahin ulit ang sarili ko. Mapupurnada na naman ang pagmo-move-on 'ko. Pagkontra niya sa kanyang sarili. In the end, she blocked the account para matahimik na siya. Ayaw niya ng distractions. Not now that she finally found peace in El Paraiso. Hoping that she could finally move-on after two years of her agony. She threw her phone beside her bed. What can I have for dinner? Salubong ang kilay niyang tanong sa kanyang sarili. Kahit medyo pagod ay pinilit niyang tumayo saka siya nagbihis para makapagluto. She opened her fridge and to her surprise, she frowned. "Shookt! Wala akong pinamili!" Nasapok niya ang kanyang noo. Iiling-iling siyang nagbihis ulit ng pang-alis dahil mukhang wala siyang choice kundi ang mamalengke na lang. Saktong pagkalabas niya ay siya ring paglabas ni Marco sa unit nito. Tabi lang kasi ang unit nilang dalawa. "O, Rosie. Are you going somewhere?" he asked. Tumango lang si Rosie. "Sabay na tayo, are you going to the market? Ako kasi, bibili ng vegetables. Baka gusto mong sumabay?" Kuminang ang nagugutom na mga mata ni Rosie. Good timing! Ngayon, makakapagluto na siya ng healthy. "Um, Marco. Okay lang ba kung sumaglit tayo sa grocery after natin sa market? Wala kasing laman ang fridge ko, e." Napakamot siya ng kanyang ulo. "Sure!" maikli pero masiglang tugon ni Marco sa kanya. He's a real savior indeed! Ngumiti si Rosie ng pagkatamis-tamis, kasabay ng pagpula ng kanyang pisngi. "Salamat," aniya kay Marco saka sumabay na sa binata sa pagbaba. Pagdating do'n ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Mapa-babae man o lalaki. Paano ba naman kasi, namumukha silang mag-asawang dalawa. "Ang cute mo sa hawak mong bayong, in fairnes!" komento ni Rosie saka natatawa pa habang pinagmamasdan si Marco na hawak-hawak ang kulay rainbow na bayong na usually ginagamit sa pamamalengke. Mala-labanos kasi ang kutis ni Marco at mukhang 'di bagay na magbitbit ng bayong. Sa pustora niya pa lang ay makikita mo nang mayaman siya. Ang kinabibiliban lang ni Rosie, parang wala lang sa kanya ang lahat. Like Marco is just happy living a simple province life. "Stop it, Rosie," medyo nahihiyang sagot ni Marco. Kahit gano'n, ang cute niya pa ring sumuway sa dalaga. "Mga suki, anong inyo? Nako, mayro'n kaming patatas, pechay, kalabas, talong, at sari-sari! Bili na kayo, para humaba ang buhay n'yong mag-asawa!" pang-e-engganyo ng isang tindera sa kanilang dalawa. "Ay! H-Hindi po kami mag-asawa, ate!" mariing pagtatanggi ni Rosie. "Hindi ba? Mukhang mag-asawa kayo, e," sagot ng babae saka ito natawa. "Bakit po, boto po ba kayo sa amin?" pang-aasar ni Marco saka ngumisi kay Rosie. Siniko naman siya nito. "Aba! Oo naman! Lalo na kapag bumili pa kayo," sales talk nito. Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na natawa. Itong si ate, ang galing magsales talk! Natatawa sa kanyang isipan si Rosie. "O, sige na nga po. Magkano po ba ang kilo ng talong, ate?" this time si Rosie ang nagtanong. Ngumisi ang tindera saka ginawaran si Rosie ng mapang-asar na titig. "Depende sa laki at haba, hija. Ano ba ang gusto mo sa talong? Iyong mahaba ba o hindi gaano?" pagbibiro nito sabay ngisi sa dalawa. Namula naman ang mga pisngi ro'n ni Rosie. Namumula sa kahihiyan. Hindi ito nakasagot agad dahil sa maberde niyang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD