Ngayon ang unang araw na naisipan nila Rosie na i-apply ang marketting strategy nila na pa-free taste ng kape. Sakto at medyo malamig ang panahon dahil sa sa panaka-nakang pag-ulan. Nagsuot lang siya ng inner na kulay gray saka itim na blazer. Ipinares niya iyon sa kanyang pencil cut skirt na kulay itim rin. Hapit na hapit ang balakang at korte ng katawan niya sa skirt na 'yon at hulmang-hulma ang maumbok niyang puwet dahilan para hindi maiwasang mapatingin ng ilang mga kalalakihang customers sa kanya. Habang si Marco ay parang matanglawin kung makapamatyag at makabantay kay Rosie. Nasa labas sila ngayon kasama ni Cavin. May hawak itong tray na naglalaman ng mga cups ng kape saka nakasabit sa kanyang leeg ang sign board na may nakalagay na ‘free taste—free picture with me’ mababakas mo sa

