Maya't mayang aligaga si Marco. Wala sa sarili. Ni hindi na nga niya ma-entertain ng maayos ang mga customers sa coffee shop. Mabuti na lang at nariyan si Rosie. But she refused to ask. "Marco, ako na dito. Do'n ka muna sa office." Suhestyon ng dalaga saka ito nakipagpalit ng pwesto kay Marco sa kahera. Bumuntong-hininga si Marco habang tititingnan niya si Rosie. He can't help it. Parang siya ang na-broken in behalf of Rosie. Isipin pa lang nito na lahat ng naranasang sakit ni Rosie ay dahil lang sa isang pesteng sakit. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang maging masaya na ngayon, malaya na ang dalaga at malapit na sa kanya kung ang kapalit at dahilan naman pala no'n ay ang pagkakaroon ng sakit ng kababata niyang si Rich. Hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin kung sakali man

